TPS 30: coming soon

44.9K 1.2K 69
                                    

Sa mga nanghihingi ng update sa kay Ren( the Law of love) hindi niya po panahon , kapag tapos na ang Yuran, konti na lang naman...gusto ko sa kanila naman ang spotlight next time, titiyakin ko na mababaliw kayo kay Atty. saka sa makulit,gwapo at pinakamayabang na busineman, pakihanda yung extra panyo at pant-opps delete the last letter...

my last update for today!

#unedited

#Yuranpamore

...........

TPS 30:

"You're not mad?" hindi mapigil na tanong ni Ran kahit nakangiti ang kanyang ina. Iba pa rin kasi kapag nalaman niya mula rito ang totoong pakiramdam niya nito.

"Why would I? It is the cutest thing ever, wag lang muna natin sabihin sa daddy mo, mag hihysterical yun." Napatawa naman si Ran sa sinabi nito. Her daddy can be exaggerated sometimes.

"So how did it started? The liking part?" umupo na si Clem katabi ng anak, excited sa mga ikukwento nito.

"Mom!" umirap siya dito, nahihiya sa kwento an gustong marinig.

"My daughter is shy," tukso niya sa anak bago ito niyakap. Bilang isang ina, natutuwa sya dahil may nagpapasaya na sa kanilang anak, mas ngumingiti na ito ngayon.  Hindi niay ito matatawag na pangungusinte, iba iba lang talaga ang paraan ng pagpapalaki at paghubog ng kanilang mga magulang sa kanilang anak. She chose this way. Gusto niya na  araw araw may ngiti sa labi ang kanyang anak, para na rin malimutan nito ang problema nito.

"Pwedeng pasama sa hug?" parehas silang napalunok sa bunso na nakalabi, kagagaling lang nito sa school at naka uniform pa. Tinawag naman ito ni Clem, niyakap at pinaliguan ng halik. "Tampo ang baby ko?"  Umiling naman ito.

"No, I just need a super hug from the best girls in the world," malambing na sabi nito sa kanilang dalawa. Napuno ang kwarto ni Ran ng tawanan...

............

"Baby!" sinalubong agad si Yuan ng kanyang mommy ng mahigpit na yakap, dinaanan niya muna ang kanyang regalo para dito bago umuwi. Tuwang tuwa nga ito dahil finally daw dininig ang dasal nito na wag na siyang magmotor dahil malaki ang takot nito sa mga nababalitaan na naaksidente  at yung mga binabaril na nakamotor.

Hindi niya na lamang sinabi ang dahilan na dahil kay Ran kaya nagbago ang isip niya. Ayaw naman niya rin na sumama ang loob ng ama.

"Wag mong masyadong binibaby ang anak natin, kaya wala paring girlfriend eh, inaayawan ng mga babae," komento ng kanyang daddy. Sabay sabay na nagsiubo ang tatlo niyang kaibigan, nauna pa ang mga ito sa kanya at kumakain na sa handa ng kanyang mommy. Masarap kasing magluto ang kanyang mommy, kaya nga dati napabayaan siya sa kusina. Siya na lamang talaga yung nakipag break sa kusina, dahil gusto niyang maging mapayat-at dahil na naman yun kay Ran.

"Hindi nyo lang po alam uncle, hinahabol siya ng mga babae, type na type ang dimple nya at ang singkit na mata." Si Bono na ang daming laman ng plato, puro halos dessert iyon.

"Talaga? Bakit wala man siyang naipakilala?" usisa ng ama, ang mga kapatid niya ay nakiusyoso na rin. Gusto niya sanang imbitahan si Ran, kaya lang baka matakot yun sa kadaldalan ng kanyang pamilya kaya hindi na lang niya inimbitahan si Ran, saka imposible pa sa ngayon na makapunta ito.

Nilapitan niya si Bono para sana patigilin sa pagsasalita, kaya naman si Jackson ang sumunod na humirit.

"Uncle, isa lang kasi yung hinahabol habol niya , yung crush nya nong kinder si Ran Romualdez," napaisip ang buong pamilya, lalo na ang kanyang ama, saka napangiti ng malapat.

The Princess's  Stalker (completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu