TPS 20: get set

41.1K 1.1K 34
                                    

TPS 20:

 

"Ran here!" nakataas ang kamay nito sabay turo sa bakanteng upuan na mapalit sa bintana, sa bandang dulo.  If she remember it right, Grace ang pangalan noong tumatawag sa kanya, tinaasan naman ng kilay ng mga kaklase nila ang ginawa nitong pagtawag sa kanya.

As if naman lalapit yun  sa kanya.

FC talaga yang babae na yan.

 

Unti-unting binaba noong Grace ang kamay nito, nawala din ang ngiti nito sa kanya. Ran moved forward at naupo sa tabi nito, doon mismo sa tinuro nito kahit na maraming bakante. Seryoso lang siya, iniisip niya pa rin ang nangyari sa labas, nakialam na naman ang kanyang kakambal. Sa taas ng pride noon na tinalo po ang brand ng sabon, hinding hindi iyon manghihingi ng sorry lalo na kay Yuan, malala na ito noong bata pa sila, lalo na ngayon na malalaki na sila. Napahinga siya ng malalim, dalawa na silang dapat na magsorry.  Sa gilid ng kanyang mga mata,alam niyang nakatingin ang kanyang katabi, unti unti niya itong nilingon, habang ang kanang kamay ay nakatukod sa kanyang baba.

"Why?"

"Ki-lala mo pa ako?" napangiwi siya sa tanong nito, akala niya kasi kung ano na.

"I don't have amnesia." Ngumiti ito sa kanyang sagot, may sasabihin pa sana ito ng ma-interrupt ng kanyang-paano niya nga ba tatawagin ang lalaki na ito?

"Hi Miss?" nakangiti itong sumulyap sa kanya, tapos sa kanyang katabi na napatulala yata sa mga ngiti ng lalaking baliw.

"Ye-yes?"

Yuan leaned forward, itinukod nito ang mga kamay sa table ni Grace, nagulat naman ang huli at napaatras.

"Pwede bang, diyan ako maupo sa upuan mo para tabi kami ng Princess ko?" kinikilabutan siya sa tawag nito sa kanya, ang daddy niya lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon kapag naglalambing at nanunuyo ito, pero right now, kinikilabutan siya sa tawag ni Yuan.

"Ha?"Naguguluhan nitong tanong sa kaharap. Di niya namapigil ang sarili na sumabat.

"Don't be rude, find your own chair freak." Matigas na sabi niya dito, masama niya itong tinignan, pero wa epek pa rin habang napakislot naman ang babaeng katabi.

Nakita niyang hinawakan ni Yuan ang kamay ng natahimik na si Grace, wag kang matakot sa girlfriend ko, ganyan lang talaga yan, normal niya pa yan.

"Girlfriend?" tanong nito habang pinalipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Yuan.

"Hindi kami, nag-iilusyon lang yan," saway niya sa gustong palabasin ni Yuan, muling bumaling ang mga mata nito sa nakatayong si Yuan.

"Sige na nga, luluhod ako para ibigay mo sa akin yang upuan mo," pakonsensya nito, hindi nga ito nagdalawang isip dahil nagreready na itong lumuhod.

"Wag na , sige ikaw na dito!" saway ni Grace na madaling kinuha ang gamit at lumipat sa katapat na pwesto.

"Salamat!" masayang sabi ni Yuan dito na mapanuri pa rin ang tingin sa kanila. Napailing na lang siya habang mas nilalapit nito ang bangko.

"Pwede ba lumayo ka." mukhang paglapit ang ibig sabihin ng lumayo sa dictionary nito. mas lalo kasi itong lumalapit and worst inaamoy nito ang kanyang buhok na parang aso.

"Yuan!" saway niya dito, buti at wala pang prof at  buti isang subject niya lang ito kaklase. Or else, makakahiram ito ng mukha sa aso dahil sa pang-iinis na ginagawa nito sa kanya.

"Anong shampoo mo? Ang bango eh, para ganoon na rin gagamitin ko kahit pambabae para lagi kitang naamoy." Nilaro laro na nito ang dulo ng kanyang buhok, hinawi niya iyon at iniwas.  Sobra na talaga ang pagkabaliw nito.

"Kailan ka ba titigil?" ang masama , mukhang magkakasakit siya sa kakulitan nito, sumeryoso naman ang mukha nito na nakakatitig sa kanya.

"Kailan ako titigil?" ulit nito sa malumnay na boses, pansin niya na namumula pa rin ang ilong nito, maputi rin kasi ito na kagaya niya, "Titigil ako kapag napansin mo na ako."

Paano titigil kung napansin niya na? diba at mas lalala pa? pinagloloko lang talaga siya ng baliw na lalaki na ito." Kapag napansin mo na ako, magkakaroon na akong kumatok sa puso mo,kapag nakakatok na ako, wala ka ng magagawa kung hindi papasukin ako, kasi alam mo kung bakit?" sinadya pa nitong putulin ang sasabihin, hindi niya alam kung bakit hindi niya maibaling ang mga mata sa iba.

Ano bang ginagawa ng lalaki na ito sa kanya?  Ilang araw pa lamang pero nagulo na nito ang kanyang sistema. Nakakainis na!

"Papapasukin mo ako kasi, ang gwapo gwapo ko," laglag ang kanyang panga sa umaapaw na self confidence nito, ibinaling na lang ni Ran ang kanyang sumasakit na ulo sa harapan. Only to realize na nandoon na pala sa harapan ang kanilang instructor, at ang lahat ng mata ng mga kaklase ay sa  kanila nakabaling.

"You two! Tapos na ba kayong magligawan? Pwede na batayong mag-umpisa?" sarkastikong tanong nito.

Nagyuko siya ng mata para humingi ng paumandin samantalang ang kanyang katabi ay may gana pang sumagot.

"Hindi pa po kami tapos si Sir, hindi pa nga ako nangangalahati sa panliligaw pero pwede ko naman po na mamaya ituloy," alam ni Ran na pinapahaba lang ng instructor ang pasensya. Iiling —iling na lamang ito habang tinatawag na ang bawat estudyante para sa attendance.

At wala siyang magagawa kung hindi ma stuck sa tabi ng baliw na lalaki sa loob ng kulang isang oras.

.....................................................................................................................

"Dexter." Hinanda niya na ang kanyang sarili, alam niyang tatanungin at tatanungin siya ng kaibigan sa kung tama ba ang narinig nito, at hindi niya iyon itatanggi. Tatanggapin niya kung ano man ang sabihin nito.

"I like your sister," he declare,inawat niya sa kung anuman ang sasabihin nito," please listen to me first," hiling niya dito, natahimik naman ito kaya nagpatuloy siya sa kanyang kwento," una ko siyang nakita sa fountain, hinahanap ang kanyang necklace. Instantly, after our short conversation, I had this desire to get to know her, pero hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung saan siya makikita, and everyday I am missing her, until I met he again sa party."

"I know your reputation, " akusa dito ni Ren, Dexter is a heartbreaker, sasaktan lang nito ang kanyang kapatid, bagay na hindi niya hahayaang mangyari, Ran deserve all the best thing in the world, the best love and protection. Gagawin niya ang lahat maibigay lamang iyon sa kakambal.

"But, iba ang nararamdaman ko sa kapatid mo, hindi na siya maalis sa isip ko, I love her Ren," seryosong sabi nito.

He felt betrayed, kaibigan niya pa. Umpisa pa lang halos si Ran sa school pero heto at sumasakit na ang kanyang ulo sa mga nagsasabing mahal ang kapatid niya.

"Binalaan na kita diba?" paalala niya dito.

"Sorry Ren,I just can't ,wala akong magagawa kung masisira tayo dito, pero sana wag dumating sa punto na yun, I valueour friendship so much, but please sana bigyan mo ako ng chance sa kapatid mo. I want to show her how much I love her.

Tinignan niya ito sa mga mata, kung gaano ito kaseryoso, at kung gaano iyon kalalim, kung ano at hanggang saan ang kaya nitong ibigay. Paano kapag nalaman nito ang sakit ng kapatid niya? Magiging handlang ba yun?

"May attitude ang kapatid ko," nangiti na si Dexter sa kanyang sinabi, ang dating kasi ay napapapayag niya na ito.

"I know, but that made her unique,"

"She loves hitting and saying means things."

"That won't be a problem" Sana nga, sa isip ni Ren, kakainin niya ba ang kanyang salita?

But in this game, he will bear out something really important.

He clenche his fist saka maayos na hinarap si Dexter, nabigyan niya yung isa, so dapat lang na pati ito kahit kaibigan niya pa.

"Pwedeng pasuntok?" hindi na ito nakasagot dahil dumapo na ang kanyang kamao niya dito, at gaya noong baliw na isa, napadugo na rin ang labi nito.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon