TPS 39: clingy

43.8K 1.2K 56
                                    

May gabi talaga na ginugupo ako ng antok...kaya yon nagpadala ako.

dedicated to GRACE SINCERO, advance Happy birthday, May 26, magpagka ulyanin kasi ako , kaya ngayon na..please enjoy this chapter

#unedited



***

TPS 39:

"Sumama ka sa daddy mo sa golf course?" iyon ang naging topic nilang dalawa pagkasapit ng Lunes, naikwento ni Ran dito na talaga palang nakakainip ang laro na iyon. Natatawa naman ito sa kanya.

"Yes, kahit mainit." Muli itong natawa sa kanyang reklamo, nasa room na sila habang naghihintay sa pagdating ng kanilang professor. Hindi pa ito nakuntento at kinurot ang kanyang pisngi, tinampal naman niya ang kanyang kamay nito.

"Why not your mom?"  

"Sa sobrang seloso ng daddy ko, ang labo niyang isama si mommy sa mga ganoon, ayaw niyang may kumukuha ng atenyson ni mommy na iba." Nakakalokong ngumisi si Yuan kay Ran, para kasing may naiisip na naman ito.

"Kaya pala..."

"Kaya pala what?" mataray na tanong niya dito, bahagya niya itong nilingon, nakapangulambaba ito sa kanya.

"Kaya pala noong sabado,"pinutol pa nito ang sasabihin, "may pinagmanahan ka pala," ngumuso si Ran dito, nahihiya siya dahil kung tutuusin tama naman ito. She acted like her father, domineering and impatient. Hindi niya talaga nakayanan na hindi mailabas ang kanyang galit hanggang sa punto na gumamit siya ng kapangyarihan.  Her ninang Pyne joined force with her. Hindi ito nagdalawang isip na pakawalan ang mga talent nito. She even assured her that it was okay. Taliwas naman iyon sa sinabi ng kanyang mommy pagsapit ng gabi, hindi nito nagustuhan ang kanyang ginawa. She understand and she said sory but she can't undo what she had done.

"And what's that mean?" tanong niya kahit alam naman niya kung ano ang ibig sabihin. Gusto niya lamang malaman kung paano nito sabihin.

"Ang selosa at possessive mo pala paano pala kung tayo na?" hinuli ng mapaglaro nitong mata ang kanyang mga mata, buti na lamang at dumating na ang kanilang professor, hindi niya na iyon kailangang sagutin. Mukhang hindi rin naman ito nanghihingi ng sagot, malimit kasi itong mag-assume.

When lunch time came, nakaabang na agad si Yuan kay Ran, hinawakan nito ang kanyang kamay. Imbes na sa canteen sila nagpunta, ibang direksyon ang kanilang tinatahak. Ito na rin ang may dala ng kanyang shoulder bag.

"Where are we going?" di niya mapigil na tanong dito, hinihintay kasi siya ng kakambal sa canteen."Ren will get mad." Nilingon naman siya nito.

"Don't worry, pinaalam na kita sa kanya, pumayag siya."

"Pumayag siya?"

"Oo, close na kami ni bayaw," nakangisi niyang sabi sa babaeng makulit. Pinisil tuloy ni Ran ang ilong nito.

"Stop doing that, and since when did you start calling him "bayaw"?" mataray na sagot niya dito. Tumigil na sila sa isang room. Tumingala muna ito at napaisip, parang hinuhuli sa itaas ang sagot nito.

"Simula noong sa party noong mga bata tayo kung saan niya ako sinuntok," iyon din yung party na kung saan nagnakaw iyo ng halik sa kanya. Sa murang edad pa lamang napakakulit na nito, lalo na ngayon."Yun din yung ni-kiss kita diba?" nagliwanag ang mga mata nito sa sinabi.

"Crazy." Sabi ni Ran at bahagyang lumayo dito, mukha kasing yayakapin na naman siya nito.

"Oh, bakit ka lumalayo?" pang-aasar nito,

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon