TPS 5: the so called debt

69.3K 1.5K 70
                                    

classes over...vacation?waley. 

its good to update again:)

#unedited

…………………………………………………………………………………………………..

TPS 5: THE SO CALLED DEBT

 

Ren carefully placed Ran in her bed, nakasunod pa nga si Rojan sa kanya na lumabas mula sa kwarto nito, masama na naman ang tingin nito sa kanya.

“Inaway mo na naman ang ate ko?” sabi nito ng sumunod na rin sa kanya sa kwarto ni Ran, tumingin siya sa likod para makita kung nandoon ang kanilang mommy, ng malamang hindi ito sumunod hinarap niya ang mausisang kapatid.

“hindi ko siya inaway okey, bakit ba lagi mo na lang siansabi na inaaway ko siya,” ngumuso ito sa kanyang sagot habang dahan dahan na sumasampa sa kama ni Ran.

“I just know, kapag nandyan si ate Eunice inaaway mo yung ate ko,” hindi ito nakatingin sa kanya, kundi sa ate nito na natutulog. Napanganga na lamang si Ren sa sinasabi nito. Seriously?

“That’s not true,” sagot niya , balak pa sana niyang dagdagan iyon pero , itanapat nito ang hintuturo sa labi, signaling him na wag maingay.

Iiling-iling na lang siyang lumabas. He want to prove to him his point na kahit bata pa ito, or else kakalakihan nito na siya lagi ang mali at si Ran ang tama, para kasi sa kanya, mali na idamay si Eunice sa kasalanan ng mommy nito. Iba ang mommy nito at iba si Eunice, he wanted to prove to them na mabuti si Eunice unlike her mother, pero paano niya nga naman yun magagawa kung laging sarado ang isip ni Ran.

“Honey,” nakaabang ang kanyang mommy paglabas niya sa pinto. Clem looks so serious, ayaw niya kasi na nagtatalo ang dalawa sa isang bagay na hindi naman na dapat pag –awayan.

“Above anyone else,ikaw ang dapat nakakakilala sa kapatid mo,”Clem started, nakakalungkot isipin na sa paglipas ng panahon, nawala na ang batang Ren, yung mahilig mangulit sa kanya, yung maraming tanong, yung puro kalokohan.

“I’m sorry.” Nakayukong sabi nito.

Ganito ba talaga kapag lumalaki na? Selfish ba na namimiss niya ang batang makulit? Kahit tinatawag pa rin siya nito na honey, pakiramdam niya nawala na ang anak niyang yun.

His surrounding changed him, for the better? Hindi niya makita.

“Pero mali na pagsalitaan niya si Eunice, “Ren reasoned out.

“you know that she didn’t  mean it, ganoon lang talaga ang kapatid, unlike you, nakakahalubilo mo ang maraming tao, siya on the other hand, nandito lang lagi…I just want you to understand her,”

“Pero hindi siya dapat tumatanggap na kahit ano sa taong hindi niya kilala,”

“What do you mean?” Hindi na nakasagot si Ren ng marinig nila parehas si Eunice.

“Sorry po tita, ako po ang may kasalanan, I shouldn’t be here,” malungkot na sabi nito, Clem on the other hand, naawa siya sa dito, as much as ayaw nyang mag-away ang kanyang kambal, ayaw naman niyang may masaktan. Noong araw na pumayag siya kay Jett na kupkupin nila ang batang Eunice, she embraced the truth na magiging bahagi ng buhay nila ang anak ng babaeng muntikan ng sumira sa kanila.

“It’s not your fault Eunice, “ she assured her saka bumaling kay Ren.

“About your dad…” alam ni Clem na hindi magugustuhan ni Jett kapag nalaman nito na nag-away ang mga anak, kapag nakita nito na nasaktan ang anak na babae.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon