TPS 4: Ran vs Ren

65.2K 1.5K 45
                                    

start ng twin fight!

ibang level

#unedited

...................

…………………………………………………………………………………………………

TPS:

 

 “Sasagot kayo o ipapakulong ko kayo?” matigas na banta ni Ren sa dalawa, he knew the other guy, nakikita niya ito sa school…yung kasama namna nito na nakasampa sa kanilang bakod na parang magnanakaw ay mukhang pamilyar sa kanya.

Ang singkit nitong mga mata, pamilyar talaga sa kanya.

“Ano, napadaan lang kami nagjojog kasi kami,” hinihila ni Topher si Yuan na nakikipaglaban ng titigan kay Ren. Binulungan niya ang katabi,”wag kang magkakamali ng sagot kung hindi kulong tayo,”

Mukha namna itong hindi kinakabahan sa kanyang banta. Handa talaga ang baliw na kaibigan sumuong sa kung anong laban, maging sa bangis ng kakambal ng pag-ibig nito.

Yuck. Nakakabading.

“Kuya nabigay ko na!” ang masayang balita ni Phineas ang nagputol sa titigan nina Ren at Yuan, parehas na bumaling ang mga ito.

“Salamat.” sabi ni Yuan sa batang babae.

“Anong binigay mo? Kanino mo ibinigay?” tanong ni Ren na nagpagulat sa bata, kahit may ideya na siya kung sino ang tinutukoy nito, mas lalong nakakagalit. Kaya naman tutol siya sa gusto ng parents lalo na ng mommy niya na mag-aral si Ran sa kanilang college. She will be exposing sa mga tao, sa mga lalaki na tatangkain siyang saktan. It will be hard for him to protect her kapag nasa labas ito. Wala siyang tiwala sa mga tao sa paligid. Hindi niya hahayaan na makidnap at mapahamak ito muli.

Mabuti pang nasa bahay ito. At least she’s safe, napapalibutan ng mga taong poprotekta sa kaniya.

“Yung one rose na pinabigay niya,” tinuro si Yuan noong bata kaya naman bumaling ang tingin ni Ren dito.

“You can go Phin,” utos ni Ren dito, buti at dumating na rin ang driver ni Phineas, isinakay na ang alaga sa kotse at nagpaalam.

“Ano fan kasi siya ni Ran, “ excuse ni Topher.

“Don’t you understand the word privacy?” Pagsusungit ni Ren…kahit modelo ang kapatid, importante ang privacy nito. Hindi naman ito artista para kalkalin ang buhay. Kaya naman tutol din sila sa pagmomodel nito.

“You didn’t answer may question, sino kayo?” matalim ang tingin nito kay Yuan.

“Kapag nagpakilala ka sa kaniya, baka mahirapan kang makapunta sa debut ni Ran,” bulong ni Topher kay Yuan. Napigil sila ng bumukas ang pinto ng passenger seat ng kotse ni Ren.

“Ren?’ tawag nito, agad naman nagbago ang expression ni Ren, nawala ang bangis, lumambing ang aura nito.

“I told you to stay inside,” masuyong sabi nito sa babaeng lumabas. Nagkatinginan ito at si Yuan, the girl is beautiful pang beauty contest ang ganda, matangkad at halatang may ibang lahi. But still Ran will always be the only one in her eyes. Sukdulan talaga ang kaniyang pagiging loyal.

“Hayaan mo na sila, they look harmless and he is from our school.” Tinuro ng babae si Topher, ngumiti naman si Topher dito.  Muling bumaling si Ren sa kanila, nabawasan na ang galit.

“Pasalamat kayo sa kanya,”  dagdag nito.

“Eh di salamat.” Sagot naman ni Yuan na nagpabalik sa kunot noo ni Ren, humarang na si Topher dahil baka kung ano pa ang mangyari.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon