Chap.7: ALL GIRLS GROUP

3.1K 121 3
                                    

Finally may update na!

Ang Tagal din, di ba?! Kapit lang!

Thank you for Reading!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

۩۞۩๑ALL GIRLS GROUP๑۩۞۩


++++CLARISSA GUTANG'S POV++++++++++++++++++++++

Nabalot ng takot, pangamba at pagkabalisa ang buong kwarto ng aking Tay Jose.

Lahat ay tahimik na nakinig sa boses ni Father Gilberto Quirante na nagmumula sa cellphone ng mommy ni Katherine na si Voily Dela Rosa.

Pakiramdam ko para itong isang panaginip, isang bangungot na nagkatotoo na. Ang isang pangitain na tuluyan nang nangyayari.

"...Ngayon na ang pagbubukas ng Purgatoryo!" ito ang mga katagang sadyang nagpagimbal sa amin.

Isa itong malaking suliranin ng bayan ng San Nicolas!

Isipin ko pa lang ay natatakot na ako para sa mga inosenteng tao na walang kamalay-malay sa panganib na kanilang mararanasan.

"Paanong... Hindi ko maintindihan! " saad ni Sir Daniel Solis. Halata sa kanyang mukha ang pagkadismaya. "Paanong ganitong napakalaking bagay ay hindi napigilan ng samahan?! Hindi tayo tinawag na Samahan sa Kaayusan at Katahimikan ng Kalikasan at Sangkatauhan ng walang dahilan!"

Natigilan si Tay Jose. Siya ang punong kasapi ng SKKKS.

"Marahil kasalanan ko ito."

Nagkatitigan ng masama ang dalawa.

"Ano ba kayo!" saway ni Nurse Ruby Javier at pumagitna sa kanila. " Hindi ito ang tamang panahon para mag-away."

"At huwag dito sa harap ng mga bata!" dagdag ni Ginang Violy at nahihiyang lumingon sa aming dalawa ni Katherine.

"Ang hindi ko lang maintindihan ay paanong wala tayong kaalam-alam tungkol dito." paliwanag ni Sir Daniel.

"Pasensya na. Responsibilidad ko ito." sagot ni Tay Jose. "Bilang punong kasapi ng samahan dapat pinaalam ko na agad sa inyo na may pangitain ang aking anak na si Clarissa tungkol sa kaguluhang maaaring mangyari sa bayan."

"Pero po..." di ko mapigilan sumabat sa usapan ng mga nakatatanda. Hindi ako papayag na ang aking ama pa ang mapasama. "Hindi rin naman po malinaw ang aking pangitain. Hindi naman po agad malalaman kung kailan ito mangyayari. Wala pong kasalanan ang aking tatay." tumabi ako sa aking Tay Jose. "At di ba po naaksidente ang tatay ko?"

"Salamat, anak. Pero okay lang ako. " bulong ng aking ama. Inakbayan niya ako at pinisil ang aking balikat.

"WALANG MAY KASALANAN." giit ng boses ni Father Gilbert mula sa cellphone. Hindi man niya nakikita, alam niyang may namumuong tensyon sa SKKKS. " Mga Kaibigan, kailangan nating magkaisa. Walang mangyayari kung magsisihan pa tayo. Ang DAPAT nating gawin ay aksyunan itong nagaganap ngayon. Kailangan ko ang tulong ninyo...!" natahimik bigla ang pari. Maririnig sa loudspeaker ang sigawan ng mga tao. "Huminahon kayo... Dorina, protektahan mo sila!"

Dorina? Napaisip ako saglit. Ah Oo, Si Ms Dorina Lazaro, siya ang balik-bayan na tita ni Gino.

"Gilbert, anong nangyayari dyan?!" sigaw ni Ginang Violy.

"Gilbert!" nag-aalalang tawag ni Nurse Ruby sa kaibigang pari.

"Kailangan ninyong pumunta dito sa barangay Sta. Cruz. Nasa chapel ako dahil sa isang binyagan pero... bigla na lang nagkagulo dito... Buti tagadito lang si Dorina pero napakarami na nila!" muling natahimik si Father Gilbert at maririnig na ang nakakakilabot na mga ungol at pag-iyak.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now