Chap.32: Talent Contest (Part 1)

10.8K 292 16
                                    

 ๑۩۞۩๑ Talent Contest ๑۩۞۩๑

       (Clarissa Gutang's POV)

Punong-puno ng mga estudyante, mga teachers at mga magulang ang school auditorium para manuod at sumuporta sa mga contestants ng Mr. and Ms. Owkward Academy Student of the Year. Ngayon na kasi gaganapin ang last category, ang talent contest. 

Grabe ang nerbyos at kabang nararamdaman ko. Ito pa naman ang first time ko to sing infront a huge audience! 

Kaya ko ba 'to? Paano kung di nila magustuhan ang kanta ko?

Magback-out na lang kaya ako?

"ANO KA BA, CLARISSA!" saway ni Kikay sa aking isipan. "KAYA MO 'TO!"

"Sorry Kikay, sobrang kinakabahan lang talaga ako. Di ako sanay ng ganito."

"Di ba I promised you na I'll support you para maiba ang status mo sa school na 'to? This is the start. You are the new Clarissa Gutang right now! Believe, have confidence na you can do this!"

"Thanks, Kikay." bulong ko. It really helps talaga kung may nagbo-boost ng spirits mo.

"Clarissa, good luck sa atin!" excited na sambit ni Katherine Dela Rosa. "I feel so nervous pero super excited!"

"Naku, I feel the very same thing!" sang-ayon ko. Sabay kaming tumawa. "Ang ganda-ganda mo ngayon, Katherine. At ang sexy-sexy pa!"  puri ko. Naka-full costume siya na pang-ballroom na metallic gold corset na may ruffled skirt. 

"Si mommy nagustuhan din ang damit na 'to pero si Kuya Ren, siya lang ang ayaw ng suot ko."

Si Ren Dela Rosa. Naalala ko siya.

Matapos kasi nang marinig niya akong kumanta, nagmadali siyang umakyat ng hagdanan at di na lumabas sa kwarto niya.

Pero... laking gulat ko nang may inabot siyang cd sa akin bago ako umalis. CD ng minus-one ng kanta. Sobra akong kinilig kaya lang masungit siya ng ibinigay niya sa akin, yung para bang napilitan lang siya. Nalungkot na naman ako.

Umiling ako. I need to stop feeling sorry for myself. I need to focus kasi may contest pa ako! 

"Kaya mong sumayaw suot-suot yan?" tanong ko para maibaling sa iba ang aking isipan.

Nakagold high-heels si Katherine.

"Kakayanin ko..." di suguradong sagot ni Katherine pero ngumiti siya sabay posing. "Basta ang ganda kong tingnan, di ba?"

Tumungo ako.

"Ikaw din naman, napakaganda mo!" bola ni Katherine.

"Dahil lang naman sa'yo to eh." sabi ko.

Hiniram ko lang ang simpleng purple dress na suot-suot ko kay Katherine. May kalumaan na pero maganda pa rin naman. Wala kasi akong dress sa bahay. Si Katherine din ang nagmake-up sa akin. Inayos niya ang buhok ko na pa-side para mas makita ang tanging alahas na pinagmamalaki ko, ang agimat na amethyst earcuff na ibinigay sa akin ni Kikay. 

"Hello!" bati bigla ni Jun-Jun Sta. Maria. Lumapit siya sa amin. 

"Wow!" mangha kong sambit. "Mag-partner talaga! Kung best in costume ito, panalo na kayo!" 

Si Jun-Jun ay nakasuot ng fitted na long sleeves na shirt na may mga gold sequins din ng gaya ng kay Katherine. Naka-bukas ang dalawang butones ng shirt niya.

Ang cute nilang tingnan. Bagay na bagay talaga sila!

"EXCUSE ME!" sabat ni Regina Co na bigla na lang dumaan sa harapan namin. Tumigil siya sa gitna at ng pose.

ELEMENTOWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu