TPS 50: blood, tissues and issues

45.5K 1.1K 84
                                    

Paano ba yan?

kapit YuRan

till chapter 54+epilogue

maraming error kasi antok na ko talaga...pumapalya pa si lappy

#unedited





***

TPS 50:

"Home?" tanong sa kanya ni Ren pagkapasok niya sa kotse nito, tinext niya ito na sunduin siya, malapit lang naman ito at nakapunta agad.

"Where else?" mataray na sagot niya dito. Matapos ang nangyari sa loob, wala na siyang ganang pumasok pa sa klase. Posibleng mabunton nya ang galit niya sa iba, bagay na pilit niya ng iniiwasan at maramdaman sana, until this girl happened.

Nagpupuyos ang kanyang kalooban, tumingin lamang siya sa labas, buti at tahimik lamang ang kanyang kakambal. Alam nito kung saan lulugar ngayon, malinaw na hindi siya ang kinampihan ni Yuan kanina, hindi siya naaawa kay Bryan, napakaplastic nito. Pathetic because she;s after a guy who can't love her the way she want it to be. Kasalanan nya bang siya ang gusto ni Yuan, hindi niya iyon hiningi na maramdaman! Ano ang karapatan nito na pangunahan siya sa kanyang desisyon kung gaano niya ito kamahal. She's insane, her ideas are too absurd! Nilalamon ito ng kawalang pag-asa kay Yuan kaya naman siya na ang kinausap.

"Ran!" nasa utak nya ang galit na galit nitong mukha , isama pa ang banta nito kaya naman, nawalan siya ng lakas na sundan ito. Pero bakit nga ba siya panghihinaan ng loob, hindi ito ang tagpo na inaasahan niya, hindi ang paglayo na naman sa kanya ni Ran.

"Yuan." Tawag ni Bryan, nakasunod ito hanggang sa labas, humarang ito para hindi niya mabuksan ang kotse. Hangga't maari, ayaw niya muna itong harapin, ayaw niyang makapagsalit dito ng hindi maganda, pero kung magiging mapilit pa rin ito , at hahadlang sa kanyang daraanan, hindi na siya makakapagtimpi.

"Tabi!" utos niya dito, hindi dahil sa itabi niya ito mula kay Ran ay kampi na siya dito... Ayaw nya lamang na makasakit pa ito at makukuha ng masamang impresyon sa paligid.

"Wag mo na syang sundan, wag mo na syang puntahan, sa akin ka na lang," matalim niya itong tinignan, hilam na ang mata nito dahil sa luha, idagdag pa na namumula ang pisngi nito dahil sa lampas ng sampal ni Ran.

"Alam mong mula umpisa kung sino ang gusto ko, at hindi magbabago yun, kahit sa iyo pa, kahit ikaw pa." Madiin nyang sabi nito, nanghina ito sa kanyang sinabi at napa-atras.

Mahilig kasi itong magbiro mga bata pa lamang sila, sinasakyan nito madalas ang tuksuhan ng kanyang pamilya, pero okey naman ito kapag kinukwentuhan niya tungkol kay Ran...hindi nya alam kung bakit naging ganito ito. Hindi ganitong kaibigan ang gusto niyang magkaroon, hindi sisira ng relasyon na matagal niya ng pinangarap, ang kailangan niya ay suporta ng isang kaibigan, hindi ganito.

Hindi ganito.

"She's bad for you-" mabilis niyang pinutol ang linya nito, nagulat naman ito sa paghampas niya sa bubungan ng kanyang kotse.

"Anong karapatan mo para magdesisyon ng ganyan! Ako ba ikaw? Ikaw ba ang nakakaramdam? Who give you the right to judge her? Hindi mo siya kilala, kaya please hangga't matino pa ang isip ko, umalis ka sa harap ko." Tinulak niya ito at mabilis na pumasok sa kanyang kotse, nahampas niya ang manibela ng hindi siya agad makalabas sa parking lot.

"Shit!" ang tanga niya para isipin na magiging okey ang lahat, pinangahawakan niya ang sinabi ni Bryan sa kanya kagabi. Malamang iba na ang iniisip ni Ran sa kanya ngayon, mahihirapan siyang suyuin itong muli. Kahit hindi siya sigurado na haharapin nito, pinuntahan niya pa rin ito sa bahay.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon