[TWO] Chap.3: Ang Multo sa may CR (Part 1)

10.7K 248 18
                                    

๑۩۞۩๑ Ang Multo sa may CR ๑۩۞۩๑

    (Junior 'Jun-Jun' Sta. Maria's POV)

"Gino!" gulat na sigaw ko nang bigla na lang nahimatay ang aking kaibigan.  Buti na lang nasalo ko siya at dali-daling inupo sa loob ng kotse ng tito ko. 

Sandali lang naman iyon at muli siyang nagkamalay pero masakit naman daw ang kanyang ulo at hindi siya makahinga ng mabuti.

"Dalhin na kaya natin siya sa ospital." sabi ni Tito Derek na nag-aalala na rin. Sa kanya nga naman ibinilin ni Aling Esme ang apo. "Teka, tawagan ko nga ang lola niya..."

"Hindi na... Wag po!" pagpigil ni Gino. "Okay lang ako. Huwag nyo na pong sabihin sa lola. Ayaw ko siyang mag-alala."

"Pero..."

"Okay na po!" pilit ngumiti si Gino at nag-'thumbs up' pa.

Alam kong di kumbinsido ang tito ko pero nagsimula na siyang mag-drive. Baka ma-late na kami!

"Okay ka lang, Gino?" tanong ko.

"O-Okay lang."

"Pre, sa tingin ko di na normal ang mga bigla-biglang pagsakit ng ulo mo. At di ba sabi mo, sumasakit din ang iyong dibdib? Nagpatingin ka na ba sa doktor?"

Umiling si Gino.

"Alam ba ito ng lola mo."

"Sshhhh." nagsenyas sa akin si Gino na hinaan ang boses. "Hindi pa alam ni lola." bulong niya.

"Bakit mo ba nililihim sa lola mo?" sagot ko pero pabulong na rin.

"Ayaw ko lang siyang mag-alala."

"Pano kung malala na palang sakit yan?"

"Hindi 'to. I'm fit and healthy!" sagot niya nag-flex ng kanyang 'biceps'

"Bahala ka!"

Hindi ko alam ang mga buong pangyayari at hindi ko pa rin maintindihan kung paano kami nagkahiwalay ni Gino sa loob ng lagusang ginawa ng engkantong kumuha kay Clarissa Gutang na nalaman ko na Malanti-Aw pala ang pangalan. Magkasunod lang kami pero paglabas ko sa kabilang lagusan ay nag-iisa na lang ako. Akala ko bumalik ako sa 'open field' ng Owkward Academy pero napagtanto ko na nasa purgatoryo muli ako. Nakakapangilabot ang hangin sa lamig at malakas ang amoy na para bang may nabubulok na kung ano sa di kalayuan. Magulo at makalat din ang buong kapaligiran.

"Junior." may tumawag sa akin at magbigla na lang nagpakita ang isang babaeng may sobrang mahabang buhok at natatakloban ang mukha! May suot-suot din na puting damit na duguan!  "Junior, maging alisto ka." sabi nito. Akala ko may isang 'white lady' na nagpakita sa harapan ko, si Magayon lang pala, ang elementong-kaisa ko.

Isang misteryo pa rin para sa akin kung bakit nag-iba ang itsura niya mula sa isang 'harpy' na may katawan ng isang agila at may magandang mukha ng isang babae. Bakit nga pa naging ganyan siya? Kailan nga  ba nagsimula? Dahil sa itsura niya kaya natawag ko siyang Sadako. Pero hindi na, nagbago na ko. Hindi ko na siya sisisihin kung bakit nawala ang aking mga magulang. Malaki pa nga ang utang na loob ko sa kanya dahil binabantayan niya ako. Hindi ako nag-iisa.

"Nakakapagtaka kung paano tayo napunta dito. Pero malakas ang presensya ng isang itim na orasyon ng isang mangkukulam. Isa itong patibong."

"Patibong?"

"Oo, sa tingin ko patibong para sa kaibigan mong si Gino."

"Kay Gino?! Tara, umalis na tayo dito at iligtas sina Gino at Clarissa!" sabi ko. Gusto ko na rin umalis kaagad kasi nakikita ko na ang mga multong umuungol at papalapit sa akin!

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon