EL KANTADIA 4: ANG MAGKAPATID NA DALAKETNON

2.9K 94 4
                                    

It's a peculiar and intriguing sight! Di pangkaraniwan ang grupo ng mga engkanto at diwatang naglalakad na magkakasama. Lahat sila ay nakasuot ng kakaibang kasuotan! They wore long cloaks with hoods over their heads. Pero malinaw ang pakay ng mga ito, malayo palang alam nang they have a specific and important mission. Sila ay mga mensahero! Malakas ang aurang pinapakawala ng kanilang kasuotan na di dapat sila salabungin o kahit kausapin man lang. It's a vital rule imposed by those tyrant gods and goddesses!

"Bakit ba napakaespesyal ng mga nilalang na iyon?! Kagaya lang naman sila ng mga tipikal na mga engkanto at diwata na gumagamit ng mga elemento na pinagkaloob ng kalikasan! Tama talaga si Prinsesa Paguita, dapat na talagang matigil ang pamumuno ng mga dyos at dyosa sa buong El Kantadia!" bulong ng isang maliit na diwata na may pakpak ng kahalintulad sa isang tutubi. "Sa tingin ko kailangang malaman ito ng prinsesa!" at sa isang iglap ay nawala ito nang parang bula.

The small fairy has the ability to quickly teleport. She snapped back to where she came from.

"Oh, saan ka nanggaling? Kanina pa kitang hinahanap!" bungad ni Paguita, ang prinsesa ng dalaketnong lupa.

"Ipagpatawad nyo po ako, mahal na prinsesa." sagot ng diwata at lumuhod sa ere, trying hard to balance with her wings.

The princess did not acknowledge the apology, she even snarled her tiny pointed nose in disgust.

"Bilisan mo! Ayusin mo ang aking kasuotan!" utos ng prinsesa. Tinuro niya ang suot-suot na malapad na gown na gawa sa mga dahon, tangkay at baging. Magara itong tingnan, a grand clothing fit para sa dalaketnong may dugong bughaw na tulad niya.

The small fairy has the task to do the finishing touches of adding huge gem stones to give sparkle to the detailed gown.

"Bilisan mo! Gusto ko napakaganda ng aking kasuotan para sa darating na kaarawan ni Prinsipe Agbayani!" Princess Paguita excitedly said. She has a huge crush sa prinsipe ng mga dalaketnong yelo. Sa lalong hindi pagpansin sa kanya ng prinsipe, lalo namang lumalalim ang kanyang kagustuhang mapaibig ito.

Napabuntong-hininga na lang ang maliit na diwata.

Halos araw-araw na lang, the princess changes from one gown to another. Right that moment, it would be her fiftieth gown just for trial. She wanted it to be perfect.

Ang buong silid nito ay puno na ng mga naggagandahang damit na ang ilan ay gawa sa iba't-ibang bulaklak. Nagkalat din ang mga makikinang na hiyas.

Kumuha ng malaking berdeng dyamante ang diwata na double pa sa kanyang laki and struggled to pin it unto the princess' gown.

And she have to put more than thirty of those!

No choice ang munting diwata, after all, she must get the princess' favor para mapanatili niya ang kanyang masarap na pamumuhay sa loob ng palasyo kasama ng mga dalaketnon. She has the feeling that she belongs in such lavish way of living.

"Mahal na prinsesa, may nakita akong-" hindi natapos ng maliit na diwata sa sasabihin nang biglang gumalaw ang prinsesa sa kinatatayuan at naglakad going to a continuously flowing water from her room's rocky ceiling, running into a small basin on the rough floor. The basin never over flows. Ito ang nagsisilbi niyang salamin.

Tiningnan ni Paguita ang kanyang repleksyon sa tubig and smiled, showing her pointy teeth.

"Ang ganda ko!" she said, admiring her shiny green skin tone that complements well with her small petal-like pouty red lips and rose petal eye-lashes. Her light brown eyes were wide and big.

"Sadyang nakakabighani ang kagandahan nyo, mahal na prinsesa!" dagdag ng maliit na diwata. "Ang ganda nyo ay katumbas ng isang dyosa!"

Sa sinambit ng diwata lalong natuwa ang prinsesa at napapalakpak ito.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now