TPS 7: chat

54.3K 1.2K 31
                                    

#unedited

Ran first

Ren second

Ron third, ok?

..............................

TPS 7:

Ilang oras din na sa loob lang ng kwarto si Ran ng maisipan niyang bumaba. Nagulat pa nga siya ng makita pa rin sa kanilang living room si C, yung classmate ni Ren, busy sa sangkatutak na broadsheet na nakakakat sa kanilang living room, isa isa nitong binabasa ang bawat pages at ginugupit ang mga iyon.

Napansin lamang siya nito ng maupo siya sa tapat nito,

"You're alone?" hindi niya kasi makita ang kakambal, supposed to ang mga partner ay dapat magkatulong pero wala ang anino ni Ren.

"Umalis kasi yung Abnor-" bigla nitong natutop ang bibig para hindi maituloy ang sasabihin nito.

"Don't worry, I call him worst," sagot niya dito as she usher her to go on,

"so yun nga yung mayabang mong abnormal na kapatid na ang kapal ng mukha ay umalis na matapos may tumawag sa kanya, importante daw? Bakit tong ginagawa naming hindi ba importante? Grades kaya namin ang nakakasalalay dito, hindi naman kasi ako katulad nyo na mayaman, scholar lang ako at pinapaarala ng sarili, kaya hindi bagay sa akin ang mag hayahay lang...mahahayahay din yung grades ko, Naduduling na nga ang mata ko sa kahahanap ng 50 articles, tapos siya nag disappear? Diba ang unfair lang ng abnormal na mayabang at makapal na mukha mong kapatid? Hindi naman ibig sabihin na sa kanya lahat ng materials hindi na siya gagawa, diba dapat gagawa din siya?" huminto rin ito ng makaramdam ng pagkahingal. Pakiramdam ni Ran siya ang naubusan ng hininga dito eh."Ay sorry, kapatid mo pala yun," kinagat nito ang labi matapos ang mga sinabi nito.

Nagkibit balikat lang si Ran.

"So what will you do to get even?"

"Ha?"para naman itong nabingi sa narinig.

"Tama ba ang narinig ko, gusto mo akong gumanti?" panigurado nito, sinamaan lang ito ng tingin na Ran, napangiwi na lang si Candice,"Di mo ugaling mag ulit ng nasabi mo na diba?" panigurado nito na marahan na tinanguan lang ni Ran. Talking to thos stranger, gives her a new vibes, parang bagong environment, parang sinasabi sa kanya na ganito ka exciting ang mga tao sa labas. Crazy but enjoyable, yes she is enjoying talking to her.

"Ok lang ban a suntukin ko siya? Kahit isa lang sa mukha? Kasi sobrang inis ako sa mga pang-aasar niya eh, o kaya naman sipain ko sa dibdib, para bumait ng konti ang puso niya, kasi masyadong brutal eh, malupit sa mga mahihirap."

Parehas pala silang may pagkasadista sa katawan ng babaeng kaharap, si Ali, inis din kay Ren, but she never heard her talked this way, unlike this girl, wala man lang papuri na lumalabas sa bibig patungkol sa kanyang kakambal.

"Trust me, kayang kaya ka niyang iwasan, he is a blackbelter in taekwondo for nothing," nakitaan niya ng takot ang mga mata nito, pero napalitan ng pag-ismid, nag-iisip kung paano makakaganti sa kanyang kapatid.

Patuloy ito sa ginagawa, habang siya nakamasid lamang,

"Why don't you talk all the credit in this," she suggest, kaawa awa naman kasi ang ginagawa nito, mas madali sana kung may katulong, pero wala ang kanyang kakambal, nasa piling malamang ng babaeng kanyang kinaiinisan.

"Ha? Mas magagalit yun,"

"Much better, I love it when he look miserable," Hindi makapaniwala si Candice sa nakakalokong ngiti ng magandang kapatid pero masungit ni Ren. Hindi siya makapaniwala na isusuggest nito na wag isama si Ren sa gumawa ng project. Nakakaloka.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon