TPS 2: hindi kilala

78.6K 1.6K 52
                                    

MERRY CHRISTMAS

#unedited

............................

Huminto ang isang silver na kotse sa tabi ng kanyang itim na motor, muntikan na siyang kabahan, buti na lang at nakilala niya ang plate number. Bumaba ito na may dalang dalawang beer in can, tatawa tawa ito...

"Stalker sa umaga, stalker sa gabi, ano yan specialty mo?" tukso ni Topher habang inaabot sa kanya ang isang binuksan na nito, may hawak kasing binocular ang kanyang kanang kamay. Mataas kasi ang bakod ng mansion ng mga Romualdez, buti na lang at natyempuhan niya ang kwarto

"ang hirap tyempuhan eh, kahit marami akong pictures niya, pati magazine at records ng commercial, iba pa rin kapag live...hindi siya halos lumalabas ng bahay, kung lumabas man laging may bantay, paano ako makakakilos nito?" naiirita na wika ni Yuan, mula kasi ng bumalik siya , isang beses pa lang niyang nakita si Ran sa malapitan, puro panakaw na tingin lang, gaya ngayong gabi, katabi ang mga lamok pati ang madaldal na si Topher.

"Kaya tiis tiis muna sa mga pasulyap sulyap?"

"Ano pa nga ba," huminga ng malalim si Yuan, may malaki siyang pinproblema, ang darating na debut ni Ran...exclusive lamang iyon sa mga piling bisita at persoanlidad, hindi niya pa alam kung sino ang magiging escort nito para mapag-aralan niyang dukutin para hindi makadalo.

"Malapit na ang birthday ng asawa ko.."

"Asawa talaga? Uupakan kita pag nalaman kong nag-dadrugs ka!" sinuntok siya ni Topher ng marahan... kahit naman may kapilyuhan sila, hindi sumagi sa isip nila ang magdrugs, nakuha niya ang kanyang katawan sa proper diet at excersise, saka hindi siya magugustuhan ni Ran kapag naging addict siya o nag try noon, paracetamol lamang madalas niyang tirahin.

"Asawa ko talaga! Saka hindi ako nakadrugs no!"

"alam mo, isang araw , isusugod na lang kita sa mental, pero wag kang mag-alala bro, dadalawin kita at dadalhan ng paborito mong prutas, diba oRANge, saka dalanRAN, saka RANsanas?" sabi nito habang patapik tapik pa sa kanyang balikat.

"ULOL!" baling niya dito na ikinatawa niya rin, siya naman kasi ang nag-umpisa ng fruits Ran-dearment nay an, kaya ngayon, kapag naka asar mose si Topher, ito ang ginagawa sa kanya... kaya lang imbes na maasar, kinikilig pa siya eh, kakabakla lang...

"Bilib din ako sayo noh, eversince, consistent talaga?" di makapaniwalang sabi ni Topher habang inuubos ang beer in can," Samantalang ako noong panahon na yun, busy sa mga computer games at anime, ikaw naman lumalandi na"

"Hindi nga nagpapalandi eh," reklamo ni Yuan, nag-eenjoy siya na kasama niya si Topher, hindi nakakainip ang mag-abang kung dudungaw ba si Ran sa bintana, o pupunta saglit sa terrace.

"Sa maniwala ka o sa hindi, lucky charm mo ako, pustahan tayo lalabas yan sa terrace?" pagmamayabang nito...tinignan naman ito ni Yuan.

"Lakas ng bilib mo sa sarili mo ha," pero sana nga totoo o, gusto muna niya itong makita bago umuwi, ilang minute na lang kasi ang pwede niyang itagal doon or else mahuhuli siya.

"Tignan mo," turo ni Topher sa bahay ng mga Romuladez, at doon nga lumabas si Ran na naka putting pantulog. " oh, naniwala ka na?" wala namang paglagyan ang kasiyahan ni Yuan, napakaganda talaga ng kanyang si Ran, umaga hanggang gabi.

"Para siyang si Rapunzel, homeschooled, nasa bahay lang hinhintay ang kanyang prinsipe." Komento ni Topher, nagwawala na naman kasi sa kanyang sariling mundo si Yuan.

Bagay na hindi niya siguro kailanman maiintindihan, pero dahil bestfriend niya ito at alam niya naman niya na sa mabuting kamay mapupunta si Ran kung sakaling piliin nito si Yuan, susuportahan niya ang kaibigan hanggang sa huli.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon