TPS 33: baliw na baliw

43.3K 1.2K 60
                                    

12/08/2015 the missing chapter no more...

enjoy!


TPS 33:

"KISS!!!!" Nagulat na lang si Ran ng maintindihan ang sinisigaw ng mga tao sa kanilang paligid. Naakit kasi siya ng mga titig ni Yuan, idagdag pa na nakalutang pa rin sya sa "pakulo" na ginawa nito. Marami ang nag-aasam na nasa kanyang posisyon, natapos na ang tugtog at narinig nilang dalawa na nagsalita si Bono.

"Dude kiss daw!" sigaw nito, isang hakbang pa ang ginawa ni Yuan at magkapantay na sila. Sa sulok ng kanilang mga mata, marami ng mga cellphone ang naka tutok sa kanila, sabik sa mga susunod na mangyayari.

Ran is embarrassed and Yuan can feel that. Gusto lang naman nya kasing sorpresahin ito, kantahan, ito ang paraan na naisip niya. Ito rin ang naging kapalit para hindi siya maipareha sa ibang babae. At higit sa lahat ng kanyang mga rason, ito ang paraan niya para ipaalam sa lahat ng lalake sa campus na tumitingin, humahanga o may binabalak kay Ran, na kumpara sa kanya, sisiw at mababaw lang ang nararamdaman ng mga ito.

Siya, si Yuan Uytingco, kayang kanyang gawin ang lahat para lamang mapasaya ang babaeng kaharap.

"Kinikilig daw sila," pati na rin ako.

Lumapad pa lalo ang ngiti ni Yuan sa sinabi ni Ran, sa maikling panahon na nakakasama niya ito, minsan kung ano ang sinasabi nito ay salungat sa talagang nasa isip nito.

"Talaga? Nakakakilig na iyon,hahaha, hindi ko alam." Si Ran lang naman ang goal niya , yung iba sabit lang, kaya bakit niya iintindihin ang kilig ng iba?

**

"Pawis na pawis ka." komento ni Ran, para narin mailihis ang kaba na nararamdaman lalo na at konti lamang ang distansya ng kanilang mukha, idagdag pa ang patuloy na panunukso ng mga tao sa paligid. Mukha talagang naagaw na nila ang interes ng madla mula sa pageant.

"Ok lang, "napakagat labi pa ito bago muling nagsalita," narinig mo ba sila? Sabi nila kiss daw.."Umaasang sabi nito.

Ran rolled her eyes, minsan din talaga nakakainis ang kakapalan nito ng mukha, at ang pagdamay sa kanya sa kalokohan nito.

"Do you want a kiss after a slap?" nakataas ang kilay na sagot nito, napabuntunghininga na lamang si Yuan..

"Sabi ko nga, pa hug na lang." bigla siya nitong hinila at ikinulong siya sa mga bisig nito, nakakabinging tilian na naman ang nangibabaw sa buong room. "Pasensya na pawis ako at niyayakap kita, sa tingin ko kasi I deserve a reward, kahit ito lang, kahit utang na lang muna ang kiss." Nakatanggap tuloy ito ng kurot sa kanang tagiliran dahil sa sinabi nito sa kanya. Pero hindi naging dahilan yun para pakawalan siya nito.

Kailangan pa daw kasi ng 5 minutes more ng kanyang reward. She didn't mind his sweat, kasi mayroon itong kakaibang bango na unti unti na rin nagugustuhan ng kanyang pang-amoy.

.......................................................

"And what happened after that?" Tanong ng kanyang mommy kay Ali na kilig na kilig. Tahimik lamang siyang nakikinig, it turn out na nakuhanan ng video ng kaklase ni Ali ang ginawa ni Yuan, pati ang yakapan nila, nakakuha si Ali ng kopya at ito ngayon ang pinapanood nito sa kanyang mommy.

"So did he asked you to be his girlfriend?" bumaling sa kanya ang mga mata. Namula siya agad doon, nakakaloko kasi ang ngisi ng kanyang mommy, obvious na pabor kay Yuan.

"Of course not, mom!"

"Ay, ganoon, so dating stage?" mukhang kumukulit ang kanyang mommy.

"We're not dating mum, "that's true, hindi pa naman sila lumalabas, Yuan didn't asked her. "But, he is courting me," nahihiyang sagot niya dito, nag-iwas siya ng tingin at inabala ang sarili sa fashion magazine na nasa kanyang lap.

The Princess's  Stalker (completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ