TPS 44: his right time

37.2K 1.1K 30
                                    

short update

#unedited





....

TPS 44:

 

"Dad I want to show you something!" malakas na sabi ni Ren, kababalik lang ng parents nila, ibinabahagi nito ang mga pasalubong para sa kanilang magkakapatid, maging ang mga kasambahay ay mayroon din. Ganoon talaga, lalo na kapag kasama ang kanilang mommy, likas talaga itong mabait at maalalahanin, kaya naman mataas ang paggalang ng mga kasama nila sa bahay dito.

Bawing bawi sa hindi kagandahan ng ugali ng asawa nito.

"And what is that? Pwede bang mamaya na lamang,"

"It can't dad, it's too important dapat mo talagang mapanood yung mga nangyari habang wala kayo ni honey," Ren looked at her teasingly, alam niya na yung tumatakbo sa isip niya ang ibig ipahiwatig nito.  Napakapakealamero! Her dad will be really disappointed. She bit her lip. Binibigyan niya si Ren ng signal n asana 'wag na nitong ituloy ang masamang binabalak, pero mukhang desidido na ito na ibuko siya.

"Okay," tumayo na si Jett para sumunod sana kay Ren, kaya lamang napatigil ito sa sinabi ni Rojan.

"Daddy, may boyfriend na po si ate," daldal nito kaya naman napalingon siya sa anak na babae. Ang alam niya nililigawan pa lamang nito ang anak, bakit nawala lamang sila saglit, magkarelasyon na ang mga ito.

"Is that true?"

"Dad-"kinabahan naman bigla si Ran sa tanong ng ama. Dahan dahan siyang tumango, natahimik naman ang kanyang mga kapatid, maging si Rojan na hindi naman alam ang consequence ng nasabi.

She knows that it will be heard to get his approval, kahit naman pumayag ito na ligawan siya ni Yuan, still, pero kasi, hindi niya na mapigil ang sarili. She fell for him, ito naman matagal na, sino siya para hindi kiligin sa mga ginagawa nito? Sa mga atensyon na sa kanya lang espesyal na ibinibigay? Halos nga sabihin nito sa bawat estudyante sa university na sila na, sobrang sweet nito, hi ahatid siya at sinusundo, lagi sya nitong pinapatawa sa kabila ng pang-aasar nito. He makes her feels special and normal, nakakapasyal siay kapag kasama nito, okay lang na atakihin siya ng sakit dahil sigurado ang safety niya kapag ito ang kasama niya. Ang worst lang naman na ginagawa nito ay ang panaka nakang pagnanakaw ng halik, bukod sa holding hands at akbay.

"And you didn't tell me?" may pait sa boses nito, kalakip ang matinding tampo...napatingin siya sa kanyang mommy para manghingi ng saklolo, she may be a brat sometimes, pero hindi niya gusto na galit sa kanya ang kanyang daddy, lalo sa ngayon na si Yuan ang dahilan. Alam nya sa kanyang sarili na kung sasabihin nito na makipagbreak siya kay Yuan because of that, hindi niya iyon magagawa.

"She told me, nakalimutan ko lang sabihin sa'yo love, I'm sorry," lumapit pa ang kanyang mommy sa kanyang daddy at yumakap sa beywang nito, kinuha nito ang atensyon ng daddy nila na nasa kanya. Paulit –ulit nitong sinusuyo ang asawa, mukhang bitin pa sa kung anong mga ginawa nila sa kanilang bakasyon. "We were so busy together kaya naman nakalimutan kong sabihin sa'yo, it was my fault so please don't get mad?" nagpakawala pa ito ng malalim na buntunghininga,"saka isa pa diba, napag-usapan na natin to, Yuan is a nice boy, ideal boyfriend, and isa pa, Ran knows what she's doing , she is smart and we trust her right?" napatango na rin sa wakas ang ama. Palagi talagang umuubra ang convincing skills ang kanilang mommy, paano na lang kaya kapag hindi ito nakasuporta sa kanya o ni isa sa kanila?

"Ok"

Bumaling na muli sa kanya si Jett, hindi na galit ang mata nito, pero bakas pa rin ang tampo sa mga mata. "You young lady , mag-uusap pa tayo, kakausapin ko pa ang boyfriend mo," parang tinik pa sa lalamunan ang pagkakabanggit nito sa salitang boyfriend.

"Yes dad,"napatango na lamang si Ran, akala niya okey na pero muli itong bumaling kay Ren,"Let's go Ren," saka umalis ang dalawa patungong private room kung saan naka connect ang lahat ng mga cctv. Gustong noyang sundan sana ito pero hindi makakilos ang kanyang mg paa, nahihiya siya sa makikita ng kanyang daddy, baka muling bumalik ang galit nito na pinaghirapan na pawiin ng kanilang mommy.

"You look pale, okey na , mukha lang galit pero tanggap naman ng daddy mo si Yuan, trust me," hinaplos ng kanyang mommy ang kanyang mga pisngi.Sana nga po.

"Someone's afraid,"  sinamaan nya ng tingin si Ron na may hawak na libro," What ate, I am talking about this crime scene in this book," iniharap pa sa nito sa kanya ang cover ng libro para masabi na hindi ito nagsisinungaling.

"Trust your twin, hindi ka noon ipapahamak."

"Honey, bakit kapag ikaw ang kumakausap kay daddy, nawawala yung usok niya sa ilong? Bumabait siya bigla na parang magic?" lumapit naman si Clem sa kanyang bunso na madaldal.

"Kiss mo na  lang ako, na miss kita eh," hindi naman ito nagreklamo, pero pagkatapos, nanghihingi pa rin ng sagot.

***

Ren played the videos that he save, para mapanood ng ama, ilang araw niya din na pinanood ito ng paulit ulit, pilit kinukuha ang mukha ng tao na nandoon. Seryoso ang mukha ni Jett habang inaaral ito.

"The same person that, from this date, saka sa tatlo pa...he is watching us, "tukoy nito sa strange person na nakamasid sa kanilang bahay...nagpapanggap din itong delivery boy at nagjojog, mukhang hindi masyado mahigpit ang security kaya Malaya itong nakakapasok.

"I'm afraid to say that he might be after you,"

"Or your sister," tapos ni Jett sa sasabihin nito. Mula ng magkaisip si Ren, sinabi niya na dito ang tungkol sa sulat na nakuha sa damit ni Ran noong araw na naibalik ito sa kanila mula sa pagkakidnap...sinabi nito na babalik ang taong yun para bawiin ito sa takdang panahon.

At ito na marahil ang tamang oras dito, kaya hindi sila dapat magpakakampante at magpatumpik tumpik pa. Marami siyang kalaban sa business pero wala yun kumapara sa lalim ng galit ng taong iyon, si Z...mahabang panahon nila itong pilit na hinanap, binaliktad ang buong Pilipinas at buong bansa, pero para itong palos, hindi mahuli, hindi makita ang bakas.

Kaya naman, kahit masyadong risky, tumuloy sila sa huling plano.

"Yuan is always with her, we can trust that he can protect Ran," putol ni Ren sa malalim na pag-iisip ng ama.

"Sana nga," hiling niya, sa kabila ng katotohanan na isinasakripisyo rin nila ang seguridad ng isang taong nagmamahal sa kanilang anak.

But this is the time to get their enemy sa halip na habang buhay na lang silang nababagabag at natatakot..Ito na ang tamang panahon, sana sa pagkakataong ito, mahulog na ito sa kanilang mga kamay.

At hindi sana sila, si Ran, o sinuman ang mahulog sa mga kamay nito.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon