Chap.20: PAGKABUHAY NG SAMAHAN

3K 100 10
                                    

Maraming Thank you sa mga nag-aabang for the update! Again pasensya na kung last week ay walang update due to other commitments... PERO... Here you go!

Check this latest update and enjoy!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑PAGKABUHAY NG SAMAHAN๑۩۞۩


++++NARRATOR'S POV++++++++++++++++++++++


Walang inaksayang pagkakataon si Daniel Solis. Sinalubong niya ang ilang kabataang may lakas loob na sumugod patungo sa Chapel ng Sta. Cruz. Hindi niya hahayaang madamay sa kadiliman ng kapaligiran ang tanging nagbibigay ng kaligtasan at liwanag para sa lahat!

"Kuko ng Kamatayan!" sigaw ni Daniel at mula sa kanyang mga kamay ay nabuo ang kanyang armas.

Napangiti siya. How Ironic. Ang kanyang sandata ay hango sa kadiliman, sa kamatayan. Isa itong armas na pangdigma, isang armas na pangkitil ng buhay. Pero hinding-hindi niya ito gagamitin sa kasamaan, tanging sa kabutihan lamang!

Ikinumpas niya ang kanyang tambuhalang pakpak na gaya sa isang agila. Sa pag-angat niya ay may malakas na hangin na siyang nagpabulabog sa tuyong lupang nananahimik. Nakabuo ito ng mumunting mga ipo-ipo.

Sa buong panahon na pananatili nila sa loob ng Purgatoryo na unti-unting sumasakop sa maliit na barangay, siya at ang kanyang elementong-kaisa na si Agilus ay nasa anyong ganap na pagiging isa, katulad ng ibang miyembro ng SKKKS; handa sa mga ganitong pagkakataon na biglaang pag-atake ng kalaban.

Sinadya niyang magpakita ng lakas at kagalingan sa elementong hangin. Nais niyang magsindak at magbigay takot sa mga kabataang tagasunod ng Supremo. Nang walang reaksyon at purong pagnanasa sa karahasan ang nakita niya sa mga mata nito, napasimangot ang guro sa Owkward Academy.

Umiling si Daniel. Medyo may kaunting pagkadismaya at dissappoiment.

Napadako ang atensyon niya sa mga mukha ng kabataan. Mula sa himpapawid kitang-kita niya ang mga itsura ng mga ito. May ilang mga pamilyar na mukha.

"At may mga estudyante din pala ng Owkward Academy!" di maitago ni Daniel ang galit sa mga ito. "Mga kulang sa disiplina! Kahit mga estudyante ko kayo, di ko papalampasin ang pagsanib ninyo sa Supremo!"

Sa isang saglit ay may mga batong umulan sa kanyang direksyon. Mabilis naman itong nailagan ng guro at gumawa ng hanging pananggalang na siyang nagprotekta sa kanya.

May tumawa. Isa ito sa kanyang mga estudaynte na natandaan ni Daniel, isang third year student na napagalitan niya dahil late sa klase. Nakalutang ito sa ere gamit ang nakaw na elemento ng hangin. Naka-angat ang dalawang mga palad na nagpapalutang sa mga sira-sirang parte ng bahay mula sa barangay.

Di sinasadya ni Daniel na mapatawa saglit. Dahil sa wala silang mga elementong-armas, kinakailangan ng mga ito na maging resourceful sa mga pwede nilang gawing sandata. Nag-improvised, ika nga.

Mga bato, tubo, sanga, tangkay, yero at mga basura ay sabay-sabay na sumugod sa kanya.

"Ipo-Ipo!" tawag ni Daniel at ang mabilis namang pumalibot ang hangin upang hindi siya matamaan ng mga bagay.

May isang maliit at matalas na bagay ang humiwa sa gilid ng kaliwang pisngi ng guro. Nag-init ang ulo nito. Hindi niya inakala na may makakalusot sa kanyang pananggalang!

Matalino ang third year student. Alam nito sa dami may lakas. Sunod-sunod at pauli-ulit ang pagpapalutang at pagpapatama niya kahit ano mang makita niya sa lupa. Alam niyang kahit papano ay may makakalusot na bagay na makakatama sa kalaban.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now