TPS 12: good girl

48.6K 1.3K 80
                                    

Motto: kapag may update, may update, kapag wala , pasensya,"

#teamyuran #teamdexran 

#undited

………………………..

TPS 12:

 

“Aray!”  Napahawak pa rin si Yuan sa kanyang mata, nagulat naman din si Ran sa kanyang ginawa. Nabigla kasi siya sa sobrang paglapit nito sa kanya, at ang ginagawa nitong lagi na pagngiti  sa kanya at pagpapakita ng dimple, inis siya dito, pero alam niya naman na sobra ang ginawa niyag pagsuntok dito. Hindi naman siya ganoon kaseryoso kanina nang sinabi niya kay Ren na masusuntok niya ang nagbandera ng kanyang pangalan.

“That hurts!” komento ng mga tao sa paligid na nakikisimpatiya kay Yuan, hindi naman siya nakarinig ng kung anong masamang salita dito, kung hindi pag-daing lamang.

“What did you do? Ang sakit noon, bakal pa naman yang kamay mo,” sabi ni Ali sa kanya, worried din sa kanyang nagawa. Sa first day pa talaga niya sa university.

“Pwedeng pahiram ng salamin?” dinig niyang paki-usap  ni Yuan, naglabas ang ilang babae ng kanilang compact para ipahiram kay Yuan, isa doon ang kanyang kinuha.

“salamat,” sagot niya doon, tinanggal na ni Yuan ang takip sa kanyang mata para sipatin ang naging bunga nito. tintignan nito bawat anggulo, nakatingin ang lahat sa kung ano ang magiging reaction nito. Pansin kasi ang pamulmula noon.

“mag-sorry ka,” utos sa kanya ni Ali, nilingon niya ito para pagtaasan ng kilay.

“Why will I do that?” alam niyang dapat , pero hindi niya gagawin…she knew him, lalaki ang ulo nito at iba ang iisipin.

“Sinuntok mo siya minutes ago, don’t you think he doesn’t deserve an apology?” pangaral ni apong Ali, minsan kasi, mas masermon pa ito sa kanyang mommy.

Isang flat na NO ang sagot niya dito, bigla na lang may humawak sa kanyang baba, iniharap iyon sa lalakeng walang kadaladala.

Magkaharap na naman ang kanilang mukha, nakangiti na naman ito na parang baliw. Pinapakita na naman nito ang mga dimple nito na parang tinusok ng chopstick sa lalim.

Annoying.

Malinaw na ang pasa sa mata nito na nahagip niya…kung mas napalapit pa iyon ng konti, serious injury ang kalalabasan nito at malamang ma kick out siya sa kanyang first day ng klase, ni hinid pa nga nag-uumpisa maglecture ang mga prof.

“Pasalamat ka, gwapo pa rin ako kahit nasuntok mo, pero mas pasalamat ka dahil mahal na mahal kita,” mahinang bulong nito sabay kindat.

Nakakaasar.

 

She can give him another punch for doing this to her…matalim niya itong tinitigan, nakakapagtataka rin dahil hindi niya magawang maiaangat ang kanyang kamay. Nakita niya na lang na hawak pala iyon ni Ali…

“Let go,” utos niya kay Ali, pilit na ngumiti lang ito.

“Ayaw mo naman siguro na makuhan ka nila ng video kung paano ka nambugbog ng kakase diba?” tumingin siya sa paligid at nakaharap nga sa kanila ang cellphone ng ibang kaklase, Sinamaan niya ng tingin ang mga ito. Epektibo pa rin pala dahil ibinaba ng mga ito ang kani-kanilang phone.

“Oops time out muna padating na ang prof,” inakbayan ni Topher si Yuan at nilayo kay Ran, baka kasi muli na naman itong masuntok.

“Hi my name is Topher, at kaibigan ko tong- may black eye na ito,” he  pointed at Yuan, inilahad niya lang ang kanyang kamay na tinignan lang naman ni Ran.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon