Chap.11: KIDLAT

3.6K 145 12
                                    

And Updated na!

WOOT! WOOT! It's Ren's time to shine!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑KIDLAT๑۩۞۩

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++


Tahimik akong nagmamasid. Nakikisabay... Nakikibagay.

Pinupwesto ko ang aking sarili sa likuran ng grupo. Basta hindi nila ako napapansin, mas mainam.

Kailangan kong makapag-isip ng paraan para makaalis sa lugar na ito at sa lalong madaling panahon.

Pero pano?

Huminga ako ng malalim pero nagsisi bigla. Nahirapan akong huminga. Marahil sa nipis ng hangin dito sa Purgatoryo at hindi mawala-wala ang singaw ng animo'y nabubulok na karne... o bangkay ng tao.

Well, what to expect. Mundo nga naman ito ng mga patay.

Hinabol ko ng tingin si Hero Salvanera na kabilang sa mga dalaketnong kasama ng Supremo.

Kasali siya dito. Isa siyang kalaban. Iyan ang malinaw sa akin.

Kagaya niya sina Ryan Jacinto na walang pakialam sa lagim na kinakaharap ng mga taong buhay.

Kahit malayo, kapansin-pansin ang bughaw na mga mata ni Hero pero walang itong emosyon, kasing lamig ng kanyang elementong yelo. Hindi man lang siya nagsasalita habang kinakausap siya nina Ryan, Ulysses Cedeño at Zyren Vijandre.

Tama marahil ang iniisip ko na ginagamit lang nila ang mga walang kamalay-malay na kabataan. Kasangkapan lang sila sa mga itim na mithiin ng Supremo at ng mga dalaketnon.

Naaawa ako sa kanila... Subalit ginusto naman nila ito. Nabulag sila sa nakaw na kapangyarihan!

So what now? Bilis, kailangan ko nang makaalis dito!

Dumako naman ang paningin ko sa isa pang tore na nabuo bigla. Malayo ito sa kampo pero nakakasilaw pa rin ang liwanag na nagmumula dito.

Ang Tore ng Buhay.

Iyan ang narinig ko na tawag ng mga lamang-lupa na saglit na natakot at nagkagulo sa pagkakabuo ng tore.

May isang tagasunod ng Supremo lang ang nagpakalma sa lahat na walang magagawa ang tore dahil pinabagal lang naman nito ang paglaganap ng Purgatoryo sa mundo ng mga tao. Higit pa rin daw na mas makapangyarihan ang Supremo at hindi nito mapipigilan ang kanilang pinaplano. Mabilis namang naniwala ang mga lamang-lupa at ang ibang mga itim na engkanto at diwata.

Matindi ang kanilang debosyon sa Supremo.

Pero malaki ang pasasalamat ko sa tore. Nabuhayan ako bigla ng loob; Alam kong may pag-asa pa.

Malakas din ang aking kutob na may mga kakampi ako doon. Si Clarissa kaya? Di ko makakaila ang pananabik na muling makita ang aking mahal.

Oo, bata pa kami pero sure ako na siya na talaga ang para sa akin. Si Clarissa lang!

Medyo nalihis man ang aking pakay na hanapin si Buhano, ang elementong-kaisa ni Mang Jose na tatay ni Clarissa para mapatunayan ko na wala akong kasalanan sa aksidente, buo ang aking loob na tapusin muna ang obligasyon ko para sa kabutihan ng lahat.

Napangiti ako.

Wow, hah. This is not me. TOTALLY NOT ME.

Kailan pa ako naging selfless? Di ko alam....

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon