TPS 15: battered, bothered

46.2K 1.1K 34
                                    

#UNEDITED

...........................

TPS 15:

"Hey Ran wait," tinakbo ni Yuan ang kanilang distansya, mabilis din palang maglakad si Ran, mabuti naman at kung tumatabi ang mga nakakasalubong nito sa daan, hindi ito nabubunggo. Nakakapanghinayang nga lamang na hindi niya ito kaklase ngayong araw na ito, Tuesday and Thursday, wala kasi siyang nakuha na subject na pwede sa kinukuha nito, close na daw.

Pero nagawan niya naman na makuha ang schedule nito, matinding pagmamakaawa lamang ang ginawa niya sa kaibigan nito na si Ali. He think na mabait naman yun, medyo may kasungitan nga lamang. Immune na rin naman siya sa masusungit, katulad na lamang ng hinahabol nya ngayon na ilang beses niya ng tinatawag pero hindi man lang maawang lumingon.

Finally, nahawakan niya ito sa braso,

"Bitawan mo ako," mariin na utos nito. She's mad. Ang aga-aga pa lang pero bad mood na ito. Binitawan niya naman ito saka nagmadaling pumunta sa harapan nito.

He block her way, she took a deep breath, nakapikit sa iritasyon.

"Ihahatid kita sa class mo," masuyong sabi niya dito, idinilat na ni Ran ang kanyang mga mata. She wanted to get away from him, or else maibubuhos niya lang ang galit niya dito sa ginawa nito kanina sa harapan ng kanyang mga magulang. Nakakahiya. She's afraid sa kung anuman ang isipin ng kanyang parents and lahat ng yun dahil sa kabaliwan ng lalaking kaharap.

"At sa tingin mo gusto ko yon? Can't you see iniiwasan kita, yet here you are,sinundan mo ako na parang , aso?" she knew it was harsh, pero ganoon niya ito nakikita. Nawala ang ngiti sa mukha nito, nakahawak pa rin sa strap ng bag nito, pawisan na ang makintab nitong itim na buhok. Nakakarinig na rin siya ng mga bulungan sa paligid, saying mean things against her.

Pero ito talaga siya.

Hindi siya magpapanggap para makibagay sa mga tao dito.

"Talaga, aso?" muling tanong nito, hinarap niya ito ng tuwid, magalit na kung magalit. Kung saktan man siya nito dahil sa kanyang nasabi, she knows how to defend herself. May kabutihan din na maidudulot ang pamimilit sa kanya ng daddy niya na matuto ng self defense.

"Yes, like a crazy dog." She sarcastically answered.

Napahawak pa ito sa batok, must be suppressing his anger, saka tumango na parang sumasang ayon sa kanyang pang iinsulto.

"Kung ganoon, pwedeng malaman kung ano akong breed ng aso?" she didn't see that coming, pati ang pag-ngisi nito sa kanya, showing his damn dimples again,"Oh natulala ka na?" stunned indeed, huli na kasi ng mapansin niya na ang kanang kamay nito ay nasa kanyang pisngi nya. He is caressing her face at hindi man lang niya naramdaman.

When she recover, sinipa niya ang tuhod nito, napayuko at napaaray naman ito sa sakit kaya siya nagkaroon ng pagkakataon na makaalis.

"Lunatic" she whisper before he left him.

...................................................

"Battered suitor?" iniaangat ni Yuan ang kanyang mga mata para lamang salubungin ang mapang-asar na mukha ni Bono, nakiyuko din ito sa kanya, nasa kanan nito si Jackson at sa kaliwa naman si Topher.

Umayos siya ng tayo, pilit binabalewala ang sakit na ibinigay ng kanyang mapapangasawa.

"Oh, nandyan na pala kayo, kanina pa kayo?" sa tingin niya kasi kanina pa siya pinapanood ng mga ito. Umiling si Jackson,

"hindi dude, hindi kami kanina lang, kaninang kanina pa, kitangkita naming yung nakakahiya mong ginawa," confuse si Yuan sa ibig sabihin ni Jackson kaya naman, si Bono, ni replay yung ginawa niya kanina sa harapan ng parents ni Ran.

"Okey lang po, wala din naman akong balak na maging tito kayo,Kasi po ang balak ko po talaga mula umpisa ay maging magulang ko na rin kayo kapag naging asawa ko na si Ran,"

Tawa ng tawa ang tatlo, hindi naman niya nakikitang masama ang ginawa niya, it just shows na malinis ang intension niya kay Ran.

"What's wrong with that?" takang tanong niya na nagpahinahon sa tatlo, inakabayan siya ni Bono, naglakad na rin sila para sa kanikanilang subject habang nakikinig siya sa mga pangaral nito,

"Dude, hindi mo dapat binigla ng ganoon ang parents ni Ran, o yung mga gusto mong maging in laws. Hindi mo ba nakita na umusok ang ilong ng daddy niya sa sinabi mo, akala nga naming makakatikim ka ng suntok eh,"

"Kaya kami, nakaabang sa malapit lang para maisugod ka agad naming sa hospital kapag nagkataon, "segunda ni Jackson.

"Sa ginawa mo, nasa watchlist ka na ng dangerous person for their daughter," kahit pa anong sabihin ng mga ito , hindi siya nababahala.

"Talaga, pero noong hinalikan ko naman si Ran dati hindi naman siya nagalit sa akin, sinama ako ng tito ko s aisang birthday party, kaibigan din siya ng daddy ni Ran eh, sayang nga at nasa Australia na si uncle,"

"Hinalikan mo na si Ran dati pa?Aba ang bagsik mo!" may kasama pang hampas sa likod ang sinabi ni Bono, kanina pa siya nabubugbog, yung kanina mapapalampas niya pero yung ngayon, malamang sa hindi.

"alam mo yung masakit?" sinamaan niya ng tingin si Bono.

"May pakiramdam ka ba? Diba hindi ka naman nasasaktan?" panloloko ng mga ito sa kanya, lagi niyang naalala noon, kung paano niya inagawan ng halik si Ran, iniaalis niya na nga lang yung eksena pagkatapos kung saan nakatikim siya sa kapatid nito.

............

Pinili ni Ran na maupo sa tabi ng bintana, halos puno na ang room at may mga grupo grupo pa rin na magkakausap. May klase na rin si Ali, kaya hindi na siya dapat umasa dito. Kakayanin naman niya ang isang oras at kalahati na walang kausap, mas pabor yun sa kanya, kaysa ang kulitin ng sinuman.

Mapalalaki man o babae ay panakaw na sumusulyap sa kanya, hindi man siya nakatingin dito pero alam niya, nakikita niya sa reflection ng mga ito sa salamin, kaklase niya pa rin yung tatlong babae kahapon, mukhang lumaki na ang mga grupo nito. malakas na nagtatawan ang mga ito, at sa kanya nakatingin. Hindi niya kailangang hulaan dahil siya talaga ang laman ng usapan ng mga ito.

"hi Ran, " nilingon nya ang naupo sa kanyang tabi, malawak itong nakangiti sa kanya, ipinapakita din nito ang dimple nito.

She asked herself kung bakit ba siya na kakatuwaan ng mga lalaki na may dimple.

"Buti na lang hindi ko nakuha ang Phillipine History last year, kitam naging kaklase pa kita," halata ang tuwa sa mga mata nito. She's not that stupid to not realize, nasa isip pa rin nito ang nangyari sa fountain, prank lang naman yun para sa kanya, she never thought na mag kukrus muli ang landas nila.

"Bakit hindi mo na suot ang kwintas?" tanong nito sa kanya, niyuko niya ang leeg, gold necklace iyon na may angel na pendant. Regalo ng kanyang mommy.

"binalik ko na yun, sa tunay na may-ari," alam niyang nalilito ito sa sinabi niya," what happened back there, was just a prank to pissed someone," iyon naman ang talagang nangyari? Bakit niya pa papaikutin? Nagiging kumplikado ang bagay kapag ayaw natin masasaktan ang taong sasabihan natin ng totoo, pero kahit dahan dahan, makakapanakit pa rin yun. Sa kanyang ginawa, isang blow na nga lang.

"Ganoon ba? But the kiss-" halata ang disappointment sa boses nito, pinutol ni Ran ang ano pa mang sasabihin nito.

"It was just a kiss, nothing special," napayuko si Dexter, masakit sa pakiramdam, kung kailan pa naman siya nakahap ng isang babaeng ituturing niyang espesyal, ganito pa ang kalalabasan. Tama si Ren, she's really mean.

But, he will not back down, kahit nagbanta na ang kapatid nito sa kanila.

Ran is special for him, kahit hindi niya pa ito kilala, ngumiti na siya at bumaling dito. Napakaganda kahit anong ayos, kahit naka uniform at simpleng make-up.

"I'll make it special then," he declare na nagpatigil dito. Napatigil din siya ng may maramdaman na kamay na mahigpit na nakahawak sa kanyang kanang balikat.

...................................

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon