TPS 32: this love

44.9K 1.3K 78
                                    

#unedited

This love by g dragon—na marathon ko na naman, addict talaga ako sa kanta na to

...................

TPS 32:

 

Kumuha na rin ng kanyang bangko si Yuan, tumabi siya kay Ran, nakadukdok na rin patagilid, pero wala siyang balak matulog. Plano niya lang na panoorin ito habang mahimbing na natutulog, nakahimbing at maamo ang mukha. Hindi niya talaga akalain na may sakit pala ito, pero ipinagpapasalamat na rin niya dahil hindi naman malala. Kayang kaya naman masolusyunan, gusto niya nga lagi, kung pahihintulutan, siya ang laging nasa tabi ni Ran sa mga ganitong pagkakataon. Hindi siya mapapagod takbuhin ang distansya kung nasaan ito at hindi rin siya magsasawa magdala araw araw ng unan para dito.

"Nandito ka lang pala," napa angat ang kanyang ulo para sawayin ang maingay na pumasok.

"Silence please?" pakiusap niya kay Bono.

"Bakit? Library na ba to?" sarkastikong sagot nito, kasunod nito ang kanyang dalawang kaibigan. Nginuso niya ang natutulog na si Ran.

"Oh? Bakit nakatulog dito yan?" si Jackson sa mas mahina ng boses.  Hindi pa siya nakakpagdesisyon kung ipapaalam niya sa barkada niya na may sakit si Ran. Alam niya na matutulungan siya ng mga ito kung sakali, kahit naman kasi ganito ang tatlo sa kanya, ito talaga ang masasabi niya na mga bestfriend niya.  Bihira talaga yung makakilala ng mga totoo at tunay na kaibigan, hindi yung paliliguan ka ng magagandang salita pero laban naman sayo ang sinasabi kapag nakatalikod ka na. Yung tatlong kaibigan niya? Nilalaglag siya harapan, pero iniaangat naman siya kapag hindi siya nakatingin. Pero sa huli, dapat kailangan pa rin nang approval ni Ran kung gusto nitong ibahagi ang sikreto nito.

Bago niya pa man masagot ang tanong ni Jackson, narinig niya na nagring ang phone ni Ran, hindi pa rin ito, kumukislot para magising. Wala tuloy siyang choice kung hindi ang sagutin ito, lalo na ng makita niya na ang nasa screen ay ang kakambal nito.

"Where are you?" bakas ang pag-alala sa boses ni Ren,

"She's asleep." Tipid niyang sagot.

"Yuan nasaan ang kapatid ko?" matigas na sabi nito. Good to know that his brother in law recognize his voice. Akalain mo yun? Hindi niya na kailangan na magpakilala.

"Nandito kami sa CSBS building, room 244, don't worry, she's fine." 

"I'll be there." Binaba na agad ang phone, napatingin siya sa kanyang mga kaibigan na may mapang asar na reaskyon," binaba na."

"Hala lagot ka na sa bayaw mong hilaw, patay ka na!" pananakot ni Bono namay kasama pang gesture ng kanang hintuturo, para lang bata.

Nginisian lamang ito ni Yuan,

"Parang takot ako," matapang niyang sabi.

"Alis na kami, hindi ka naman siguro hahayaan na mabugobog ng prinsesa mo no?" si Topher na makahulugang tumingin sa kanya. Mukha kasing any minute magiging na si Ran, dahil na rin sa ingay nila, pero hindi talaga mapaplaster ang bibig ni Bono at Jackson. Inakbayan niya na lamang ang dalawa palabas para bigyan ng moment si Yuan at si Ran.

Hindi na nila kailangan ng salita, tinginan pa lang alam na nila ang iniisip ng isa't isa.

"Hindi talaga ako makapaniwala na napilit niya akong kumanta sa stage," si Bono na inaalala ang nangyari sa faculty kanina, sapilitan kasi silang sinama ni Yuan after nang lunch. Akala nila kung ano, yun pala may niluluto na naman itong kabaliwan, at ang masama doon, kasama sila sa kalokohan nito.

"Ayaw mo noon, baka dumami ang fans mo?" pangungumbinsi ni Topher, wala naman kasing masama sa ideya ni Yuan, game sya sa kung ano ang gusto nito. Basta kung saan masaya ang kanyang kaibigan, susuportahan nya.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon