TPS 24: menopause baby

45K 1.1K 75
                                    

para sa mga menopause baby na kilala ko na matatalino at parang matanda kong umasta...

wala pong Yuan sa chapter na to...sorry, not sorry

#UNEDITED



....................

TPS 24:

Ran is still mad, that's why Ren kept his distance until they arrived home. Sinalubong sila ng kanilang mommy na nagtataka na nakatingin kay Ran. Humalik lamang ito dito at nagpaalam na papasok lang sa kwarto.

"Honey, tinapon ni Ran ang phone ko sa kalsada." Sumbong niya sa ina, imbes na panigan siya nito, tinanong siya nito kung ano ang kanyang ginawa sa kapatid para mapikon ng ganoon.

"I just told her na nasa hospital ang manliligaw niya," he skip the good for him part. Tiyak kasi na mapapagalitan siya ng kanyang mommy. Alam niyang duda pa ito.

"What happened to Yuan?" nag-aalalang tanong ni Clem.

"I've heard na nasa hospital siya, that's all. Hindi naman po ako interesado."

"Okay lang daw ba siya?"  Nagkibit-balikat na lamang siya, dahil hindi naman mahalaga sa kanya kung okey lang to o hindi. Mabuti nga at wala ito dahil isa lang ang kailangan niyang bantayan ngayon. Hindi ibig sabihin na kaibigan nya si Dexter ay magiging pabor na siya dito para sa kanyang kapatid. Dadaan muna ito sa kanya!

"Buhay pa naman daw po." Sinamaan siya ng tingin ng kanyang mommy, lumapit siya dito at niyakap, nilambing lambing niya ito para hindi magalit.

.................

Inihagis ni Ran ang kanyang bag sa kanyang kama, naupo siya pagkatapos, tinignan niya ng masama ang bear sa kanyang tabi. She pressed the button.

 

I miss you Ran.

Pinitik niya ang ilong ng kawawang bear. Napawi ang kanyang inis sa buong araw, ibang pakiramdam naman ngayon ang bumabagabag sa kanya. Kinuha niya ang bear a niyakap habang nakahiya.      

Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano.

"Mabuhay! Buhay ka pa?" bati sa kanya ni Bono kasabay ng pagbato ang mansanas sa kanya, buti na lang at hindi injured ang kanyang kaliwang kamay , nasalo nya iyon bago kung saan pa siya natamaan.

"Gago!" sagot niya bago kinagatan ang binigay nito. Nagsihiga ang tatlo sa kanyang kama.

"Buti na lang tumawag muna kami, kung hindi sa hospital pa kami dumiretso," si Topher habang kinukuha ang gitara sa gilid.

"Galos lang naman, si mommy lang ang mapilit na ma-confine ako, hindi siya nakumbinsi hanggat hindi ako na check-up ng mabuti, okey naman ang x ray ko." Paliwanag nya sa mga ito. Gustong gusto niya ngang pumasok, kaya lang bantay sarado sya sa kanyang mommy.

"Iba kasi kapag menopause baby" nanunuksong sabi ni Jackson na sinang-ayunan pa ni Bono, nang aalaska na naman ang dalawa tungkol sa kanyang pagiging menopause baby kuno...humabol pa kasi sya, 20 years ang pagitan nila ng kanyang kapatid na kanyang sinundan.

"Inggit lang kayo!' ganti niya sa mga ito...may pagkakataon kasi noon na napagkakalamalan na lola niya ang kanyang mommy, na anak naman daw siya ng kanyang ate o kuya. Lagi niyang pinapaliwanag na mommy niya at hindi lola ang kasama. Minsan pa nga siyang napapaaway doon, pero bandang huli, wala namang masama sa pagiging menopause baby, madalas nga mga achiever pa ang mga iyon at matatalino.

"Ang swerte naman noong pusa, sinagip mo, kung ako yun, hindi ako magpapakabayani katulad mo." Sermon sa kanya ni Bono, yon naman kasi ang nangyari, Sabado ng hapon, pauwi na siya sa bahay, umiiyak ang kanyang tita dahil nawawala daw si Elizabeth Salvatore, nakalabas daw ito sa kanilang bahay. Hinanap nila hanggang sa park, sa buong village hanggang sa makita nila ito sa gitna ng kalsada, may tinitigan na kung ano.  Tatakbuhin sana ito ng kanyang tita, buti na lang at napigilan niya, may parating na sasakyan at yun nahagip siya.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon