Chap.22: ISIP BATA

3.2K 110 25
                                    

Aba, sinong isip bata?

Basahin at alamin! Enjoy!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑ISIP BATA๑۩۞۩

++++NARRATOR'S POV++++++++++++++++++++++


Di matanggal ang ngiti sa mukha ni Gino Ivan Lazaro habang pinagmamasdan niya ang mahimbing na pagtulog ng kanyang mahal na ina na si Cindy sa kanyang mga bisig. Maaliwalas at mapayapa ang mukha na kahit may mga pasa at galos, napakaganda pa rin nito sa paningin ni Gino.

Isa itong pangarap na nagkatotoo at kung panaginip man ito, ayaw na niyang magising!

Hindi na siya makapaghintay sa bagong pahina ng kanyang buhay na kasama ang kanyang ina. Nawala man ng tuluyan ang presensya ng kanyang Tatay Alberto, nandito naman ang kanyang Nanay Cindy!

"Um... Kung gusto mo, maaari kong bawasan kahit papapano ang sakit na nararamdaman ng nanay mo." nahihiyang sambit ni Abigail Roque na naglakas loob na lumapit. Nagising na siya mula sa hipnotismo ng school director at nasaksihan niya ang masayang tagpo ng mag-ina. Ayaw niyang masira ang moment nila pero nais niyang makatulong. "Kung, okay lang sa iyo, Gino.. Ah.. Um, Ginn?"

"Gino, tawagin mo ulit akong Gino, Abby."

Medyo naguguluhan na si Abby sa pabago-bago na pangalan nito pero di na muna niya ito pinagtuunan pa ng pansin.

"Sige, Gino." sagot ni Abby. Ipinatong niya ang kanyang mga palad sa may noo ni Cindy at mataimtim na nag-isip ng kagalingan para dito. Kagaya ng sa mga palad ni Abby, bahagyang nagliwanag din ang katawan ni Cindy. Kamangha-mangha na nawala ang pagkaputla nito at bumalik ang sigla ng katawan. Nawala din ang ilang mababaw na sugat at galos nito.

"Maraming salamat, Abby!" nakangiting sambit ni Gino pero hindi ito makatingin ng diretsyo. Nahihiya ito.

Hindi maintindihan ni Abby pero kapansin-pansin ang pagbabago sa mga kilos ni Gino. Parang nawala ang nakakatakot at malakas na pagkatao nito, nawala din bigla ang mga tattoo nito sa katawan. Bumalik ang dating highschool student na di sigurado sa sasabihin at may pagkainosente, bumalik ang dating si Gino.

Gumawa si Abby ng malaking bula gamit ang kanyang elementong tubig para dito sa loob makapagpahinga ng mas mabuti si Cindy. Tuwang-tuwa naman si Gino at abot langit ang pasasalamat.

"Pare, ang saya-saya mo ngayon!" sambit ng kanyang best friend na si Junior Sta. Maria.

"Oo, Jun-Jun. Para bang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib at wala na akong kailangang problemahin pa sa buhay kasi kasama ko na ang nanay ko na may normal nang pag-iisip!"

"I'm so happy for you, friend!" pagbati din ni Katherine Dela Rosa.

"Salamat, salamat sa inyong lahat!"

Hinawakan ni Gino ang bula kung nasaan ang nanay niya. "Tara, umalis na tayo dito."

"Balik na tayo sa Tore ng Buhay?" tanong ni Jun-Jun.

Umiling si Gino. "Hindi. Ang ibig kong sabihin ay umalis na tayo dito sa Purgatoryo, bumalik na tayo sa mundo ng mga buhay na tao."

Nagulat si Jun-Jun. Kahit sina Katherine at Abby ay di makapaniwala sa sinabi ni Gino.

"Pre, naiintindihan mo ba ang sinasabi mo?"

"What are you talking about, hindi tayo basta-basta makakaalis dito." giit ni Katherine.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now