Chap.14: Reunion sa Burol

14.4K 399 25
                                    

 ๑۩۞۩๑ Reunion sa Burol  ๑۩۞۩๑

         (Gino Ivan Lazaro's POV)

Isang linggo din akong absent sa school.  Di ako pinapasok ng Lola Esme ko hangga't di pa magaling ang sugat ko sa ulo.

Si Lola Esme? 

Sobrang na-truma. Di pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Sobrang relihiyoso ang lola ko. Matapus ang gabing iyon, halos kada-oras araw-araw, siya ay nagdarasal.

Halos araw-araw din bumibisita si Father Gilbert Quirante. Ginagabayan ang lola ko. Pina-blessing din ng lola ko ang aming bahay. Nagpadala din ang lola ko ng napakaraming bote ng holy water. 

Di ko mapigilang sisihin ang sarili. Dahil sa akin kaya muntik nang mapasama ng lola ko. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang aking sarili kung may mangyaring di maganda sa lola ko. 

Ang nakapagtataka, di na muling nagpakita ang mangkukulam na si Romano o alin man sa mga aninong-ligaw at engkantong-itim na alagad niya. 

Sana di na kailanman sila magpakitang muli. Sana di na lang nangyari ang lahat...Sana panaginip na lang...

Pero totoo ang lahat. Di isang panaginip. Totoong may mga engkanto't diwata, totoong may gustong kumuha sa akin...

At ang katotohanang ito ay di pa rin matanggap ni Lola Esme . Nasa in-denial stage pa rin siya. Laking gulat nga niya nang ipakilala ko sina Popoy at Dahongo. 

Haha...Epic ang reaction nang makita niya si Dahongo.

"Anak ng lamang lupa! Lumayas ka dito!" sigaw ng lola ko sabay buhos ng holy water. Pinagbabato pa niya ito ng kung anong mahawakan niya. "Panginoon, kaawan mo kami!"

Buti na lang nawala kaagad si Popoy bago pa lang ibuhos ng lola ko ang holy water. Si Dahongo lang ang nakaranas ng pagwawala ni Lola Esme.

Kumalma lang ang lola ko nang di na nagpakita si Dahongo. Pinaliwanag ko naman ng maiigi na mabubuting engkanto sina Popoy at Dahongo, na sila ang nagbabantay at nagproprotekta sa akin. Nakita naman lahat ni Lola Esme ang mga pangyayari at masasabi naman niyang mabubuting engkanto sila. Pero di nga lang lubos ang tiwala ng lola ko ay Dahongo kasi na-control siya ng mangkukulam.

Di na nagtanong pa nang kung ano-ano ang lola ko, basta daw di sila basta-basta magpapakita sa kanya. 

Sa kung anong kadahilanan, di nagpakilala si Itim. Ayaw niyang sabihin ko na nakapagsasalita siya. Sa tamang panahon daw.

Nakabantay 24 oras sina Popoy, Dahongo at Itim. Tuwing gabi din napapansin ko na nagpapatrolya ang diwata ni Jun-Jun na si Sadako. Lubos din napanatag ang lola ko matapus bendisyonan ni Fr. Gilbert ang bahay namin. May kung anong presenya na nakakagaan ng loob. Sabi ni Itim, isa itong orasyon na pangproteksyon na mas pinalakas dahil may basbas ng pari. Ang sabi naman nina Popoy at Dahongo, may nararamdaman silang presensya ng isang nilalang ng liwanag na lagi na rin nagbabantay sa akin.

Anghel?

"Magdasal lagi at humingi ng tulong sa Diyos." ang laging paalala ni Fr. Gilbert sa akin kapag napapadaan siya sa bahay.

Di ko alam kung kinuwento lahat ng Lola Esme ko sa pari ang mga nangyari pero ramdam ko na may alam siya kahit papano. Kapansin-pansin din ang kwintas niya na ginto na may malaking krus na may pabilog na diamond na dyamante.

Taong-kaisa kaya si father?

"Gino, lagi mo itong suotin." nilahad niya ang kanyang palad at binigay niya sa akin ang kwintas ng Nanay Cindy ko. "Mas mainam kung laging nasa sa'yo ang kwintas ng nanay mo."

ELEMENTOWhere stories live. Discover now