EL KANTADIA 28: ANG BAGONG HARI AT ANG TOTOONG KATAUHAN NG SUPREMO

2.7K 111 28
                                    

Nais ni Regina na pigilan ang nangyayaring labanan sa pagitan nina Hero at Hari Argamenodon. Mali na magkatunggli ang dalawa. Kailangang mawala ang di pagkakaintindihan dahil baka magsisi ang mag-ama sa huli. Kailangang nilang maging mahinahon at maayos na mag-usap.

Alam Regina na mahal ni Hero ang ama at si Hari Argamenodon, di man niya mapakita ng maayos ay ganun din sa anak.

"HERO!" tawag ni Regina sa nobyo.

"Hindi kita hahayaang makalapit sa dalawa!" harang ni Mai Conielo, ang taga-payo ng hari na may ulo ng isang payat at itim na pusa

"Get out of my way, you pesky ugly cat! I don't need you!" sigaw ni Regina.

Siya na ang unang sumugod at ilang mga nagtatalasang patusok at naglalakihang mga tinik ng yelo ang lumabas mula sa lupa. "Snow spears!" tawag niya.

Natawa si Mai Conielo at madaling naiwasan ang atake ni Regina dahil may kakayahan siyang tumalon ng napakataas. Ligtas siyang nakatapak sa patag na lupa, sa di kalayuan.

"HA HA HA! Ako naman, tao!" pangutyang sambit ng taga-payo. Tinaas niya ang kanyang tungkod na gawa sa purong asul na dyamante na may palamuting maliliit na bilog na nyebe na animo'y mga perlas. "Aking mga alagad, TINATAWAG KO KAYO!" kanyang sabi at mula sa hanging lumamig at nagpaikot-ikot, nabuo ang mga anyo ng isang oso at lobo. "SUGUDIN AT PATAYIN ANG TAO!"

Sumunod at mabilis na umatake ang dalawang mabangis na hayop na gawa sa purong yelo.

Dali-dali namang ginamit ni Regina ang kanyany mga patulis na mga yelo upang protektahan ang sarili mula sa nagtatalasang kuko ng oso at mga pangil ng lobo.

Tumawag siya ng ilan pang mga patulis na yelo at tagusang tinaman ang oso at lobo sa kani-kanilang mga matitigas na katawan. Animo'y mga babasaging porselana at madaling nasira at nagkadurog-durog ang mga ito.

Ngunit hindi nabahala si Mai Conielo at tumawag pa ng ilang mga oso at lobo. "HA HA HA HA HA!" malakas niyang pagtawa.

Napalibutan ng mga yelong hayop si Regina, lahat mababangis at nagnanais na siya'y saktan!

"Wala ka nang kawala, tao! Wala ka nang magagawa upang pigilan ang laban nina Hari Argamenodon at Prinsipe Agbayani!"

"Why do want them to fight?! It's not right!" sabi ni Regina.

Hindi ito naintindihan ni Mai Conielo. Isa sa mga dahilan kaya ayaw niya kay Regina ay sa paggamit nito ng salitang hindi siya pamilyar. Ang kanyang pakiramdam, siya ay laging kinukutya at minamaliit nito.

"Kung ano mang pinagsasabi mo, wala akong pakialam! Kailangan mo nang mamatay! Hindi mo mapipigilan ang aking mga plano. Lahat ng nangyayari ay umaayon sa akin! Hahayaan kong magpatayan ang dalawa upang ako na ang maging hari ng Kristal na Palasyo! HA HA HA HA!

Hindi man naintindihan at hindi man sinasadya at dahil sa kadaldalan, nalaman na ngayon ni Regina ang totoong nais ng taga-payo.

"YOU AMBITIOUS BASTARD! I won't let you do your evil schemes! I'LL STOP YOU!" galit na sagot ni Regina.

Umikot siya at palibot na nagsilabasan ang mas naglalakihang mga tinik na yelo at madaling pinagbabasag ang mga yelong hayop.

Nang mawasak na lahat ng tinawag ni Mai Conielo, galit na tinuon ni Regina ang lahat ng mga tinik na yelo papunta sa taga-payo.

Pero patuloy lang sa pagtawa ang dalaketnong yelo na para bang naglalaro lang na patalon-talon sa pag-iwas sa mga tambuhalang tinik!

"Ikaw ay sagabal lang! MAMATAY KA NA!" naging patusok at matalas ang dulo ng tungkod ni Mai Conielo. Siya naman ang susugod!

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon