[TWO] Chap.18: Ang Sinisigaw ng Puso

6.6K 203 20
                                    

๑۩۞۩๑ Ang Sinisigaw ng Puso ๑۩۞۩๑                 

   



Ilang minuto ding natulala si Gino Ivan Lazaro. Basang-basa siya ng pawis at kabang-kaba.

Hindi siya mapakali.

Ano ba itong nagawa niya?

Hindi niya ito sinasadya. Sobrang bilis ng pangyayari. Kahit siya, hindi niya maintindihan.

Paanong...

Huminga ng malalim si Gino at kinalma ang sarili. 

Oo. 

Panaginip lang ang lahat. Isang bangungot.

Hindi totoo ang lahat. Walang nagawa si Gunaw sa kanya. Siya pa rin ang dating si Gino. Hindi kailanman siyang magiging tulad ni Gunaw. Ito ng pilit niyang sinasabi sa sarili.

"Gino?"

"Huh!" nagulat si Gino at dali-daling tumayo. "Hindi. Hindi ako. Si-Si Gunaw iyon! Siya ang may kagagawan!"

"Anong pinagsasaabi mong bata ka?" tanong ng pusang si Itim. Pumasok ito mula sa makipot na pagkakabukas ng pintuan ng kwarto ni Gino. Ang kanyang mapagmasid na mga mata ay kumikinang sa kadiliman. "Naririnig ko ang pag-ungol mo mula sa labas. Nananaginip ka na naman tungkol kay Gunaw?"

Tumango si Gino pero para bang sasabog ang kanyang dibdib sa hiya. Alam niyang nagsisinungaling siya sa kanyang tapat na tagapagbantay. Alam niya sa kanyang sarili na hindi panaginip ang lahat. Totoo ang mga nangyayari. Hanggang ngayon naririnig pa rin niya ang paghalakhak ni Gunaw sa kanyang isipan.

"Kailangang matigil na ito. Huwag kang mag-alala, ang mga miyembro ng 'Samahan sa Kaayusan at Katahimikan ng Kalikasan at Sangkatauhan' dito sa bayan ng San Nicolas ay humingi na ng tulong mula sa mga karatig bayan. Magkakaroon ng isang malaking pagpupulong ang mga kasapi sa SKKKS. Ito ay para mapag-usapan ang nakaambang panggugulo ng mga kampon ni Gunaw."

"Kahit anong gawin nyo, hindi nyo ako mapipigilan." wala sa sariling sambit ni Gino. 

Natigilan si Itim. Nagulat sa binanggit nito.

"Anong sabi mo, Gino?"

Natauhan si Gino at napanganga. Bakit niya sinabi iyon?! "Ah... Wa-Wala. Ang sabi ko MAPIPIGILAN natin si Gunaw. Tama, mas mabuting marami ang magkakaisa laban sa kanya."

Tinitigan ni Itim si Gino sa mga mata na para bang may nais mabasa mula dito.

"Okay ka lang, Gino?" biglang tanong ng pusa, puno ng pag-alala sa kanyang boses.

Tumango si Gino at ngumiti. "Oo naman, Itim!"

"Gino, kung may gumugulo sa'yong isipan, huwag kang mahiyang sabihan ako. Alam mo naman na nandito lang ako para sa'yo."

May matinding kurot na naramdaman si Gino sa kanyang puso. Napaka-swerte niya at mayroon siyang kagaya ni Itim. Hindi man siya tao, nagagawa pa rin nitong ipadama sa kanya ang pagmamahal na gaya sa isang ama. Oo nga. Ngayon lang niya napagtanto na para bang isang anak ang turing sa kanya ng pusa. 

"Matagal ko na dapat sinabi sa iyo ito, Itim... Maraming salamat! Malaki ang utang na loob ko sa'yo!" Sa wakas nawala na ng tuluyan ang nakakarinding pagtawa ni Gunaw sa isipan ni Gino. Niyakap niya ang pusa.

"Teka... Teka! Huwag masyadong mahigpit di ako makahinga!" natatawang sambit ni Itim. Lubos din ang kasiyahan nito dahil napapansin na din ni Gino ang kanyang pangangalaga dito. 

ELEMENTOWhere stories live. Discover now