TPS 48: miscalls

38K 1K 104
                                    

dedicated kay pusakath- salamat:)

umpisahan ng kumapit

#unedited



***

TPS 48:

 

Malapad ang ngiti na ibinigay sa kanya ni Yuan pagsapit ng Lunes, sinadya n'yang bagalan ang kanyang kilos kahit sinabi pa ng kasambahay na naghihintay na ito sa kanilang living room.

She's still mad at him. Nagpapabawas pa siya ng galit nito kahapon, Sunday. She was busy hiding from him all day, she ignored his calls and didn't reply in his messages. Nag-iwan lamang siya ng isang mensahe na may importante siyang gagawin,  kahit na pagtulog at pagbabasa lamang ang kaniyang pinagkaabalahan sa kanyang kwarto.

"I told you 'wag mo na akong sunduin." Kinuha niya ang boquet na bigay nito, hindi kasi ito titigil hangga't hindi niya iyon kukunin. Napanguso naman ito sa kanyang sagot.

"Pinagtaguan mo na nga ako kahapon, hindi ka sumagot sa tawag ko pati mga text ko , inis nab mo tapos hindi pa kita susunduin ngayon?" umiwas siya ng tingin dahil guilty siya sa sinabi nito.

"I told you my reason."

"Hindi pa pwedeng araw araw parang Sabado lang din? Yung magkasama tayong dalawa lagi?" tinignan niya ito. Clueless ito sa kung ano ang nasa loob niya.

"Nagbreakfast ka na?" tanong niya dito para maiba ang kanilang usapan.

"Hindi pa, kasi mas inuna kong pumunta dito." That's what she hates and love about him, madalas itong hindi kumakain para masundo lamang siya agad.

Lumingon siya sa dining room at niyaya ito na kumain na sila, may oras pa naman. Tahimik lamang sila sa hapag, nauna na ang daddy niya at si Ren, yung dalawa nyang kapatid at ang kaniyang mommy ang kasabay nila sa pagkain. Ikinuwento ni Yuan kung ano ang nangyari sa birthday ng daddy nito.

Minus the Bryan part.

***

"Bakit mo ako iniwan? I told you sasabay ako diba?" pagbukas ni Yuan ng kanyang kotse , si Bryan ang bumungad sa kanya. Nasa school nila ito, nakalimutan niya ang dahilan kung bakit sasama ito, abala kasi siya sa pagtawag kay Ran na hindi naman sinasagot. Something was off, noong ihatid niya ay tahimik na ito, hindi nagtataray masyado, kakaibang katahimikan  ang ibinigay nito sa kanya. Sumunod nga ang mga tawag na hindi nito sinagot. He understand  na baka pagod lamang ito, namimiss niya nga lamang nab ago matulog, makausap man lamang ito kahit saglit. Then Sunday came, mas naging malala pa ang pagbabalewala nito sa kanya.

Nakakapag alala.

Humarang si Bryan sa kanyang daanan kaya hindi niya napagbuksan si Ran ng pinto.

"I told you mage enroll ako sa culinary dito, I want to be a good cook like tita mommy, samahan mo ako!" masiglang wika nito. Nakataas ang kilay ni Ran dito.

"Hindi ko rin alam, kay Topher ka na nalang paturo, saka sasamahan ko pa si Ran." Pagdadahilan ni Yuan, gusto niya kasing makausap si Ran, kung mayroon silang problema.  Sa dami ng topic na gusto niyang pag-usapan nila kanina habang nasa biyahe, wala man lamang naging interesante para dito. Para lamang siyang nakikipagusapan sa hangin.

"Boring kasama si Topher." Nagtawanan ang tatlo na nandoon din sa tabi nila, "ikaw na lamang please?"  kumapit pa ito sa braso ni Yuan na lalong nagpataas sa kanyang kilay. Inaalis naman iyon ni Yuan, ng maalis ay mabalis na lumapit sa kanya at umakbay sa kanyang balikat.

"Ayoko nga, sasamahan ko pa girlfriend ko." Tumingin naman ang dismayadong si Bryan sa kanya.

"Okey lang ba Ran na hiramin ko muna si Yuan, I just badly need her help, pretty please with cherry on top?" pinagdaop pa nito ang palad. Kakatwa na tahimik din ang mga kaibigan ni Yuan habang naghihintay sa kanyang sagot.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon