[TWO] Chap.20: Ang Sikretong Pagpupulong

5.1K 196 19
                                    

๑۩۞۩๑ Ang Sikretong Pagpupulong ๑۩۞۩๑




Isang malaking kaguluhan ang nangyari sa cocktail party na dinaos sa bahay ng mayor ng San Nicolas. Kung ang balitang ito ay kumalat sa buong bayan, tiyak na sobra-sobrang pagkabahala ang mararamdaman ng mga tao. Tiyak na magkakaroon ng malawakang paglikas ng mga mamamayan at mga negosyate sa San Nicolas

Sino ba naman ang gustong tumira sa isang bayan na puno ng mga kakaibang nilalang?

Pero buti na lang hindi.

Malaki ang pasasalamat ni Mayor Benjur Landicho sa SKKKS, lalong-lalo na sa punong kasapi nito na tatay ni Clarissa Gutang na si Mang Jose. Gumamit si Mang Jose ng isang napakalakas na orasyon na ginagawang isang alaala na lamang ang isang aktual na pangyayari. Ang nangyaring kaguluhan ay naging animo'y isang masamang panaginip na lamang sa mga isipan ng mga dumalo.

Tahimik lang na nagmamasid si Clarissa sa mga taong nakalibot sa lamesang hugis octagon na puno ng mga kumikinanag na dyamante. Nasa loob sila ng sikretong silid ng SKKKS na dati ay napuntahan na niya noong burol ng tatay ni Gino Ivan Lazaro.

Bawat hiyas sa lamesa ay lumiliwanag ayon sa dyamante ng agimat na nagmula sa mga elementong-kaisa. Napakagandang tingnan ang matitingkad na kulay ng amethyst, diamond, sapphire, emerald, topaz at iba pang mga mamahaling mga bato.

Napansin din ni Clarissa na kumpleto ang mga elementong kapangyarihan. May lupa dahil sa kanya at kanyang ama; tubig dahil kay Ginang Violy Dela Rosa, yelo dahil kay Nurse Ruby Javier, hangin dahil sa presenya nina Sir Daniel Solis at Junior Sta. Maria at syempre kidlat dahil kay Ren Dela Rosa na panay ang pa-cute sa kanya sa kabilang dulo ng lamesa. Hindi niya ito pinapansin.

Ayaw man niyang punahin, pero nakakapagtakang maliwanag din ang mga hiyas na kulay pula na nagrerepresenta sa elemento ng apoy. Walang sino man sa loob ng silid ang may elemento ng apoy kundi si Gino. Pero kanina pa siyang nasa sulok ng sild at walang kibo. Malayo siya sa octagon na lamesa at alam naman ng lahat na wala na ang kanyang elementong-kaisa na si Popoy.

Bakit kaya may enerhiya ng apoy?

Kahit na sa isip ito ng mga tao sa loob ng silid ay pinag-isang tabi muna nila dahil may napakahalaga silang bagay na dapat mabigyan ng solusyon.

Nasa pagpupulong si Mayor Benjur kasama ng dalawa niyang pinagkakatiwalaang mga body-guards. May iba din mga tao na hindi pamilyar kay Clarissa. May tatlong mga babae na panay ang pagtitig sa kanya at kanyang ama. May isang isnaberong matandang lalaki at mag-asawa na mukhang secret agents dahil sa suot nilang damit.

Ang sabi ng kanyang ama, sila ay miyembro din ng SKKKS mula sa karatig bayan. Tanging si Mayor Benjur at ang kanyang mga body-guards lang ang walang mga elementong-kaisa sa loob ng silid.

"Kalat na ang takot sa isipan ng mga mamayanan sa bawat barangay. Kahit natutuwa ako dahill dumami ang pumupunta ng simbahan. Pero dala lang ito pagkabahala at pangamba." sabi ni Fr. Gilbert Quirante.

"Tama. " pagsang-ayon ni Sir Daniel."Ito ay dahil sa mga insidente ng pananakot. Nagiging malimit ang pagpaparamdam ng mga engkanto sa mga tao; walang pinipili bata man o matanda. May grupo ng mga kabataang nagpasimuno nito. Malakas ang kutob ko na sila ang parehong grupo na nanggulo sa party nyo, mayor."

"Ano ba ang kanilang layunin?" tanong ng mayor. Hindi siya sanay sa ganitong usapan. Noong una hindi siya makapaniwala, pero siya mismo ang naging saksi sa kaguluhan sa kanyang party at kung paano nakatulong ang mga miyembro ng SKKKS para maging maayos ang lahat.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now