TPS 16: face off

41.4K 1.1K 41
                                    

Q: kailan magstart ang the law of love?

A: kapag posted na ang epilogue ng the princess stalker 

Q: kailan start ng i want may stalker back? 

A: kapag posted na epilogue ng the law of love...

---enjoy nyo muna sina Ran, Yuan at Dexter, moment nila ngayon, may kanya kanya silang moment, yun ay kung mahihintay nyo, kung hindi okey lang naman:)

promise, titiyakin ko na maadik kayo sa kakulitan Ren doon, si Ron, secret muna....

#unedited

……………………………..



TPS 16:

Tinignan ni Ran ang lalaking nakahawak sa balikat ni Dexter, lumingon naman ang huli para makita ang umabala sa sinasabi nito sa kanya.

“What do you want?”  tanong nito, kung kanina kinapitan lamang nito si Dexter, ngayon hinihila na niya ito patayo.

“Let’s talk,”

“Ano ba Josh, nagugusot ang damit ko,”  reklamo nito ngunit wala ng nagawa ng hilahin ng kasama.

Napailing na lang si Ran, kahit paano natuwa siya ng sumulpot ito, baka saan na kasi mapunta ang usapan nila ni Dexter. Ayaw niya kung saan man iyon balak mapunta. Kay Ali na rin nanggaling na marami na itong naging girlfriend, marami na rin itong napaiyak, at wala siyang balak sumali sa listahan nito. For Ali, alam niya ang kanyang ginagawa, sa tingin niya hindi naman nito kailangan ng payo niya. Hindi rin naman siya magaling pagdating sa bagay na yun.

Inirapan niya lang ang mga nakatingin sa kanya, mukhang hindi magsasawa ang mga ito sa panonood sa bawat kilos niya. Tinaasan lang niya ng kilay ang mga bago niyang naririnig.

“Kunwari pa siyang masungit, it’s her way to flirt!”

“Can’t believe na kinakausap din siya ni Dexter, sa bagay she is their friend’s twin.”

“Baka nakikisama lang”

“Guys labas kayo, may magandang mangyayari sa labas!” sigaw ng isa nilang kaklase na babae, nagsilabasan naman halos lahat. Samantalang siya, walang pakialam, mas iniintindi niya ngayon ang antok na nararamdaman. She grabbed her phone, para matawagan si Ali.

 

Damn , bakit ngayon pa….she said bago lamunin ng antok.

………………………….

“Nasisiraan ka na ba talaga?” tanong ni Josh kay Dexter matapos nilang makalayo kay Ran, sinabihan niya na kasi ito, pero heto pa rin at nagpapadala sa nararamdaman daw nito.

“Hindi ako nasisiraan, I told her na gusto ko siya, na gusto kong ituloy ang nangyari sa amin noon.” Diin ni Dexter dito.

“Pero alam mo naman na sinabi ni Ren, nilinaw naman niya atin na wag kataluhin ang kapatid niya, kilala mo yun, pag nalaman noon na may balak kang pormahan ang kapatid niya, tiyak magagalit yun, mag-aaway kayo!”  Frustrated na sabi ni Josh, matagal na rin silang magkakaibigan ay ayaw niyang masira yun. Kilala niya si Ren, mabait na kaibigan pero masamang magalit. Ito rin d aw ang dahilan kung bakit kahit dati pa hindi nito pinapakilala ang kakambal sa kanila.

Alam ni Dexter na una pa lang na kita niya kay Ran ay nabighani na siya Dito. Hindi nya man lang alam ang tunay nitong pangalan, hindi na ito naalis sa isip niya. Ang tanga nya lang dahil hindi niya nalaman na sikat pala itong modelo. Hindi naman kasi siya mahilig sa mga damit at gamit pang babae, iyon ang dahilan kung bakit hindi man lang niya napansin ang mukha nito na nakabalandara na sa kanyang harapan, and maybe, he is looking for the girl who look like an angel that day.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon