TPS 40: first date

47.8K 1.3K 55
                                    

#UNEDITED

#UNEDITED

#UNEDITED

#UNEDITED

#Iwriteinriddlesigivemyanwersandcommentsinriddles

***

TPS 40:

"Hey," tawag ni Ran sa kanilang bunso na si Rojan, nakanguso ito at nakahawak sa doorknob ng kanyang kwarto. Nakasibangot ito. "come here" tinawag niya ito, nagdadalawang isip pa ito, pero sa huli lumapit din ito sa kanya, naupo ito sa kanyang kama siya naman ay inilapag ang kwintas na regalo sa kanya ni Yuan noong kanyang 18th birthday.

"Aalis ka ate?" nginuso nito ang mga dress na nakalatag sa kanyang kama. Hindi kasi siya makapili ng isusuot. Saturday ngayon at pumayag siyang lumabas kasama ni Yuan. It is a date. Tuwang tuwa nga ito ng pumayag siya,wala naman kasi syang appointment at isa pa, she really enjoy his company. Hindi rin sya mahihirapan sa pagpili ng susuutin kung hindi siya excited ngayong araw na ito.

"Yes."

"Kasama yung magiging boyfriend mo?" natawa naman siya paraan nito ng pagkakasabi.

"Who told you that?"

"Narinig ko lang, diba suitor mo sya, kaya wala ka ng time sa akin," nagtatampo nitong sabi, humarap siya para hulihin ang mga mata nito, pero nakayuko na ito." Hindi ako sinama ni daddy kasi bawal daw, sila lang daw ni honey," hindi lang pala sa kanya ito nagtatampo, nasa Japan kasi ang daddy nila ngayon, at isinama nito ang kanilang mommy, one week daw kasi kaya naman hindi makakapayag na hindi sumama ang kanilang mommy. Hindi daw nito kaya na malayo ng matagal, pero kaya nito na malayo sa kanilang mga anak.

"Ang daya ni dad, diba maiinip lamang si honey kapag mag-isa siya sa hotel , dapat nandoon ako.." reklamo nito,hindi pa nito maiintindihan. Knowing their daddy, umaasa pa rin kasi ito at humihirit pa ng isa.

"It's their alone time, maybe next time, sasama tayo lahat," ngumiti siya dito, tumabi na rin sa kama para pawiin ang pagtatampo nito.

"I'm always left alone nowadays, Si kuya Ren lagi wala, di ko siya mayaya na makalaro ng mga games na binili ni daddy. Busy siya sa gym, I don't understand kung bakit dapat daw malaki ang katawan. Will I be like him when I get old? I don't think so," huminga muna ito bago muling nagpatuloy," And what will you expect kay Kuya Ron? I think he will get sick if he will stop studying and reading." Tumingala na sa kanya ang nagpapaawa nitong mga mata." And you don't have time for me, lagi mo na lang kasama yung lalake nay un, siguro hindi mo na ako love." Nag-uumpisa ng manubig ang cute na mga mata nito. She's guilty somehow, dati kasi kuntento lamang siya na ito ang kasama sa maghapon, pero iba na ngayon. Hinawakan niya ang mukha nito at hinalikan sa pisngi, lumalambot naman din kasi agad ang puso nito sa kanya. Kaya lamang sa sinabi nito, hindi niya na to magagawang iwan ngayon. Ayaw niya itong mag-isa kahit gaano pa ito kakulit kapag kasama nya.

"Do you want to go with us?" tanong nya dito. Hindi pa ito makapaniwala sa narinig, pero s ahuli, lumapag ang ngiti nito.

"Talaga? " Sunod-sunod siyang tumango, tumayo na ito at excited na sa kanilang pamamasyal. Hindi niya na kayang pawiin ang ngiti nito, bahala na mamaya kapag nakaharap niya si Yuan, sana lamang hind maging riot na magkasama ang dalawa, knowing Rojan, he is far worst that his twin.

She read another message from Yuan; it's 10 in the morning at papunta na raw ito. She replied Ok to him, mamaya nya na lamang sasabihin na may sasama sa supposed to be first date nila. Mabilis na siyang pumili ng damit, she wear a skinny jeans instead, pinartneran niya iyon ng blouse, she tied her hair in a bun, para sa handa sa kung ano man ang posibleng mangyari mamaya. Nakaabang na sa sala ang excited na si Rojan, pinapaalalahanan pa ito ng personal yaya nito. Nakikinig naman ito ng mabuti. Ran loves his nanny so much. Basta kapag nagustuhan nito ang isang tao, makikinig at susunod ito, she wanted him to do the same kay Yuan. Sana talaga magkasundo ang dalawa.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon