TPS 52: I'm sorry

39.9K 1.1K 49
                                    

#unedited

TGIF

***

TPS 52:

"It's all right Princess,"  sabi ng kanyang daddy, yakap ng kanyang mommy at halik nito ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob.

"Thanks dad." She look up and smile at him. Kilala niya ang kanyang ama, alam niyang galit na ito dahil sa mga sinabi ng mommy ni Yuan, pero nanatili lamang itong tahimik at nakaalalay sa kanya. Her dad always have reasons for everything, he justify and clarify things just like how he manage their business. Salamat at nanahimik ito  para sa kanya, para hindi pa madagdagan ang galit ng  mommy ni Yuan sa kanya.

She was discharged two days after, constant pa rin ang pagdalawa niya kay Yuan. Hindi naman kagaya ng mommy nito ang pakikitungo ng daddy ni Yuan sa kanya. He even invited her in, kapag mayroon siyang chance inuubos niya ang oras sa pagkausap kay Yuan at pagkukuwento dito, hanggang sa dumating ang mommy nito kasama si Bryan. Ran tried so hard to be civil with her. Sa pinapakita ng mommy ni Yuan, mas gusto talaga nito si Bryan para sa anak. Ang maganda lang doon, hindi na sumasagot si Bryan ng kung ano, ngumingiti lamang ito at tumatango sa bawat sinasabi ng mommy ni Yuan. Mahirap kalaban ang ganoon, kaya naman minamabuti niya na lamang ang manahimik.

"Are you okay?"nakaupo siya ngayon sa bench sa labas ng room ni Yuan, wala pa rin itong malay pero stable na ang condition, nailipat na ito sa isang private room. Nasa loob ang buong pamilya nito kaya minabuti nya na lumabas na lamang muna.  Nilingon niya si Topher, kagagaling lamang nito sa school at naka uniform pa, siya naman, wala na siyang ganang pumasok. Hindi naman yun problema sa kanyang magulang, her daddy even suggested na bumalik na lang siya sa dating routine ng pag-aaral, sa bahay lamang.

"I won't pretend, I want him to wake up...I need him to wake up." Sagot niya dito, ito ang madalas niyang kausap,hindi kasi lilipas ang isang araw na hindi ito pupunta, pati sina Bono at Jackson. She appreciate their effort on trying to make her laugh, pero sasaya lamang siya kapag nagising na si Yuan, makukumpleto lamang ang araw nya kapag narinig niya muli ang mga hirit nito.

"Sabi ko na eh! Yuan really needs to wake up, inaagaw na ang girlfriend niya!" si Bono iyon kasama si Jackson, may dala na namang pagkain ang dalawa.

"Siraulo!"maanghang na sagot ni Topher, tinawanan niya lang naman 'yun, nasanay na siya sa pangbubuska ng mga ito. Si Topher lang naman ang napipikon na madalas na akala mo guilty.

"I told you before, hindi ako madedevelop sa kanya, he is boring," pagsakay niya sa asar ni Bono stressing the last word. Siya namang ngayon ang hinarap ni Topher na napanganga. "Why, are you hurt?" nakataas ang kilay niya dito...alam niyang gigising si Yuan, kaya kahit mahirap, habang hinhintay nya ang paggising nito, makikipagbiruan siya sa mga kaibigan nito. Ganito niya pakisamahan ang kanyang mga kaibigan, susubukan niyang maging bahagi ng mga kinalakhan at kinabilangan ni Yuan. She mean it when she said that she will do everything to be good for him.

Naiinsecure siya sa katulad ni Bryan, sa kayang gawin nito at sa papuri na nakukuha nito mula sa pamilya ni Yuan. Pero kung may lamang siya dito, iyon ay ang kanyang pagiging totoo. She's bad and bitch like this, she uses her power to get what she wants. Too bad ang kabutihan lamang ni Bryan ang nakikita ng mga ito, hindi ang pagkatao nito kapag kaharap siya.

Pero ganoon nga siguro talaga, kapag may tao tayong mahal, kahit na may mahal na yung iba, at mahal din pabalik...we will do everything para sa atin mabaling ang atensyon kahit sa pinaka hindi magandang paraan pa. But that just how it goes, ilalatag natin ang ating last card, take it or leave it, live or die...pero kung sa huli wala na talaga, sana maging masaya na lamang...pero karamihan doon hindi nakukuntento, hindi makatanggap, binabawi ang isang bagay na minsan naman hindi naging pag-aari.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon