[TWO] Chap.6: Ang Bukod Tanging Boses

8.4K 234 10
                                    

๑۩۞۩๑ Ang Bukod Tanging Boses  ๑۩۞۩๑

   

Kitang-kita sa mukha ni Katherine Dela Rosa ang pagseselos. Bumabalik na naman ang bad girl mode nya. Tinaas niya ang kanyang kilay at nawaywang.

Hinahanap niya si Jun-Jun Sta. Maria para kumustahin. Nang hindi niya nakita sa classroon nito, naisip niyang puntahan sa may fire exit. Medyo meaningful ang lugar na iyon kasi doon sila unang nagkausap. Naaalala pa niya ang aksidenteng pagyakap niya kay Jun-Jun. Sa tagpong iyon, alam niyang proprotektahan siya nito kahit anong mangyari. She felt so secured in his arms. 

Pinilit ni Katherine sumimangot at pinigilan ang kanyang pagtawa dahil si Jun-Jun ay nataranta nang makita siyang mukhang galit.

"Ka-Katherine.. Hindi. Mali ang iniisip mo! Please lang maniwala ka sa akin..." lumayo siya sa babaeng humalik sa kanya at dali-daling humarap kay Katherine para suyuin.

Noong una, talagang magagalit si Katherine dahil hindi siya papayag na may ibang babaeng hahalik kay Jun-Jun. Siya ang first kiss niya at ayaw niya ng may kaagaw. Pero nang mapansin niya na ang kulay ng babae ay maputla at nakalutang sa ere, napagtanto niya na isang multo lang pala. Siguro isa ang babaeng multo sa mga gumugulo kay Jun-Jun. 

'Buti habulin sya ng mga multo at hindi mga babae!' sabi ni Katherine sa isip niya. Nagkaroon siya ng ideya na mang-trip. Kunwari galit siya talaga. "Sino siya?" mataray niyang  tanong.

"Siya? .. Ah... M-Multo lang siya..Hi-Hindi sssiya buhay." napapautal si Jun-Jun. "Si-Siya si Marian Mirasol, y-yung multo sa may CR..."

"Ouch naman! Ako na ang patay!" sabat ni Marian. Pero hindi siya pinansin nina Katherine at Jun-Jun.

Gusto na talagang tumawa ni Katherine. Masyadong defensive si Jun-Jun. Siguro guilty? Siguro gusto niya talaga ang halik ng multong iyon. Nang maisip ni Katherine na baka nga nagustuhan ni Jun-Jun ang paghalik ng multo, nawala na sa isip niya na kunwari siyang galit.

Talagang galit na siya!

"Magsama kayo ng multo mo!" padabog na tumalikod si Katherine. Tapos na ang second break niya, kailangan na niyang bumalik sa kanyang classroom. 

"Katherine, wait lang!" hinawakan ni Jun-Jun ang braso ni Katherine at pinigilan sa pag-alis. Humarap siya sa kanya. "Katherine. Please. Ayaw kong  galit ka sa akin. Multo lang naman si Marian..."

Umiling si Marian. Hindi niya gusto na pinapamukha sa kanya na multo lang siya, na patay na siya. Naisipan niyang mas pagselosin pa si Katherine. 

"Jun-Jun, honey!" tawag niya. 

Nanlaki ang mga mata ni Jun-Jun, gulat na gulat. Lumingon naman si Katherine kay Marian, galit na galit. Kung buhay lang si Marian, maiisip niyang mapapatay siya ni Katherine. Pero too bad, patay na siya! Hindi siya nasindak sa titig ni Katherine. Nawaywang lang siya at namelat. 

"Marian!" hindi natuwa si Jun-Jun. Gusto niyang kuyugin ang multo pero kailangan niya munang ipaliwanag kay Katherine na mali ang iniisip niya. "Katherine, hindi totoo. Mali ang iniisip mo."

"Ah, basta. GALIT AKO SA'YO!" sigaw ni Katherine sabay walk out.

"Katherine!" hahabulin na nasa ni Jun-Jun si Katherine pero nag-bell na, kailangan din niyang bumalik sa classroom. 

Napakamot sa ulo si Jun-Jun. Hindi niya alam ang gagawin. Bakit ba ang bilis magalit ni Katherine?

"Hayyyy... ang mga babae nga naman. Hirap itindihin, di ba?" lalong pang-aasar ni Marian.

ELEMENTOحيث تعيش القصص. اكتشف الآن