EL KANTADIA 21: ANG PAGLALAYAG SA KARAGATAN NG TUBIG

2.6K 98 10
                                    

Malakas ang tensyon sa pagitan ng magkakambal na dyos. Parehong mabigat at nanlilisik ang tingin nilang dalwa sa isa't-isa. It was as if, kahit anong oras ay they'll attack and kill each other without any second thoughts. Damang-dama sa buong silid ang galit nila. It's so suffocating na halos nakakasakal na. Everyone wanted to get outside para makahinga naman ng maluwag at sariwang hangin.

Simula pa lang na isinilang sina Arao at Anino, they were destined to hate each other. Hindi sila kailan man nagkakasundo. Dahil mas lamang si Arao sa lahat ng aspeto, he was the instant favorite at mas ginagalang while si Anino, with his misdeeds and evil schemes, ang pinakakinaiinisan ng iba pang mga dyos at dyosa. They were the opposites, the black and the white!

"Arao, anong nangyari at mukhang tumanda ka ng sobra-sobra. HA HA HA!" Anino started. "Di tulad ko, batang-bata pa rin ang itsura."

Anino was teasing pero walang reaksyon si Arao.

"Hindi mo ako malilinlang." sagot ng dyos ng Init at Apoy. "Kitang-kita ko ang totoong mong anyo, Anino. Ikaw na buto't-balat na at ang iyong mga namumuting buhok ay nagsisilagasan na."

"GGGRRRRR!" Anino snarled. Ang ayaw niya sa lahat ay ang katotohanang pilit niyang kinukubli.

Gaya ni Arao, matagal na siyang walang hinirang upang humalili sa kanya bilang dyos ng Poot at Dilim. Ilangdaang taon na siyang naghahanap. Noong sa wakas ay may napili na si Arao bilang hinirang, ninais niya itong maging hinirang din. Kaya bago pa maibigay ng kakambal ang basbas nito, he switched the rightful chosen one sa isang normal na diwata, ito si Adlawana. Si Gunaw na isang datu sa mundo ng mga mortal at walang kaalam-alam sa pinagmulan na siya ay may dugong engkanto, ang toong hinirang. 

Anino started to manipulate Gunaw's thoughts at pinuno niya ito ng inggit, galit at pagkasakim sa kapangyarihan. Inihahanda niya ang datu upang maging karapt-dapat itong maging dyos ng Poot at Dilim!

All should have been well kung hindi lang ito biglang umibig. Gunaw fell in love kay Sibol na isa sa mga anak ni Daloy. Nagulo ang kanyang plano pero he never stopped giving evil thoughts and hatred. Eventually Gunaw was imprisoned sa loob sa sagradong banga for hundreds of years. He waited at sa wakas ang diwa ni Gunaw ay napunta kay Gino. Si Gino na ngayon ang hinirang ni Arao ngunit with Gunaw's previous crimes and influence, he's unworthy! Ito na ngayon ang pagkakataon ni Anino to have his hinirang!

"Arao, naisin ko man ngunit wala akong intensyon makipaglaban - sa ngayon... Hindi pa." seryosong sambit ni Anino while giving out a menancing aura. "Isang tao lamang ang pakay ko." Nilahad niya ang magkabilang kamay with arms wide open, gesturing Arao to give Gino to him. 

"HINDI!" sagot ni Arao and give out a much powerful aura na tumalo sa pinakawala ni Anino.

Muntikan nang matumba ang dyos ng Poot at Dilim. Batid naman niya na mas malaks ang kakambal kaysa sa kanya. Its the main reason kaya niya ito kinamumuhian. Halos lahat ay na kay Arao! Pero ang inggit at galit ay his source of power. He loves to hate! The more he hates, the more na lumalakas ang kanyang kapangyarihan.

Gusto na niyang patayin si Arao pero pinipigilan lang niya ang sarili. Hindi pa. Hindi pa ngayon ang tamang panahon.

Anino smiled. Alam niya na malapit na malapit na. He's stopping himself, tinitiis niyang isiwalat na unti-unti nang naisasakatuparan ang kanyang mga pinaplano. He waited for so long! Hindi na siya makapaghintay to see Arao's dying face!

Napabuntong-hininga na lang si Anino. Its a sign of his defeat - for now.

"Sige, panalo ka ngayon. Pero huwag mong isipin na sumuko na ako. Maghintay ka lang... MAGHANDA KA, KAYONG LAHAT!" nabalutan ng itim na usok ang dyos. "Oo nga pala, isang regalo kay Gino -" sa isang pitik ng kanyang daliri, a dark glowing orb ang biglang tumalsik at tumama sa katawan ni Gino. "- ang kanyang tuluyang pagkamatay! HA HA HA HA!"

ELEMENTOWhere stories live. Discover now