TPS 29: good to hear

42.8K 1.1K 103
                                    

YuRan pa more? A-Y-A-W!

ang init ng panahon, sabi ni doc matulog daw ako dapat,pero mamaya na lang pag sobrang antok na ako:)

alam ko bitin, kapag mag nagcomment ng bitin sa chapter na tao,lalagyan ko ng malaking nunal sa pwet kagaya ng kay Yuan!~ LAB U!

#unedited



...............................

TPS 29:

 

"Hi," napalingon si Ran sa mahinang bumangga sa kanya. Si Yuan yun, papasok din sa canteen na kagaya niya...kanina lang nakuna nito ang number niya, pero may 100 plus na itong text sa kanyang phone.

Baliw lang talaga kahit na may klase.

As usual , hinihintay na naman siya ng kanyang kapatid. Hindi na lukot ang mukha nito di gaya ng mga nakaraan. Umupo siya sa tapat nito. Lumingon ito sa kanilang likod at napailing.

"What?"  

"Paborito mo talaga dyan no?Kahit hindi kayo magkatabi, at least magkatapat ito," tukso nito sa kanya. She saw Dexter glancing at her and Ren, blanko ang ekpresyon nito.

Tama nga na katapat niya si Yuan na hawak na naman ang phone.

Pero hindi siya umuupo doon para magkatapat sila, nagkataoon lang siguro dahil iyon lagi ang bakante.

"You want to sit here Ali?" tanong nya kay Ali na tahimik sa kanyang gilid,

"Ha? I am fine here" silang kambal ay tumingin dito, Ren smirked at lagot na naman si Ali.

"Ang bagal mo kasi, sayang ang opportunity eh di sana ikaw-Aray!" hindi na naituloy ni Ren ang sasabihin dahil nakatikim siya ng hampas kay Ali. Handa na itong magalit sa nabigla rin na si Ali ng mapako ang mata nito sa pinto. Napalingon din siya doon. A short haired girl comes in, kasama ang isang kaklase na lalaki na may naka backpack. Masayang nag-uusap ang dalawa habang nagtatawanan.

Pamilyar and babae kay Ran, napatingin siya sa kakambal na nandoon muli ang mga mata, nakasunod sa pag-order ng dalawa at pag-upo sa pang dalawahang upuan s amay dulo. Mukhang may sariling mundo ang dalawa dahil hindi nito alintan ang matatalim na mata na pinupukol ng kanyang kapatid.

Ngunit bakit.

Umayos ito ng upo, habang pinaglalaruan ang pagkain.

"Diba panggabi siya?" narinig niyang bulong ng isang kaibigan ni Ren, sinong siya ang tinutukoy nito?  masamang binalingan ng tingin ni Ren ang nagsalita, kaya naman yumuko na lang ito at nanahimik...si Ali ganoon din.

Muling nagring ang kanyang phone, sinagot niya na ito.

"Gusto kitang kasabay, kailan kaya pwede?" tinakpan niya ang kanyang bibig dahil sa kumukurbang ngiti na ayaw niyang pakawalan , lalo na't maasim na naman ang tingin ng kanyang kakambal sa kanya. Nawala na ang atensyon sa babaeng tinitigna nito. She really looks familiar, bagay ang maikling buhok nito. She never tried having her hair as short as that. Pinakamaikli na ang lampas balikat.

Napaubo siya para mawala ang tensyon.

"Try then if you are not coward." Nakatingin siya sa kanyang pagkain habang sinabi iyon. Bigla itong nawala sa linya, akala niya natahimik lamang ito. Nabigla na lang siya ng tumabi na ito sa kanya dala ang hinila nitong bangko. Nakangisi ito.

"Sinong nagsabing duwag ako?" bulong nito sa kanya, saka bumaling sa kanyang kakambal na salubong na naman ang kilay.

"Bayaw patabi ha?" nakiusap ito kay Ren, but the worst part, tinawag itong bayaw.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon