TPS 25: hit and threat

42.2K 1.1K 58
                                    

sipag mag-ingay ng team Yuran ah, salamat!

wala akong plano mag-update pero napasulat ako..

#unedited



TPS 25:

 

"Salamat dahil napakabuti nyong mga kaibigan, ang galing nyo, nakakatuwa kayo, ang galing ng timing nyo, sana gawin nyo ulit ito sa akin," Yuan sarcastically said infront of his friends, nasa isang bakanteng room sila. Hawak pa rin ni Bono ang cast na nagpabuko sa kanyang kasinungalingan. Sa kanilang tatlo, ito ang gustong itapon ni Yuan sa bintana ng building na kinaroroonan nila. Ito ang pinakawalang puso sa lahat ng kaniyang mga kaibigan.

Ang malas niya talaga dahil nagkaroon siya ng mga kaibigan na katulad ng mga ito!

Tumikhim ito sa kanyang titig," alam mo kasi dude, hindi mo kailangan na magsinungaling, ginagawa lang yan ng mga duwag."

"Hindi ako duwag!" he stated. Kaya nya ngang harapin ang kahit ano, para kay Ran, tapos makakarinig siya na isa siyang duwag? Hindi niya yun mapapayagan.

"Exactly." Si Topher," kung magugustuhan ka niya , yun ay kung ano ka talaga, hindi yung magsisinungaling ka ng kung ano, na kagaya ng gusto mong mangyari, tapos ano, kapag nalaman niya  , iiwas siya sayo?" saka nagtanguan ang tatlo, napaisip naman siya sa sinabi ni Topher, may punto ito. Hindi na dapat umabot sa punto na gagawa siya ng kalokohan o kasinungalingan para pikutin ito.

On the contrary, kapag siguro wala na siyang ibang option.

"Sige. I got your point." Pero hindi niya pa rin na mapigil na manghinayang," Pero sayang pa rin na makasama ko siya sa lunch, iyon na eh, pumayag na , saka tama ban a ipagsigawan sa lahat na menopause baby ako?" di niya talaga mapigil na magreklamo .

"Sa tingin mo ba papayag ang kapatid noon na magkasabay kayo? " si Jackson naman ang nagsalita. Totoo yun, mukhang imposible pa nang magustuhan siya nito." Pero pwede kayong magkasabay sa ibang lugar yung hindi niya alam, yung willing talaga na siyang sumama sayo at hindi napilit lang. Am I right?" nabuhayan siya ng pag-asa sa sinabi nito.

Binabawi niya na ang sinabi nya kanina, maswerte siya at naging kaibigan niya ang tatlo na ito.

..............................................................

Ran change to her P.E. uniform , just like her classmates. Alam niyang pinag-uusapan siya ng mga ito, naririnig nya na inuugnay ang pangalan niya kay Yuan ay kay Dexter. Hindi na siya nagtataka kung bakit maraming babae ang ayaw sa kanya. They only knew her as Claudeth the print add model, wala naman talagang nakakilala sa kung sino sya at kung ano ang ugali niya, kaya nga ngayon parang gulat na gulat ang mga tao kung gaano siya makihalubilo sa mga ito. She's mean, blunt and a bitch. Ang blockmate niya lang na si Grace ang kumakaausap sa kanya. She makes converstion that made her mind focus on something else. She appreciates it. Walang label kung ano ang meron sa kanila, but Grace calls it friendship magaan daw ang loob nito sa kanya, bagay na nakakapagtaka, nito lang may nagsabi sa kanya na nakakagaan siya sa loob. Kung saang particular doon? Hindi siya sigurado, baka ang kanyang kasungitan.

"Do you like sports?" tanong nito habang sabay silang naglalakad papunta sa gym.

"Not really,"

"Buti ka pa, ako hindi talaga, ayoko sa mga bola na lumilipad, noong elementary ako, exempted ako sa PE kasi meron akong asthma, pero gumaling na ako, kaya wala na akong choice kung hindi ang mag PE."  Tinanguan niya lamang ang reklamo nito. hindi siya pwedeng maglaro noon dahil sa kanyang sakit , ng makarecover naman siya sa sakit sa puso, nagkaroon naman siya ng narcolepsy, kaya imbes na mag-aral sa isang normal school, sa bahay na lang ang naging eskwelahan niya.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon