TPS 18: kape

41.6K 1.1K 54
                                    

dedicated sa mga #teamabuso--isa isa lang po ang update, kailangan ko din matulog, pumipitik ang aking magandang mata. (late na naman ako nito bukas:(

#UNEDITED--- 

..........

TPS 18:

Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Ran na mapansin ang titigan na nagaganap sa kanilang dalawa, humakbang siya patalikod kaya naman nahulog ang kamay ni Yuan na nasa kanyang pisngi.

Nahihiya siya dahil ang pagiging bayolente niya ang dahilan kung bakit ito nasasaktan, and yet hindi man lang ito nagagalit sa kanya. Ginagawa pa nitong katatawanan ang nangyari.

“Mapula pala talaga ang dugo ko? Type A + ako eh, ikaw ba anong type ng dugo mo? Baka parehas tayo ng type o di kaya type mo ako, I mean yung dugo ko,” ngingiti ngiti ito habang pinupunas pa rin ang ilong nito.

 Napailing na lang si Ran. Puro kalokohan.

 

“Pumunta ka na ulit sa clinic.” Utos niya dito.

“Sasamahan mo ba ako?” hindi siya sumagot bagkus nakatingin lang dito, “ I doubt hindi, okey na naman ako, konting dugo lang to, kakain na lang ako ng amplaya mamaya para mapalitan yung dugo ko na nawala,”  tinignan nito ang kanyang panyo, napatingin ito doon.” Sa akin na ito ha, itatago ko, ito ang unang bagay na nagtanggap ko mula sayo.”

Nahiya naman siya bigla.  Mula noon, ito lagi ang nagbibigay, kapag pumapasok ito sa school, siya ang unang hinahanap ng mata nito. May dalai tong kung anu-ano, chocolate, cookies, brownies kahit ano binibigay sa kanya, maging candies binibigyan siya nito, lahat yun tinatanggihan niya pero sa huli, hinahayaan niya na lamang ang pamimilit nito. karamihan naman kasi doon si Ren ang nakakaubos, kahit pa sinasabi nito na ayaw nit okay Yuan. Hindi pa sila maranggya noong panahon na  yun, hindi pa nila kilala ang kanilang daddy at  ang tanging mommy lamang nila ang kanilang inaasahan.

“Ikaw ang bahala.” Napapagod na rin naman siya na barahin ito. Darating talaga sa punto na mapapasuko siya sa kakulitan nito. Nilampasan nita ito para magpunta sa kanyang susunod na klase.

“Hatid na kita,” sabi nito na nasa kanyang gilid na, buti na lang talaga at walang masyadong tao sa kanilang dinadaanan, walang masyadong mga mata na nangingealam.

“I can manage,” sagot nyang hindi tumitingin dito.

“Well I can manage you well,” confident na sabi nito, saglit niya itong inirapan. She realize na may nadagdag pala sa personality nito, yun ay naging sobrang yabang nito.

“Joke lang, hindi na ako mangungulit, ihahatid na kita..” tahimik silang naglakad. Alam pa nito kung saan room siya papasok.

“Dito na ang next class mo, buti ala pa ang prof,” sabi nito, napatingin si Ran sa loob, wala pa gaanong student,

“Talagang alam mo kung saan ang room ko?” di makapaniwalang sabi niya dito, kinindatan naman siya nito..sana sumakit na ang mata mo!

“Syempre,magaling akong stalker eh!” proud pa nitong sabi sa kanya, iniwanan niya na lang ito, nag-uumpisa na kasing magsipasok ang mga estudyante, ayaw niyang humarang sa daanan ng mga iyon.

Naupo siya sa bandang dulo.

“Hi, ako nga pala si Grace,” napalingon si Ran sa babaeng umupo sa kanyang tabi, simple lang ito at medyo payat, straight din ang buhok nito na lampas balikat. Mukha itong mahiyain, pero nakakapagtakang kinakausap ang isang katulad niya. “wala ka kasi sa last subject natin, kaya pahihiramin sana kita ng notes,” nilagay nito sa harapan niya ang notebook nito na may nakadrawing na bunny.

Nakatingin lang siya sa kinikilos nito. Napalunok ito, marahil natatakot sa kanyang pagtingin.

“Why?” lumabas iyon sa kanyang bibig, nagtataka kasi siya kung bakit pinapakitaan siya nito ng kabaitan. Hindi ganito ang mga tipo ng babae na lumalapit sa kanya, kaya naman hindi niya alam kung paano pakiharapan ang mga gaya nito.

“Ah, wala naman, kasi mahalaga ng sinabi ng Prof natin, may binigay siyang I reresearch kasimay graded recitation na tayo next meeting, “ binuklat nito ang notebook, itinuro sa kanya ang reference book na dapat basahin, ang tittle at ang may akda. Malinis ang paraan ng pagsusulat nito.

Kinuha niya ang kanyang i-pad at pinicturan iyon, wala siya sa mood magsulat. I reresearch niya na lang yun. Ibinalik niya ang notebook nito, takang napatingin pa rin ito sa kanya, pinigilan niyang magtaas ng kilay sa paraan ng pagtingin nito.

“Ahm, thanks?”Hindi pa siya sigurado sa nasabi, napangiti ito sa sinabi niya at masayang tumugon ng you’re welcome.  Hindi niya alam na ang pagpapasalamat niya pala ay magiging ganito kalaki na bagay, napapailing na lang siya.

“Mabait ka rin naman pala,”  narinig niyang komento nito.

Kung alam mo lang. mukhang inosente ang babaeng katabi, paano na lang kung makita nito ang kanyang dalawang sungay? Baka hindi na siya nito kausapin muli. Aminado naman kasi siya na hindi siya mabait.

………………………………..

“Nauumay na ako, kanina ka pa nakatingin dyan sa panyo na may dugo!” nasa tambayan silang apat, sabay ang break nila kaya naman nagtitipon tipon sila doon.

“Alam mo Bono, itong dugo dito, sa akin ito galing,” masaya pa ninyang binalita sa mga ito.

“Anong nangyari sayo?” curious na tanong ni Topher, kanina kasi nasa clinic ito, pinuntahan si Ran, hindi na nila alam kung ano ang nangyari doon.

“Binato ako ni Ran ng unan, tapos dumugo ang ilong ko, at alam nyo kung ano ang pinaka sweet na part doon?” binitin pa nito ang sasabihin.

“Sabihin mo nga sa akin Jackson, ano ang sweet na part doon sa dumugo ang ilong mo dahil binato ka ng walang pusong babae?”

“Sweet siguro yung dugo kapag natikman,” sagot naman ni Jackson sa nakakalokong tanong ni Bono.

“Continue.” Utos ni Topher kay Yuan, dahilan para balewalain ang dalawa.

“Binigyan niya ako ng panyo, siya mismo ang naglagay nito sa ilong kong may dugo.” Proud na sabi ni Yuan habang nakaharap ang panyo ni Ran na may dugo.

Napasapo na lang ng ulo ang tatlo. Malakas maka-ubos ng pasensya ang mga kabaliwan ng kanilang unan.

“Kaya hindi totoo na walang puso si Ran,” pagatatanggol nito sa babaeng mahal,  hindi siya papayag na makarinig ng masamang salita tungkol dito,” nagkataon lang na yung puso nya nasa akin na at wala na sa kanya,” muling nagtinginan ang tatlo.

“Yuu, nagkakape ka ba?” si Jackson, tumigil sa pagtawa si Yuan, kung paano nasingit ang kape sa usapan. Gusto bang magkape ng tatlo at idadamay siya kahit mainit ang panahon? Well they can have ice coffee, kung gusto ng mga ito.

“Oo naman bakit?”

“Ilang beses sa isang araw?”  tanong muli nito.

“One in the morning,” isang bese lang naman sya magkape,

“Okey dapat damihan mo pala.”

“Bakit?”

“Damihan mo ang pagkakape para kilabutan ka sa mga pinagsasabi mo!” si Bono ang tumapos sa gustong sabihin ni Jackson.

“Inggit lang kayo,” ganti ni Yuan sa tatlo, hindi pa kasi ito nakakakilala ng babeng seseryosohin kaya naiintindihan niya ang mga ito, baling araw siya naman ang maiintindihan ng mga ito.

Ang balang araw, aasarin niya rin ang mga ito na higit pa sa pang-aasar na nakukuha niya mula dito.

“Inngit lang talaga kayo kasi may Ran ako!” ulit niya sa mga ito na biglang naging seryoso ang mukha, saka niya naramdaman na kamay na matigas na nakahawak sa kanyang balikat.


“At kailan pa naging sa’yo ang kapatid ko?” dama niya ang galit sa tono nito.

Sinong nagsabing hindi siya tinatablan sa kanyang mga nainom na kape?

…………………………………..

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon