TPS 53: love is a fire

43.7K 1K 100
                                    

6/05/2015

#UNEDITED

#YuRan



***

TPS 53:

 

Nakahinga si Yuan ng may dumating na mga doctor at nurse, mabilis ng mga itong dinaluhan si Ran.

"What happened?" tanong ng doctor.

"Na-nasugatan po siya habang nagbabalat ng mansanas." Sagot niya dito, buti na lamang at hindi nito nadaganan ang kutsilyo, mababaw lamang daw ang sugat nito...but still, ang makita lang itong nasasaktan ay mas lalong nagpapasakit sa kanya.

"Is she afraid of blood?" tanong ng doctor, hindi pa man siya nakakasagot ng pumasok ang kanyang mga magulang.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng kanyang mommy, ginagamot na ang sugat ni Ran, tulog pa rin ito. Nakamasid si Yuan, gusto niya sana itong lapitan kaya lamang hindi niya magawa. Hindi niya na sinagot ang doctor, takot din siya na malaman ng kanyang mga magulang ang tunay na dahilan. Ayaw niya sa mga tingin na pinupukol ng kanyang mommy dito, mapanuri at puno ng tanong.

Pumasok ang isang bodyguard ni Ran, alalang alala ito. Agad itong tumawag sa telepono, alam na ni Yuan na ang daddy na ni Ran ang nasa kabilang linya.

"She's asleep and was hurt," bagsak ang balikat ni Yuan sa nirereport ng bodyguard sa daddy ni Ran, idinetalye nito ang pangyayari, alam niyang magagalit ang daddy nito. Gustong gusto niya itong lapitan kaya lamang hindi nya magawa. He feels more than frustrated.

Wala pang isang oras pumasok na ang daddy nito, naka business suit. Mabilis na nahanap ng mata nito ang anak na himbing na natutulog sa kalapit na kama na nandoon.

"Clumsy ang anak mo, kung hindi sana, hindi niya masusugutan ang kanyang sarili..if she's tired, hindi nya na kailangan puntahan ang anak ko, marami kaming mag-aalaga dito, and another thing Mr. Romualdez, hindi mo kailangan akuin ang bayad sa medication ng anak ko. Alam naming mas mayamana ng pamilya nito pero kaya naming bayaran ang lahat ng bill ultimo hanggang sa huling sentimo!"

"Mommy!" sinaway ni Yuan ang kanyang ina na pinagtaasan lamang siya ng kilay. Palaban ito. Kita niya ang pagtagis ng bagang ng daddy ni Ran.

"That was not my intention, I just want to help and be thankful for him for saving my daughter." Tumawa ng pagak ang kanyang mommy sa sagot na iyon.

"And do you think paying for my sons bill will clean your conscience, nasaktan ang anak ko!"

"Mommy please tama na, pinili kong masaktan para sa babaeng mahal ko...hindi ako nagsisisi," bumaling siya sa daddy ni Ran na pigil ang galit. Salamat at hindi nito pinapatulan ang pagwawala ng kanyang mommy. "Hindi po ako nagsisisi kung hindi na ako muling makalakad dahil mahal na mahal ko si Ran para ibigay ang buhay ko. Sir, uulitin ko ang sinabi ko na noon,  I am madly in love with your daughter."

"What did you say? Hindi ka na makakalakad?" namutla sya sa narinig na boses ni Ran, may malay na ito. Sino nga ba naman ang hindi magigising sa malakas na boses ng kanyang mommy.

Mabilis itong bumangon at lumapit sa kanya, hininhingi ang kumpirmasyon sa kanya. Alam niya na yaw pa syang diretsuhin ng doctor, paulit-ulit na test lamang ang ginagawa nito sa kanya noong nagdaang araw. Alam niya na, hindi niya na maramdaman ang kanyang mga binti pababa.

Uumiyak na ito sa kanya, "I'm sorry, it's my fault." Sabi nito sa bawat paghikbi,inabot ni

Yuan ang mukha nito para pahidan ang mga luha. Nakalalungkot na madalas na itong umiiyak ngayon at sya ang dahilan, napahamak pa ito at wala siyang magawa.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon