Chap.11: Mga Tinik at Bulaklak

15.1K 417 20
                                    

 ๑۩۞۩๑ Mga Tinik at Bulaklak  ๑۩۞۩๑

            (Clarissa Gutang's POV)

"Pakawalan mo ako, halimaw ka!' sigaw ko.

Tumawa lang ng malakas ang engkanto.

Pinulupot ng baging ang buong katawan ko na parang isang cocoon at mukha ko na lang ang di natatakloban. Pinutol ni Malanti-Aw ang dulo ng baging at hinila ako papunta sa lagusang bumukas sa puno ng mangga.

Ano na ang mangyayari sa akin?! Ayaw ko maging reyna ng isang lamang-lupa! 

"Tulong! Tulong!" pilit kong pumilgas mula sa pagkakapulupot ng mga baging pero di ko kaya.

Umiiyak na ako sa galit, takot at inis dahil hinayaan kong makuha ako nga isang engkanto. Di ako nag-ingat. Di ko lubos akalain na ang pagkagusto ko kay Ren ang naging dahilan upang mapunta ako sa ganitong sitwasyon.

Sandaling nasilaw ako nang tuluyan na akong mahila sa loob ng lagusan.

Nag-iba ang aking pakiramdam. Lumuwag bigla ang aking paghinga. Laking gulat ko at nawala na ang baging nakapulupot sa akin. 

Sa isang iglap, naka-upo ako sa isang napakagarang upuan na may gintong hawakan. Napanganga ako sa pagkamangha dahil nasa loob ako ng isang napakasosyal na living room gaya sa mga mansion ng bansang England. Ang sahig ay may carpet na kulay maroon, ang pader ay puno ng mga portrait ng mga taong mukhang foreigner na budbod ng alahas, may mga columns na mag detalyadong carvings at ang kisame ay pa-dome, yung malimit makita sa mga simbahan. 

"Maligayang pagbati sa inyo, mahal na reyna..." sabi ng isang napaka-cute na batang lalaki na may kulot at blonde na buhok. Mukha siyang batang kerubin. 

"Huh!" gulat kong sambit. Di ko napansin ang batang lalaking ito kanina.

"Hinihintay na po kayo ng hari."

"Hari?" tulala kong sagot. Di ko alam pero para bang naantok ako na hindi naman, para bang may kung ano na nagpapalito sa aking isipan; Di ako makapag-isip ng matino. Para bang nanaginip lang ako.

"Opo, si Haring Ren."

"R-Ren?" nalito ako bigla. Nahilo. Hindi hari si Ren at lalong di ako isang reyna!

Napatayo ako sa upuan. 

"H-Hindi...ito totoo..." sabi ko na pakiramdam ko na hinang-hina ako. 

"Reyna Clarissa, ano pong pinagsasabi ninyo? Totoo po itong lahat. Pinapatawag na po kayo ng hari." 

Laking gulat ko nang hawakan ng batang lalaki ang aking kamay at hinila papunta sa pintuan sa di kalayuan. 

Teka...bakit may puting gloves ako? Napansin ko na lang na naka-gown pala ako, yung puting gown na may mga glitters.

Ayaw kong sumunod pero ang aking mga paa ay kusang naglakad at sumunod sa bata.

May mali...pero bakit di ko mawari kung ano...Bakit may masama akong kutob?

May dapat akong maalala... Mali, basta maling-mali!

"Clarissa..." may munting bulong akong narinig. Lumingon ako at may nakita akong halaman sa may bintana ng kwarto, yung bogambilya! 

"Bilisan nyo na po..." nagmamadaling sambit ng bata at tuluyan na akong hinila sa ibang kwarto.

Bakit parang pamilyar sa akin ang halaman na yun? 

Lalo akong naguluhan.

"Oh, nandyan na pala ang aking napakagandang reyna!" pagbati ng isang lalaking nakaupo sa isang magarbong upuan na pang-hari. May isa pang upuan na bakante sa tabi niya na pang-reyna.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now