TPS 51: will be good for him

39.8K 1K 64
                                    

##unedited

6/04/2015

***

TPS 51:

Sinenyasan ni Jett na huminto muna sa pagsasalita ang kanyang P.A. ng makita ang numero nga boyfriend ng kanyang anak, si Yuan sa kanyang phone. Mahigpit ang bilin niya dito na tatawagan lamang siya kapag importante ang sadya, and that concerns Yuan.

Mabilis siyang nilukob ng kaba ng maranig ang kabadong boses nito sa kabilang linya.

"I need help nakidnap po si Ran!"

Nangyari na ang kanyang kinatatakutan, pinatayan na rin siya ng linya nito, sa tingin nya hinahabol nito ngayon ang mga kidnaper ni Ran, naiwasiwas niya ang laman ng kanyang mesa sa sobrang galit.

"Call the special team! Anong ginagawa ng security ni Ran?!" bulyaw niya sa kanyang assistant, palabas na sila ng biglang pumasok si Clem kasama ang  dalawang bodyguard, base sa luhaan nitong mga mata, alam na nito ang nangyayari.

"Nasaan si Ran? Napatay ang isa niyang bodyguard." nilapitan niya ito agad at niyakap, nanginginig ito katulad niya. Hindi dapat siya magpakita ng kahinaan sa harap ng asawa. Ganito ang nangyari noon, parang naulit lamang...sana muling makabalik sa kanila si Ran.

"Maibabalik natin siya sa atin, i promise." Hinawakan nya ang mukha ng asawa at sinserong nangako dito, dahil gagawin at gagawin niya talaga ang lahat para makuha ang anak. Magututuos sila ni Z, tatapusin nya ang multo na ginawa nito sa kanilang pamilya, kahit bawal sa batas ng Diyos, gugustuhin niya na siya na ang pumatay dito. Sa ganoong paraan mapapanatag ang kanyang loob na hindi na makapanggugulo muli.

Dumating din ang nag-aalalang si Ren.

"Trace her watch." Utos ni Jett sa anak, kahit alam naman nya na agad nitong gagawin iyon. Dapat malaman na nila kung saan dadalhin si Ren, he knew that they are not after his money, at least si Z, pero ang mga tauhan nito, tiyak niya na may pera na halaga ang mga iyon.  Mga takas din ang mga naging kaalyansa nito, mga halang ang kaluluwa at handang pumatay para sa kasiyahan.

Bigo na nilahad ni Ren ang kanyang kamay.

"Sorry dad, hindi nya sinuot," sa palad nito nakalagay ang relo na may tracker, pero may paraan pa , makakagawa pa sila.

Pumunta sila sa istasyon para mareview ang mga CCTV, kumikilos na rin ang mga pulis at nagsasagawa na ng inspeksyon. Pinilit ni Jett ang asawa na maiwan sa bahay para bantayan ang dalawa pang anak, si Ren ang kasakasama niya na nagwawala dahil sa pagkabigo na makita ng kinaroroonan ng kapatid.

Jett prayed, paulit-ulit...hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Ran, sinuong niya ito sa panganib, kasama si Yuan sa pagaakalang handa sila sa pag atake ni Z, ang lalaking obsess sa kanyang asawa, pero hindi, ang mga alagad  nito ay nakalusot sa kanilang security, namatay ang isa at nasa ospital pa rin ang tatlo.

"Hello, may balita na kayo?" mabilis na tanong ni Ren sa kabilang linya, agad naman itong bumailing sa kanya."Dad let's go, alam na ng mga kaibigan ni Yuan kung nasaan sila, papunta na sila doon." Mabilis na sabi nito, wala na silang sinayang na sandali, kasama ang mga pulis, nagpunta sila sa Batangas, naabisuhan na rin ang kapulisan doon sa kanilang operation.

Sana talaga sa pagkakataong ito, mahuli na si Z.

Tago ang lugar na iyon, halos kasabay nilang dumating ang mga kaibigan ni Yuan.

"Pumasok na tayo!" sigaw ni Bono na agad sinaway ng mga pulis, wala itong nagawa kahit sobra itong nag-aalala sa kanilang kaibigan, siya kasi ang nakatanggap ng tawag mula dito, humihingi ng tulong.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon