TPS 43: watching

41.5K 1K 35
                                    



#unedited

....................



TPS 43:



"Will you stop kissing my ate in front of us, napapagod na akong takpan ang mata ng batang makulit na ito," natulak bigla ni Ran si Yuan, nabigla naman ito. Sabay silang lumingon sa iritableng si Ron habang nakatakip sa mata ng pumipiglas na si Rojan.

"Kainis ka kuya Ron!" reklamo ni Rojan, masama naman ang tingin ni Rojan sa kapatid, tumayo naman si Ran, kabado sa nakita ng mga kapatid. Sinamaan niya ng tingin ang kanyang pasaway na boyfriend na tumatayo na.

Kakamot kamot ito ng ulo habang nakatingin sa nakakunot noo na si Ron.

"Hi-hindi mo naman kami siguro isusumbong diba?" nagmamakaawa ang mukha ni Yuan, bakit nya kasi nakalimutan na nandito pa ang dalawa sa paligid? nang dahil kasi sa kasabikan nya sa mapupulang labi ni Ran, ito at mapapahamak pa sila.

Kasalanan talaga ng kanyang pagiging manyak minsan. Kay Ran lang naman!

Umismid pa ito sa kanya, "I won't, but the CCTV will." Turo nito, napalingon doon si Yuan, napalunok siya ng paulit-ulit ng makita ang ilang cameras na nakatutok sa kanila doon.

"You're dead kuya!" ang kaba niya dinagdagan pa ng pananakot mula kay Rojan, hindi naman niya napansin tuloy ang ngisi ni Ran, maghigpit nitong pinipigilan ang matawa sa pagkabahala ni Yuan para kasi itong binabad sa suka.

"Ron Babes! "Naagaw ang kanilang atensyon sa isang sigaw mula sa babaeng kaedaran nito, "Sabi nina manang nandito daw kayo? Anong meron? Pasali naman! Hi ate! Hi Rojan, kay poging kuya" nagtagal pa ang tingin nito kay Yuan, nagtataka siguro sa presenya nito."You look familiar?" nag-isip ito sandali," Alam ko na yung sa bulaklak, ikaw yung nagbigay ng bulaklak kay ate Ran, buti nakapasok ka dito?" napakamot na lang ng ulo si Yuan s a sunod sunod na tanong nito... ano nga kaya yung una niyang sasagutin doon.

"You are so noisy." Supladong sabi ni Ron, tumalikod na ito na agad naman sinundan noong babaeng maraming tanong. Sumunod na rin si Rojan sa mga ito, nagugutom daw ito. Humarap naman si Yuan kay Ran na nakahalukipkip. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito, pero tiyak na galit ang kanyang girlfriend sa nangyari.

"Sorry, baka ma ban ako ni daddy dito." Sabi niya habang magkadaop ang mga palad, pinipigilan niya ang sarili na hapitin pa ito. Lalo naman umarko ang kilay ni Ran sa narinig.

"At kailan mo pa naging daddy ang daddy ko?" napakagat labi si Yuan, paborito niya talagang gawin yun kapag nagigisa siya sa kanyang sariling mantika.

"Malapit na diba? Sinagot mo na ako kaya malapit na malapit na." napailing na lamang si Ran sa sagot nito, baliw talaga.

***

 "Stop looking, lalo lang sasakit yang puso mo," pagbabawal ni Josh sa kanyang kaibigan, kanina pa kasi ito nakatingin sa magkasintahan na nasa court pa rin, hindi alintana ang init ng araw.  Nakita ni Dexter kung ano ang nangyari kanina, alam niyang hindi pa rin ito nakaka move-on sa nararamdaman. Akala niya kasi mababawa lamang iyon, hindi akalain ni Josh na magkakaganito ito.

Inakbayan nya ang kaharap, itinalikod niya ito doon, pagharap naman nila ay nandoon na ang kaibigan ni Ran na si Ali, schoolmate din nila at masasabing kaibigan na rin.

"Pwede ka bang makausap Dexter?"  Tinignan niya ang kanyang kaibigan, maging ang mukha ni Ali na animo kinakabahan. Siya na ang nagexcuse sa kanyang sarili. Napailing na lamang na umalis siya doon.

***

Dinala ni Ran si Yuan sa guestroom para makaligo ito, pawis na pawis ito, salamat sa kanyang kapatid na pinlano itong pahirapan.  Kumuha siya ng damit dito para maibigay kay Yuan, tiyak niya kasi na hindi na iyon isusuot ng maarteng kakambal.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon