TPS 22: Monday

40.2K 1.2K 63
                                    

Posted again, di ko alam bakit nabura, buti na lang sa word ako nagsusulat.

Bitin, inuunahan ko na ang magsabi ng bitin, buburahin ko, hahaha, paki explain, I LAB U!

#UNEDITED

TPS 22:

 

"Saan ka galing at abot hanggang langit yang mga ngiti mo?" puna ni Topher, dito kasi nila napag-usapan na tumambay sa bahay nito, may court ito sa bahay at nagkaisa sila na magpapawis.

"Sa mga in laws ko," sagot niya bago uminom ng tubig, binato naman siya ni Bono ng pawisan na towel sa mukha, kahit amoy pawis nito iyon, hindi niya magawang maasar. Sandali pa napalibutan na siya ng tatlo.

"Nagawa mo yun?"  si Topher, tinanguan niya ito.

"Talaga? Na kaya mong harapin ang mabangis na daddy nya?" paninigurado ni Jackson, iba kasi ang aura nito kapag nasa television o business section. Nakakatakot. Hindi niya nga maintindihan kung bakit kinikilig dito ang mga tita nya eh.

Napangiwi si Yuan sa narinig, napakamot sa kanynag ulo.

"Wala yung daddy niya, yung mommy niya lang ang nandoon,"

"Kaya naman pala ang lakas ng loob mo, wala yung dragon," sabi ni Jackson natatawa. Napilit siya nito na ikwento ang lahat, tawa nga ng tawa sa sa kapatid ni Ran na bunso. Hindi niya na lang sinama yung part na hinalikan niya muli si Ran sa pisngi bago siya umalis.

Tiyak na babansagan pa siyang manyak ng mga ito, baka maging second name niya na iyon.

"Mukhang mayroon ka pang hindi kinukwento," akusa ni Bono sa kanya

"Wala na, that's all that happened,"

"Talaga?" akusa ni Topher "hindi ka na naman nagnakaw ng halik," napalunok siya sa sinabi ni Topher, hindi niya na kailangan sumagot dahil bistado na siya.

"Sabi ko na eh, manyak talaga!" si Bono ng tawa-tawa, kinuha niya ang gamit," Uwi na ako," paalam niya sa mga ito...iiwas niya na lang ang sarili na maasar ng mga ito. Baka sumama ang mood niya. Tinawag siya ng mga ito pero hindi na siya lumingon pa.

Excited na siyang mag Monday!

...........................................

"Ate had a pangit visitor," Si Rojan ang nagdaldal sa kanyang bisita, pinili talaga nito na nandoon na ang daddy nila at si Ren. Nasa hapagkainan sila for dinner.

"Who?" tanong ni Jett na hindi man lang kinorek ang tawag nito sa bisita.

"Yuan."  Sagot nito, maakusang tumingin si Ren kay Ran.

"Pinapasok mo?"  nakatingin din si Jett sa isasagot ng anak, dahil ang totoo, hindi siya natutuwa.

"Ako ang nagpapasok sa kanya?" sagot ni Clem, pagkalabas ng kusina, bitbit niya ang dessert. Masaya siyang naupo habang masama ang tingin sa kanya ng anak at asawa.

"Why? Tao siyang pumunta rito kaya tinanggap ko siya, "nakangiti ako, habang nilalagyan ng fruit salad ang platito ni Rojan, nakanguso din ang katabi nito.



"But-" sasagot sana si Jett pero muling nagsalita ang asawa.

"Mas maganda na dito siya nanliligaw kaysa naman sa labas, right Ran," nakatingin lang si Ran sa kanyang mommy, hindi niya alam kung paano ito sasagutin, kanina pa kasi nito binibuild up si Yuan, nabibingi na nga siya sa pangalan nito.

"Nanliligaw siya sa anak? Hindi naman ako pumayag ah!"  ibig magwala ni Jett sa narinig, ilang araw pa lang at heto na ang balita , ang masamang balita na kanyang malalaman? Hinawakan ni Clem ang kamay nito para pakalmahin.

"Noon pa, pumayag na ako sa batang yun, wala ka pa," agad naman na binawi ni Clem ang sinabi ng mabakas ang lungkot sa mukha ng asawa. She didn't mean it that way," I mean noong hindi ka pa bumabalik sa buhay namin, sobrang persistent kasi, kaya sana wag ka ding maging hard sa kanya," hindi iyon sinagot ni Jett, mahirap ang hiling ng kanyang asawa kahit pa gusto nya lagi na ibigay ang gusto nito.

"Right Ran?" sa kanya naman bumaling ang kanyang mommy, nagkibit balikat lamang siya. Tahimik na ang mesa, ang mommy nya at si Rojan lamang ang halos nag-uusap.

Paakyat na si Ran sa kwarto nito ng tawagin ni Jett.

"Yes dad,"

"Ano" bago pa ito kapagsalita ay niyakap na ito ni Clem, nag-aalala ito sa kung anuman ang sabihin nito. Gusto niyang makausap ito, hinila niya ito sa kanilang silid. Napaupo si Clem sa kama habang frustrated na palakad lakad ang asawa.

"Kumalma ka nga please?" pakiusap niya dito. Tumigil ito sa kanyang harapan, nakapameywang.

"How can I calm down? Inaagaw na ang anak natin ng kung sinuman!" natawa si Clem sa reaksyon nito.

"Yan, sayo nagmana ang mga anak mo na lalake, it sucks to be the only girl, kawawa naman ang baby ko nasasakal na sa inyo,"  tumayo si Clem at niyakap ito sa beywang, nakanguso ang asawa na nakatingin sa ibang direksyon.

"Wag ka ng mag-alala masyado, Ran is in good hands," Clem assured.

"Paano ka nakakasiguro? Paano kung saktan niya ang anak ko," worried na tanong ni Jett pabalik.

Sunod sunod na umiling si Clem.

"Trust me this time, malinis ang intesyon ni Yuan, maniwala ka sa akin, walang iba na magmamahal kay Ran katulad ng sa kanya," hinalikan ni Clem ang labi nito," he will give her the world if he can," hinalikan muli nito ang asawa. Sure na talaga siya this time na susuportahan niya si Yuan, she trust her instinct, pati ang admiration sa mata ni Yuan habang nakatingin sa kanilang masungit na prinsesa.

Hindi na siya nagtataka ng mas hinapit siya ng asawa palapit dito, di niya tuloy itong mapigilan na tuksuhin..

"Uy, Hindi na siya galit, iba na," umirap naman ito.

"Galit pa rin, pero sabi noong isa, siya muna daw ang ilabas ko."

"Eh di okey, susuyuin ko din."



..............................................

"Why are you looking at me like that? " sabi ni Ran kaharap ang bigay ni Yuan na teddy bear, nakaupo ito sa kanyang kama.

"Mukha kang baliw, just like your original owner." Pinitik niya ito, naalala niya ang ginawa ni Yuan na paghalik sa kanya, sa kanyang inis, kinuha niya ito at binato sa pinto. Tumama ito,

I miss you Ran.

 

Bigla niyang narinig iyon. Tinitigan niya ang nasa lapag na bear, nakadapa ito sa lapag, parang tao na napagalitan. Tumayo siya saka kinuha ito, saka niya napansin ang nakalagay na press me.

Pinindot niya iyon.

I like you Ran.

 

Pinindot niyang muli.

I love you Ran.

Boses ni Yuan iyon, napailing na lang siya sa kabaliwan ng lalake na iyon.  Dinala niya na ang bear sa kanyang kama. Inilapag niya ito doon sa kayang tabi, paupo.

Pinitik nya ang ilong nito.

"Idiot."  Sabi niya saka pumikit. She secretly hope that it is Monday tomorrow.

 ......................

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon