TPS 19: this is bad

42.6K 1.1K 34
                                    

 TPS 19:

Nakipagtinginan muna si Yuan sa kanyang mga kaibigan, matapos noon, ibinulsa niya ang panyo na galing kay Ran, dahan dahan niyang tinanggal ang kamay ni Ren sa kanyang balikat. Tumayo na rin siya para harapin ito.

Alam niyang hindi niya ito dapat katakutan, kahit mayroong kaba. Sino nga ba naman ang ayaw makuha ang loob ng magiging bayaw nila? Kung ang iba walang pakealam, para sa kanya mahalaga yun. Since mahal niya si Ran, kailangan niyang tanggapin at pakisamahan ang kakambal nito, kahit pa mula umpisa mainit na ang ulo nito sa kanya.

"Pakiulit nga ang sinabi mo?" hamon nito sa kanya, habang tumatagal nakukuha nito ang features ng ama nito, that according to his research. Kayang kaya nitong pasunurin ang mga tao sa paligid nito, isang utos lamang nito. The wonders that money can do.

Pero kung hihilingin nito na kalimutan niya ang  kapatid nito . That would be impossible!

"Alin doon? Yung sa akin si Ran?" matapang niyang sagot,agad niyang naramdaman ang mga kamay nito sa kanyang kwelyo, matalim ang tingin nito sa kanya. Hindi naman siya nagbawi ng tingin. Kung magpapakita siya ng takot dito, hindi niya lalo makukuha si Ran o ang loob nito. Sina Topher ay pumunta na sa kanyang gilid, alam niyang nag-aalala ang mga ito. Sinenyasan niya naman ang mga ito na okey lang siya. Kung anuman ang mangyari, pinili niya yun. Bakas ang pagtataka sa mukha nito," alam mo naman yun matagal na diba? Alam mo naman na gustong gusto ko siya noon pa man, bakit nagtataka ka pa rin ngayon?" mas naramdaman niya ang paghigpit ng kapit nito sa kanyang leeg. Nakakaagaw na sila ng atensyon, pinalibutan na rin sila ng mga kaibigan nito.

"Hindi kayo bagay! Kailan ba iyon papasok sa utak mo!" singhal nito sa kanya, tumabi si Dexter kay Ren, mainit talaga ng ulo nito ngayon.

"Tama na Ren,"

Masama naman ang tingin na ipinukol ni Yuan sa lalakeng maputi. Hindi niya pa napapalampas ang sinabi nito sa kanya,

"At sino ang sa tingin mong bagay sa kanya? Iyang katabi mo? Na akala mo kaibigan pero kapag nakatalikod ka bantay salakay pala?" napatingin sa kanya bigla si Dexter, namumutla ito. Tama siya, hindi pa pala talaga alam ni Ren na balak nitong pormahan ang kapatid, considering na nagbigay na ito ng warning para sa lahat.

Bagay na hindi niya maintindihan. Bakit ganoon na lang ito makaasta? Sobra ang pagiging overprotective nito sa kapatid, akala mo mawawala na ito.  Pero kapag naalala niya na nakidnap si Ran at ito ang kasama, it made sense. Somehow, guilty ito sa nangyari, pero iba na ngayon, malaki na si Ran and she have the capability to protect herself.

"Anong sinasabi mo?" galit na tanong nito sa kanya.

"Bakit hindi mo siya tanungin, kung ano talaga ang itensyon niya. "kalmado pa rin na sagot ni Yuan, tumingin si Ren sandali kay Dexter na napalunok lang. "See hindi makasagot," nakangisi si Yuan sa kanyang sinabi. Gusto niyang makita kung hanggang saan ang tapang ng kanyang karibal. Ito pa nga lang hindi na uubra, ano ngayon ang panama nito sa kanya?

"Sa ayaw mo at sa gusto, sa akin lang ang kapatid mo." Sabi niya dito na naging dahilan upang makatikim siya ng malakas na suntok. Napahiyaw ang mga nakakita. Buti na lamang at nasapo siya ng kanyang kaibigan, kung hindi tatama siya sa bench na sementado. Naramdaman niyang handa ng sumugod ang kanyang mga barkada,  lalo na si Bono na nagmumura na ng marahan, pinigilan niya ang tatlo, nakuha niya pa rin tumayo,  Wala siyang balak gumanti, katulad noon, Pero di gaya dati, hindi na siya iiyak. Ipaglalaban niya pa rin ang tama, at ang kanyang nararamdama ang masasabi niyang tamang pangyayari.

"P'wes sa ayaw at sa gusto mo, lalayuan mo ang kapatid ko-" pinutol niya na ang sasabihin nito.

"sa bagay na yan, parehas natin alam na hindi ikaw ang may karapatan na magdesisyon," bago pa mauwi sa mas matinding away ang dalawa, hinatak na sila ng kani-kanilang mga kaibigan.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon