TPS 28: maybe yes or not

40.3K 1K 28
                                    

hot morning!

#unedited

.................

TPS 28:

"Anong nangyari? Any development?" napako nap ala si Yuan habang nakatingin sa papalayong pigura ni Ran, kung hindi pa siya bulabugin ng kanyang mga kabarkada  hindi pa siya mababalik sa reyalidad.

"Meron naman kahit paano," sagot niya kay Jackson na siya ngayong umakbay sa kanya paalis sa clinic. Actually malaki ang naging development sa loob ng maikling oras na iyon. Ran shared her secret with him, malaking achievement na iyon, may tiwala na ito sa kanya. That's good news!

"Don't tell me nakanakaw ka na naman?" makahulugang tanong ni Bono, kinutusan niya ito...kung sana nagkatotoo, pero naudlot nga ang kanyang binalak dahil nagising ito, pero okey lang, hindi siya nakaramdam ng panghihinayang.

 "Wala,mas maganda ang nangyayari doon, "makahulugan siyang ngumisi sa tatlo, saka nauna ng maglakad, bahala ang mga ito na mag-isip kung ano yun...Pumunta siya sa kanyang locker room para kuhanin ang kanyang mga gamit.

Gusto niya ng umuwi para makapag research tungkol sa sakit ni Ran, para sa susunod alam niya na ang gagawin at hindi na magpanic pa.

Sumkay na siya sa kanyang motor, ito yung rides niya araw araw dahil mas gusto niya ang feeling kapag nakasakay dito.

....................................................

Pinandidilatan ni Ran ng mata ang kakambal habang nasa hapag sila, may nakakaloko kai itong ngisi. Hindi malabo na sabihin nito sa pamilya ang nangyari kanina sa kanya sa school. She doubt na palalampasin iyon ng kanyang daddy.

"So Ran how was your day?"

"Ok naman po, "she answered to her dads' question.

"Good," tumango pa ito, matapos uminom ng tubig. "So how about that boy?"

Napakunot ang kanyang noo, isa lang naman ang pumapasok sa isip niya, si Yuan. Pero ano nga ba ang tungkol kay Yuan na gustong malaman ng ama? Possible kaya na nalaman na nito ang nangyari kanina at nagpapakalmado lamang ito?

Sa kanyang pagkaalala, yung driver ay maid na kasama nila noong bata sila nang makidnap siya ay sinesante na nito kaagad. Yung maid noon na nakikipag-usap sa phone na hindi siya nabantayan ng maayos kaya siya nadapa ay sinesante nito kaagad. Yung body guard na hindi lang siya nabantayan ng mabuti kaya siya nagkaroon ng galos mula sa isang fan na umatake sa kanya ay nasisante rin. Her father is ruthless, wala iting pakialam sa pagmamakaawa kapag sila ang na-agrabyado.

"What about him daddy?" tinignan niya ang kanyang mommy na nagkibit balikat lang, hindi rin nito mawari ang tumatakbo sa isip ng asawa.

"Why don't you tell dad, that that boy already knew about your secret," sabat ni Ren sa gitna ng pagsubo nito. Ang dalawa niyang kapatid na lalake ay nakatingin na rin sa kanya. Parehas na naghihintay sa kanyang isasagot.

"You told him?" binitawan niya ang kubyertos saka pinunas ang bibig.

"I had an attacked earlier during our PE, I was walking out sa gym papunta sa clinic, I got a hard time walking and he was there to help me. He brought me to the clinic, he almost sent me to the hospital because he was panicking...and I figured that he needs to know and he promised that he will keep my secret." Mapang-unawang hinawakan ng kanyang mommy ang kanyang kamay, ngumiti ito sa kanya at ito na ang nagsalita para sa kanya.

"Trust the young man, I know na hindi niya ipapahamak si Ran,"  malalim na napabuntunghininga ang kanyang daddy. Napalingon si Ran dahil kinakalabit siya ng kanyang kapatid na si Rojan.

Nakanguso at mukhang problemado ito.

"Does that mean ate that he will be your boyfriend?"  Kinabahan siya sa inosenteng tanong nito, idagdag pa ang pagbagsak ng kubyertos ng kanyang ama sa plato nito.

He isn't please on what he had heard.

...........................

"Hi Ran!" si Dexter ang nabungaran niya paglabas niya ng kanyang kotse, mukhang kanina pa ito nakaabang.

"Ran, una na ako," paalam ni Ali, bagamat pinipilit na ngumiti sa kanya. Alam niyang nasasaktan ito dahil nasa kanya ang atensyon ng lalaking kaharap. Pero wala itong dapat ikapangamba.

Napalingon siya sa paligid.

Wala ang motor ni Yuan na sa mga nakaraang araw, nakikita niyang naka park sa tabi ng kanilang parking area. May designated place na kasi sila doon.

"Why are you here?"

"Sabay tayo sa klase natin." Nakalimutan niya na kaklase niya nga pala nito ngayon, which means, wala siyang klase with Yuan.

Bakit ko ba naiisip yun?

Pumayag naman na siyang magsabay sila nito, may magagawa pa ba siya? Wala na siyang pakealam sa tingin ng mga tao sa kanya habang kasama ito. Nababakas niya na ang takot sa mata ng mga ito, maaaring alam na ng mga ito ang ginawa ng kanyang kakambal sa nambato sa kanya sa gym.

Kinumusta siya ni Dexter tungkol sa nangyari kahapon, nalaman niya mula dito ang ginawa ng kakambal.

"Ren was so mad, umalis sya sa gitna ng quiz namin, napa ka overprotective ng kapatid mo, I wanted to do the same ng mapanood ko ang footage, and the rest was history," hindi na nito itinuloy ang mga kasunod na ginawa ng kanyang isip bata na kakambal.

"That what's a coward do." Komento niya dito, nakaupo nila sa dulo, paborito niyang umupo sa dulo, this time, hindi nga lang si Yuan ang kanyang katabi. Binati rin siya ni Grace na nawala ang ngiti pagsulyap sa lalaki na nakasunod sa kanya.

Wala pa ang prof, maaga pa sa kanyang orasan, maya maya narinig niyang nag vibrate ang kanyang phone. Unknown number....paulit ulit itong nagriring kaya sinagot niya na din.

"Finally" nabosesan niya agad ang nasa kabilang linya.

"Where did you get my number?"

"Epal talaga yang katabi mo?  Na late lang ako ng kaunti naka eksena na kaagad," inis ang boses nito, napatingin siya sa katabi na nakakunot ang noo sa kanya.

"I said, where did you get my number?" tanong niya muli. She heard him chuckle.

"Kapag gusto, may paraan, kapag ayaw ibigay, may paraan pa rin, ang ganda ng pink mo na headband , bagay na bagay sayo," napahawak siya sa headband sa  kanyang ulo..." ang cute mo pala kapag napupuri," he added.

Napalingon lingon siya,pakiramdam niya kasi pinapanood siya nito, at hindi nga sya nagkamali, acrros their building, she spotted him, nakatukod ang kamay nito railings ng kabilang building habang kumakaway sa kanya.

"Good morning," napahikab pa ito habang bumabati sa kanya,"inaantok pa ako, pero makita lang kita, nagiging na ako."  Hindi na siya nakasagot doon, aksidente naman na napatay nito ang phone dahil hinila ng kaibigan papasok sa room dahil pumasok na ang prof ng mga ito.

Napangiti siya sa pagkaasar sa mukha nito.

"So you are friends with him," dinig niyang komento ni Dexter kaya naman nilingon niya ito.

"He is not hard to like." Wrong choice of words kaya naman binawa niya ang sinabi niya, " I mean it is not hard to be friend him," napatango ito sa kanyang sinabi. Akala niya tapos na ang usapan nila, kaya lang muli itong nagtanong.

"And why it is so hard to like me, I mean to be friends with me?"  Ito rin ang nagbawi sa sinabi nito, hindi kinaya ang kanyang pagtitig.

"Kung nakilala mo ba noong ina, kaysa sa kanya, mas madali ba na ako?" she thought for a while, pero kung ganoon nga, ano nga ba?

"Maybe yes, or maybe not."

Iba naman kasi ito at iba si Yuan, itinuon nya na lamang ang kanyang mga mata sa whiteboard, dumating na rin ang kanilang prof.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon