Chap.3: Ang Itim na Pusa

20.1K 581 24
                                    

 ๑۩۞۩๑ Ang Itim na Pusa  ๑۩۞۩๑

Nawala ko ang kwintas ng nanay ko!

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba sa dami-daming pwedeng iwala, yung kwintas pa na kakabigay lang sa akin. Bukod sa mamahaling metal yun, kwintas yun ng nanay ko. Dapat iningatan ko. Ano ang sasabihin ko kay Lola Esme?

Tsk. Lagot ako.

Sabado. Wala akong assignment kaya tambay mode lang ako sa bahay. Nanunuod ako ng TV nang inutusan ako ni Lola Esme na bumuli ng suka sa tindahan ni Aling Nena.

Syempre di ko pa sinasabi sa lola ko na nawala ko yung kwintas ni nanay. In time, di pa ngayon. Sa totoo lang di ko alam kung paano sasabihin sa lola ko. Siguro okay lang ako sa mga kababalaghan na nangyayari sa akin, sige lang di ako takot, di ko na nga pinag-iisip yung nangyari sa school. Pero siguro ang isang ikakatakot ko ay ma-dissappoint ang lola ko. Di ko alam ang gagawin pag nangyari iyon.

“Sige po.” sabi ko sabay labas ng bahay pagkakuha ng pera.

Matagal-tagal din na hindi ako lumalabas ng bahay. Bukod kasi na bahay-school pag-weekdays, mostly nasa bahay din ako pag-weekends dahil sa assignments at projects.

Ang weak naman ng ganitong buhay. Tsk. Pag-first section talaga, high expectations.

Naisip kong dumaan na din sa basketball court ng barangay, baka nandoon yung mga kababata ko at mga naging kaklase ko dati sa public school. Siguro maglalaro ako pagkabigay ko sa lola ko ng sukang pinabili niya.

Ang tindahan ni Aling Nena ang nag-iisang tindahan sa barangay. Siya lang ang option pag may kailangan kami urgently, gaya ngayon nagluluto si Lola Esme ng paksiw na bangus, wala na kaming suka. Sa bayan pa kasi yung supermarket. Bukas pa kami pupunta ni Lola doon para mamili ng mga gamit sa bahay

Medyo malayo-layo din ang tindahan ni Aling Nena.

Tsk. Pag sa probinsya talaga lagi na lang lakaran. Flat kasi yung bike ko.

Napalayo kasi dadaanan ko pa ang malawak na taniman ng kamoteng kahoy. Sa gitna ng taniman ay may isang malaking bahay na walang nakatira. May tsismis na haunted house daw iyon kaya walang nagtatangkag lumapit sa bahay.

Hay. Pag sa probinsya talaga lagi na lang may superstitious beliefs.

Nang napadaan ako sa tapat ng malaking bahay, napansin ko na may sasakyan na nakaparada sa harap. Naisip ko na siguro may lumipat na sa bahay.

Nadaanan ko yung basketball court, may mga naglalaro. Nakita ko ang bestfriend ko na si Ryan Jacinto. Kababata ko sya at lagi kaming magkasama simula pa noong bata kami. Kinawayan ko sya. Hindi ko alam kung bakit pero parang di niya ako pinansin. Napakibit-balikat lang ako, siguro nga di nya lang ako napansin.

Teka, bili muna ako ng suka tsaka ko sila lapitan.

Nakabili na ako ng suka nang naramdaman ko na may sumusunod sa akin.

Yung janitor kaya?!

Gusto ko nang matapus ang pagsusunod-sunod nya sa akin. Gusto ko siyang tanungin kung ano ang kailangan nya.

Hinarap ko ang taong nasa likuran ko.

“Bakit mo ba ako sinusundan!” pasigaw kong tanong.

Napatigil ang sumusunod sa akin at nagulat.

“U-Um h-hindi kita sinusundan, p-pareho lang tayo ng dadaanan pauwi.”

Napagtanto ko na ibang tao pala ang nasa likuran ko. Isang lalaking ka-edad ko lang, payat, nakasalamin at may malagong kulot na buhok.

ELEMENTOWhere stories live. Discover now