Chap.24: LA LIBERACIóN (ANG PAGPAPALAYA)

2.8K 122 25
                                    

Yun! May update na! May recent change ng off ko from work kaya expect updates either late Sunday or early Monday.

Salamat sa patience! Basahin na ang latest update. Enjoy!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑LA LIBERACIóN (ANG PAGPAPALAYA)๑۩۞۩

++++NARRATOR'S POV++++++++++++++++++++++


Di napigilan na magtatatalon sa tuwa ang isang diwatang may mga asul na pakpak na gaya sa isang paru-paru. Hindi niya alintana ang pagod at sakit ng katawan na kanyang nararamdaman dahil sa matagal na pagkakakulong. Halos magmanhid na rin ang kanyang pakirandam sa kanyang mga pakpak. Kailangan na niyang makalaya at muling makalipad!

Nabuhayan siya ng loob. Bumalik ang binatang kaisa ng isang sentauro. Hindi siya nito binigo at tinupad ang kanyang ipinangako na babalik siya upang iligtas ang mga engkanto at diwatang tulad niya na binihag ng Supremo upang nakawin ang kani-kanilang elemento. Hindi na siya makapaghintay na malayang makalipad sa ere at magamit ang kanyang elementong hangin!

"Clarissa, sila ang sinasabi ko!" tawag ni Ren Dela Rosa, itinuro niya ang mga kakaibang kulangan na nagkalat palibot ng Tore ng Patay. Bawat kulangan ay binabagayan ang laki ng mga bihag nito mula sa mga higanteng kapre hanggang sa mga maliliit na diwata.

Nasa ere si Ren gamit ang hiram na pakpak mula kay Clarissa Gutang. Isang di pangkaraniwang kompinasyon ng isang mabalahibo na kalahating tao at hayop na may pakpak ng kulay lila!

Napangiti si Clarissa sa di bagay na itsura ni Ren. Pero mas napangiti siya sa pag-aalala ni Ren sa mga nakakulong na mga espiritung-pangkalikasan. Malaki na talaga ang pinagbago nito. Nabanggit ni Ren ang tungkol sa mga bihag nang papunta na sila sa tore at ang kanyang kagustuhan na maligtas ang mga ito.

"Kung sana pwede lang na gamit ang lakas ay nasira ko na ang mga kulungan nila pero gawa ang mga ito mula sa orasyon ng Supremo na hindi basta-basta masira." saad ni Ren.

Mabilis naman na tinanggal ni Clarissa ang mga pakpak na pinahiram niya kay Ren nang tuluyan na itong nakatapak sa lupa.

Di talaga bagay! Sumang-ayon si Rosabilya o si Kikay na kanyang elementong kaisa.

Lumapit si Clarissa sa isa sa mga kulangan upang pagmasdan ito ng mabuti.

"MARAMING SALAMAT!"

"PAGPALAIN KAYO NI BATHALA!"

"MGA SUGO NG DYOS AT DYOSA!"

Panay ang pasasalamat ng mga engkanto at diwata.

"Nagbalik ka!" masayang bungad ng diwatang may kulay asul na pakpak kay Ren.

Kikay?

Nagulat saglit si Clarissa. Kamukhang-kamukha ng diwata si Kikay. Kasing tangkad nito ang may tatlong taong gulang na bata, malalaki ang mata at may mahahabang ppili-mata at may pakpak ng isang paru-paru. Parehong-pareho, nagkaiba lang sa kulay; kulay lila si Kikay, ito naman ay kulay asul.

Friend ko yan! Si Ashura. bulong ni Kikay sa kanyang isipan. Nahuli pala siya ng Supremo!

Lumapit si Clarissa. Napatingin si Ashura at mas lalo ito naging masaya, parang batang super excited.

"Ikaw! Nararamdaman ko na isa kang taong kaisa ng kaibigan ko na si Rosabilya!"

Tumango si Clarissa.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now