TPS 11: pag-ikot

46K 1.2K 46
                                    

#unedited

…………………………….

TPS 11: 

 

Did you see her face?” nakangiting tapik ni Yuan sa katabi nitong si Topher, amuse na amuse sa reaction na nakita sa mukha ni Ran.

“Oo, kitang kita ko ang kanyang murderous look, kung paano niya gustong gilitan sa leeg ang may pakana sa pagkakabandera ng pangalan niya dito sa bukana ng university” Topher answered sarcastically, pero wala lang sa lalaking katabi dahil ang mga mata nito ay nandoon parin kay Ran habang kinakausap ang isa nitong bodyguard, matapos yun umalis na ito, sumunod dito ang kasama nitong babae na Ali ang tawag niya.

“Mukhang ipapatanggal na nila ang kalokohan mo,” tukoy pa rin ni Topher sa banner na nilagay nila. Silang dalawa ang halos ang nag-bukas ng school para lamang mailagay iyon. Kahapon pa siya niligawan ni Yuan para saw sa operation 101 nito, buong araw itong nakabuntot sa kanya.

 Bakit kasi hindi siya nakapagtago gaya ng ginawa nina Bono at Jackson, natunugan kasi ng mga ito ang nakakahiyang pakulo ni Yuan kasi nagtago ng mainam para hindi mahingian ng tulong. Inggit na inggit talaga siya sa dalawa, siya lang naman talaga ang malambot na after ng sampung pagmamakaawa ay napapapayag na. Inaantok man, sinundo siya nito sa school, kahit na 10 am pa ang kanyang pasok. Niligawan nila  ang mga bodyguard , nanghiram ng hagdanan ang kung ano ano pa na ayaw niya ng maalala.

“OK lang at least I got the attention that I wanted,” nakangising sabi nito ,”tara sundan na natin, excited na akong maging kaklase siya,” titignan muna nito kung anong mga klase ni Ran, mahirap kasing makuha ang sched nito hindi siya umubra sa registrar ang pagpipilit nito, saka lalo pa siyang pagdududahan kapag patuloy pa siyang mangulit, kaya naman mag -aadd and dropping na lang  siya ng klase para magkaroon siya ng chance na maging kaklase ito.

Di nakaligtas kay Yuan ang mga bulungan habang papunta sila ni Topher sa building na tinungo ni Ran, kahit hindi niya kasi kilala nginingitian niya. He has this bright aura, lalo na ngayon na masayang masaya siya. Dito mag-uumpisa at sisimbol ang kanilang buhay pag-ibig ni Ran. Minsan nababaduyan din siya sa sarili pero….tinatawanan niya na lamang ito, mas hindi nga kaya ang walang gawin at manahimik na lang.

“Good morning, Topher friend mo?” tinawag si Topher ng mga kaklase niya dati na mga babae habang ngiting ngiti na tinuturo si Yuan, nauna na itong naglalakad habang siya ay natigil para sagutin ang mga tanong nito. Sa college kasi mas may edge kung marami kang kilala, kahit pa sa iba silang college department o ibang building.

“yup, bestfriend ko,”

“Dito na rin ba siya mag-aaral?” excited na tanong ng mga ito na ng kanyang kompirmahin ay pinaulanan na siya ng ibang tanong.

“Ang gwapo niya? Single ba?”

“Pakilala mo naman kami,”  sabi pa ng mga ito, Too bad dahil hindi sila papansinin nito.

“Tophs! Bilis!” tawag sa kanya ng kanyang baliw na kaibigan kaya naman madali siyang nagpaalam sa mga ito ng hindi na nasagot ang mga tanong,

“Bagal mo, unang araw pa lang lumalandi ka na,” tukso nito sa kanya, kinutusan naman niya ito.

“Hindi sila interesado sa akin, ikaw ang tinatanong nila,” nagkibit balikat lamang ito sa kanyang sagot. Sorry girls hindi interesado.

 

………………………………………………………………………………………………….

“ito na yung room, “ turo ni Ali sa tapat ng hinintuan nilang room, mahigpit ang hawak  ni Ran sa kanyang handbag, nalulula siya sa atensyon, ang dami kasing mata ng nakatingin sa kanya. Tinitigan  siya mula ulo hanggang paa, maging yata ang pagkakakulot ng dulo ng kanyang buhok at tinitiganan ng mga ito.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon