TPS 13: pangalawa

51.6K 1.3K 54
                                    

i want a vacation so bad, pero wala akong karapatang humiling, poor me;( di bale next year, malay nyo sa lugar nyo pala, Tagaytay, Baguio, Vigan, Cebu?BATANES!

#unedited

TPS:  

 

Masama ang tingin na ipinukol ni Ran kay Yuan ngunit wala pa rin iyong epekto.  Hindi niya maintindihan kung para saan ang salitang “Good girl “na iyon. Hindi pa nga nag-iisang araw ang nakuha nitong pasa mula sa kanya, may balak pang dagdagan.  Sira na talaga ang araw niya, after ng kanyang unang subject makailang beses pa itong nakabuntot sa kanila ni Ali, pilit kinukuha ang kanyang atensyon. Mas lumalala pa ang pagiging makulit nito kaysa sa kanyang pagkakatanda, ang batang Yuan noon, nababawalan pa, pero yung Yuan ngayon, sobrang ikinasakit ng kanyang ulo, lumaki itong sobrang napakakulit at nakakairita. Nakasama din naman ang kaibigan nito na mukhang matino dahil ito ang umaawat kay Yuan sa kalokohan nito sa kanya.

Napahawak siya sa kanyang sintido, sinisikap niyang wag itong tignan dahil wala din naman na mangyayari, hindi naman ito nadadala sa kanyang matalim na tingin. Kahit anonng ipakita niya dito, nginingitian lang siya na parang baliw. Baliw na nga talaga.

“Masakit ba ang ulo mo?”  tanong sa kanya ng kapatid, halata ang pag-aalala dito. Elementary pa siya ng huling pumasok sa school, kaya naman ikinababahala ni Ren ang nararamdaman ng kapatid. Di niya talaga kanyang di mag worry sa sakit ng kanyang kapatid, paano kung bigla na lang itong sumpungin sa gitna ng maraming tao? O sa harap ng mga humahanga dito.

“Ok lang,” napansin niya na kanina pa nakatingin sa kanyang likod ang kapatid, dahan dahan siyang lumingon para makita ang grupo ni Yuan. Ang pagkakataon nga naman, kaibigan pa nito ang grupo na hindi nila makasundo nina Dexter. Sila ang pambato ng College of Business, ang grupo naman ni Yuan ay yung counter part nila sa College of Architecture and Engeenering. How ironic.

“Is he bothering you?” tanong niya sa kapatid, irap lang sinagot sa kanya nito habang hinahalo ang pasta na nasa harapan nito,si Ali naman ang tinignan niya para tanungin.

“Hey Alibaba, may ginawa bang kabaliwan na naman ang lalaking yun?” turo niya kay Yuan na nakatingin din sa kanilang table. Alam ni Ran na napahiya si Ali sa tawag ng kanyang kapatid, lalo na at katabi pa nito ang “crush” nito.

“Ano, kasi-“ ang lahat ang naghihintay sa sagot nito, maging si Dexter ay nakatingin na din dito, sanhi  ng pagkapula pa nito lalo.

Napipilipit ang pagsasalita nito, baka mas lalo lang na ikalala ng sitwasyon kung ano man ang sasabihin. She can handle him pa naman, hindi na kailangan makigulo ng kanyang kapatid. Alam niyang nag-kaclash ang dalawa, remembering the old times, sa birthday party kung saan inaway talaga ito ni Ren.

“Stop insulting Ali, “ sabi niya sa matigas na tono para makuha ang atensyon ng lahat. Binitawan ni Ren ang iniinom nito at nakatingin sa kanya. May tension na sa kanilang mesa na nagpabahala sa kanilang mga kasama. First time kasi nila itong masaksihan, sa side naman ni Ali,sanay na siya sa ganito, sanay na rin siya sa pang iinis ni Ren, wag  nga lang sanang nasa paligid si Dexter. Halata na na alam na ni Ran na may gusto siya kay Dexter, masaya siya dahil wala namang interes si Ran dito. Mas nakikita niya pa nga na bagay ito sa makulit na si Yuan, swak kasi ang personality ng dalawa. At saka kung hitsura ang pagbabasehan pasadong pasado ito.

“Sorry for that,” sa huli si Ren rin ang bumaling kay Ali, hindi talaga nito kaya na makalaban ang kapatid. Gulat naman ang mga kaibigan sa paghingi ng tawad nito. hindi kasi nila kilala na mapagkumbaba si Ren, napailing na lang si Ran.

“I’m done,” tumayo ito matapos ipunas ang bibig.

“Tapos ka na? hindi ka pa halos nakakain,” nag-aalalang sabi ni Dexter na hindi naman pinansin ni Ran, nagpaalam na si Ali para sundan ang kanyang kapatid.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon