TPS 37: forehead will do

40.7K 1.3K 87
                                    

#llort change to #troll hahha, pero sana kasi matulog na wag magpuyat para lang sa update:)

good nightning

#unedited





TPS 37:

"We start in 5 minutes," magalang na sabi sa kanya ng assistant, nakatayo pa rin si Ran habang inaayusan ng make-up artist. She closes her eyes, hindi siya inaantok gaya ng mga nakaraan, sa ngayon, nakapikit siya para pakalmahin ang sarili.  She feels more than irritated, mas matindi pa ang nararamdaman niya na ito kapag nagagalit siya kay Ren or kaharap niya ang sinungaling na si Eunice.

"Ms. Ran, tawag ka na po," tensyonado ang boses ng make –up artist, tinignan niya ito, napaurong naman sa kanyang tingin, muli pa siyang tinawag para magpunta sa harapan para sa bagong session ng photo shoot.

Para lang siyang hangin na naglalakad papunta sa gitna, nakatalikod siya sa lahat, ayos na ang stage at ang mga props na gagamitin, maganda ang kanyang suot na damit na design mismo ng kanyang ninang Pyne.

"Ms. Ran, please be ready, start na po tayo," dahan dahan siyang umikot sa mga ito, tinapunan niya ng matalim na tingin ang lahat ng mga tao doon. Hinarap nya ang lahat para sabihin ang bagay na kanina niya pa dapat ginawa? Bakit hinintay niya pa na lumipas ang ilang minuto.

"I.don't.want.to.continue." matigas na sabi niya, bago lumakad papunta sa pinto, hindi siya nanghihingi ng pagsang ayon kaninuman.

"Ms. Ran." Dinig niyang tawag ng mga ito, pero pinili niya na balewalain yun. All that she wanted is to see Yuan at ipaalam sa mga sapilitang kumuha dito na nagkamali sila ng binangga.

.......................

"Teka lang , hindi naman ako pumayag," kanina pa reklamo ng reklamo si Yuan sa mga staff na kumuha sa kanya, kaharap niya yung gay manager na kung ano anong papuri ang sinasabi sa kanya, yung mga dapat niya daw gawin sa mangayayaring commercial shoot.

Hindi naman niya natandaan na pumayag siya, umuoo ba siya? Hindi? Paulit-ulit niya ng sanabi yun, sana'y na siyang masabihan ng gwapo, hindi na siya nagtataka doon, isang babae lang naman ang gusto niyang pumuri sa kanya, at ang isang babae na iyon ay nasa pinanggalingan nilang room.

Si Ran.

"Wait si Ran!" sabi niya dito, tiyak na hinahanap na siya noon. Sana.

"Is she your girlfriend?" tanong sa kanya ng payat na babae na kanina pa nakadikit sa kanya, ito daw yung Anabelle na magiging partner niya. Hindi naman maganda, ang Anabelle lang na kilala niya ay yung sa horroe movie na hindi nila tinapos panoorin dahil puro sigaw ni Bono ang kaniyang naririnig.

"Not yet." Lumawak ang ngiti nito sa kanyang sinagot.

"So hindi naman pala, hindi naman siya siguro magagalit kong hihiramin ka naming diba?" ayaw niya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Akala mo lang mabait pero yung mga babaeng ganito yung mga nasa loob ang kulo.

"So let's start." Palakpak ng gay manager ng sabihin ng make-up artist na okey na daw siya, hindi niya alam kung paano siya napasuot ng light pink na polo, naka ganoong kulay din ang kanyang partner.  Hinila siya nito papunta sa gitna kung saan naka set up ang mga props, sinabi sa kanya kung ano ang mangayayari sa bawat eksena daw, pero wala doon ang kanyang utak. Kahit ano pang pag ngiti nito sa kanya , hinding hindi siya maakit dito, mas gusto niya pa yung babaeng kilala nya na masungit at parang binibili ng isang milyon ang bawat ngiti dahil sa sobrang dalang.

"Hey, kinakabaha ka ba?" nagulat na lamang siya ng maramdaman ang kamay ng Anabelle sa kanyang pisngi. Pambihirang babae, hindi alam kung saan lang dapat ilagay ang kamay.Nagrereklamo siya sa kanyang isipan, kasabay din ng kanyang pagkagulat ang pagkabagsak ng nakatayong camera equipment, napasigaw ang lahat ng nandoon, nagtalsikan ang mga bubog na nanggaling dito.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon