TPS 42: subukan mo

42.8K 1.3K 58
                                    

#unedited



***

TPS 42:

Maagang bumangon si Yuan, sa kabila ng wala man lang yatang limang oras ang kanyang tulog. Hindi pa rin siya, o hinding hindi siya makapag move on sa sinabi ni Ran sa kaniya kagabi, sila na! As in silang sila na talaga, opisyal na girlfriend niya na ito, walang halong pag-aassume, totohanan na talaga. Gustong gusto niya ngang puntahan ito kagabi, kahit pa naka panjama lang siya, nadampot niya na nga agad ang susi ng kanyang big bike, para mabilis siyang makabyahe, yun nga lang ayaw nito. Since, yun ang sabi ni girlfriend sino ba naman siya para hindi sumunod? Sa takot nya na rin na bawiin nito ang nasabi na and worst. Kaya naman nag gm na lamang siya sa kanyang mga barkada, si Topher lang naman ang nagreply, binabati siya. Kahit kailan talaga iyon lamang ang maasahan niya sa tatlo. Nagpalit na rin siya ng status sa kanyang facebook account, mas pipilitin niya na rin si Ran na I add siya nito sa fb, sobrang private kasi ng account nito.

Nadatnan niya ang kanyang mommy na pakanta kanta habang nagluluto, yumakap siya sa likuran nito at isinuksok ang mukha sa leeg nito. Mas matangkad na kasi siya sa kanyang mommy, kung dati hanggang beywang lamang siya nakakapaglambing, ibang iba na ngayon.

"Good morning mommy." Masayang bati niya dito, para pa rin talaga siyang nakalutang sa alapaap. Humarap ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Hindi pa rin talaga nagbabago, damang dama talaga ni Yuan kung gaano siya kapaborito ng kanyang ina.

"Ang laki ng eyebags mo, pero bakit mukhang naliligayahan ka pa?" nakataas ang isang kilay nito habang sinusuri ang kanyang mukha.

"Mommy, girlfriend ko na, sinagot na ako kagabi," masaya nyang balita dito...nangako kasi siya dito na ito muna ang sasabihin niya imbes na ang kanyang daddy, tiyak kasi na magtatampo ito.

"Talaga? Aba dalhin mo na agad dito!" masaya nitong sagot na lalong nagpatuwa kay Yuan.

"Sure mommy, ipaalam ko muna siya sa parents nya, lalo na sa daddy nya, diba kasundo mo naman yung mommy niya?" tumango itoat halata na rin na excited na muling makita si Ran, ang kanyang girlfriend. Ang saya lamang sa pakiramdam. He will arrange it as soon as possible. Gustong gusto niyang ipagmalaki si Ran sa kanyang buong pamilya, kapalit ng maraming pang-aasar na posible niyang makuha lalo na sa kanyang mga kapatid.

Matapos magbreakfast, nagpaalam siya na pupuntahan si Ran, tutal kagabi pa siya nangangali na puntahan ito. Sana ulitin nito ang sinabi kagabi, sana manggaling mismo sa bibig nito, mabilis siyang naligo at naghanda. Bumili rin siya ng bouquet of her favorite flower. Alas otso pa lamang ng umaga at nagpapakaintsik siya dahil maasa siyang bibisita dito. He didn't mind waiting though.

"Sorry, hindi pwedeng gisingin si senyorita, mahigpit na bilin yun..." he understand.Tulog pa daw kasi si Ran, saka na-aapply kay Ran yung kasabihan na "Biruin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising" baka kasi maging bad shot pa siya dito kapag ginising kaya hihintayin niya na lamang."si Senyorito Ren lang po ang gising pero sabi , hindi raw po kasi kayo kilala.." hindi na siya nagtataka kung ikaila siya nito, buti nga at hindi ito nagalit sa kanya kagabi. Ngumiti siya at nagpasalamat naman sa guard, nanghingi pa ito ng sorry sa kanya.

Hindi niya alam kung bakit , pero siguro dahil alam nito na nagsisinungaling ang amo nito.

"Okey lang po ako kuya, hihintayin ko na lamang magising si Ran," tinext niya na lamag ito, sumandal siya sa kanyang kotse habang naghihintay ng oras ng paggising ng prinsesa. Possible kaya na hindi rin ito nakatulog kagaya niya? Napatawa siya naisip.

May asul na kotse na tumigil din sa harapan ng bahay nina Ran, napakunot ang kanyang noo ng makilala ang plate number noon. Syempre dapat kilala mo ang karibal mo, naihanda niya na ang kanyang sarili bago pa man bumaba ang driver.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon