Special Chapter 2:

49.3K 1.1K 68
                                    


Special Chapter : Two

Ran looks around their room, there's no sign of her handsome husband. Bumangon na siya para hanapin ito. Malamang galit pa rin ito sa kanya, o hindi kaya nagtatampo. They're supposed to be happy and yet napapalitan ang pag-aalala ang dapat sana ay kasiyahan nila. Nakangiti niyang hinahawakan ang kanyang malaking tiyan. Anytime soon she will give birth to a very beautiful girl. She's more than excited, hindi siya natatakot dahil alam niyang kaya niya. Hindi siya magpapadaig sa takot, she wanted this. Ito lamang ang magpapatunay na buo ang kanilang pamilya. Si Yuan ang talagang nag-aalala ng sobra para sa kaligtasan niya. It was all because of her medical history, naoperahan siya sa puso noon and getting pregnant is not that healthy for her, possible naman ayon sa kanyang mga doctor. Si Yuan lamang talaga ang binabalot ng takot.

Hindi nga siya nagkamali, nakita niya ito sa silid ng kanilang magiging baby girl. Nakaupo ito sa kama habang yakap ang unan, napansin niya ang wine sa gilid nito. Napapailing naman siya, ni hindi nito napansin ang pagdating niya sa loob ng kwarto.

"Bawal uminom sa room ni baby Miya." She said seriously. Yuan look at her guiltily.

"Sorry." Kinuha nito ang bote ng wine saka nagtungo sa banyo, sinundan niya lamang ito ng tingin. Narinig niya ang pag flash ng inidoro, tinapon marahil ang laman ng wine. Nagtagal pa ito doon bago lumabas, pagkalabas naman ay hindi ito lumapit sa kanya, naupo pa rin ito sa dulo ng kama. Hindi pa rin lumalapit pero ang mga mata ay nakatingin sa kanya.

"Are you mad? Kaunti lang naman ang ininom ko. I can't sleep. Ikaw , bakit hindi ka pa tulog?" nandoon naman ang himig pag aalala sa boses nito sa kabila ng tampo nito.

Ayaw niya talaga ng umiinom ito, at most time he obey her, kahit masabihan pa ito na under ng mga kaibigan, wala itong pakealam.

"Hmm." Hindi siya sumagot, lumapit siya at kumandong dito. Seryoso pa rin siya habang ito naman ay naguguluhan sa kanyang kilos. She play with his hair, ang kaninang nagtatago nitong dimples ay nagpakita na.

"What are you doing?" nakangiti ng tanong nito, ilang buwan na rin silang walang sex dahil malaki na ang kanyang tiyan. They just can't stop being sweet with each other.

"I just love your hair, sana mamana ito ng baby natin. Gusto ko kasi ng black tapos curly rin siya sa dulo just like mine." She said sweetly, tahimik lang din naman ito kaya pinagpatuloy niya pa." Then she will get your singkit eyes, saka yung lips mo na medyo manipis pero mapula....what else, syempre mabait din siya, not maldita like me." How she wish that their baby will be as bubbly and as loveable just like her husband. Huwag sana kagaya niya na madalang ngumiti at sakitin. Naramdaman niya na ang paghawak nito sa kanyang tiyan. Tumitig sa kanya ang mga mata nito na puno ng pagmamahal at pagaalala. She can say thet he fears the day that she will give birth. What if she won't wake up? Silly Yuan. She will do everything to open her eyes. She will take good care of their daughter and him, she will be as better as her mother. Mag aaral pa siyang magluto ng maraming putahe at mag bake ng cakes. Marami pa silang gagawin sa kanilang bucket list. Makikita niya pa kung paano mabaliw ang kapatid na si Ron sa pag ibig na pinakawalan nito, maging si Rojan, at ang bunsong kanilang si Reign.

Gusto niya pang makita kung gaano ka sweet ang daddy at mommy niya kahit matanda na ang mga ito. She wanted her and Yuan to reach that age too. Ang baby nila ni Yuan ang unang apo ng kaniyang daddy, kaya dapat nandoon siya kapag nakita niya kung gaano ito magiging kasaya. Her mother will be so proud of her.

"Kahit wala namang baby okay lang basta magkasama tayo." Nawala ang ngiti sa kanyang labi, how can he say that? Nilalakasan niya nga ang kanyang loob para mabuo ang pamilya nila pero heto ito at nawawalan ng pag asa at iniisip na sana wag na silang magkaroon ng anak.

"Don't get me wrong please? " agad naman nitong hinawakan ang kanyang mukha. "Syempre sobrang saya ko at mag kaka anak tayo, kaya lang hindi mo maiaalis sa akin ang matakot. Paano kung mawala ka, mawala kayong dalawa? Sa tingin mo kakayanin kong magisa?" magagalit na sana siya kaya lamang hindi niya magawa dahil umiiyak na ito.

What a cry baby. Yumakap siya sa leeg nito.

"That will not happen Yuan. We will get thru this, mag ma mae love pa tayo sa umaandar na airplane. You promise that." Narinig niya na ang paghalakhak nito. Paano siya hindi lalakas kung baon niya ang pagmamahal nito? Saka magaling ang kaniyang mga doctor. This baby might be their first and last but surely they will treasure this feelings forever.

"Ang drama natin." Natatawa nang sabi ni Yuan matapos siyang bigyan ng makapugtong hininga na halik.

"You started it." Sisi niya dito. Hinila niya na ito pabalik sa kanilang kwarto.

Three weeks after that, their baby was born, she's more than precious for both families. Giving birth also makes Ran complete.

They named her Miya Precious Romualdez Uytingco.

D"R

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon