TPS 21 : buds

41.3K 1.1K 33
                                    

#Think positive.

#UNEDITED

dedicated kay @sweetielhea

..............................

TPS 21:

 

"Ran get in!" matigas na utos sa kanya ni Ren, pauwi na sila, tapos na naman ang araw sa school, nahagip ng mata niya si Yuan kasama ang mga barkada nito sa di kalayuan. Nakamasid ito sa kanya, alam niyang di makalapit ito dahil sa kanyang kakambal na may ultok na naman at sumasabay na naman sa kanya.

"I will don't shout, don't be a nagger."  Pumasok na nga siya gaya ng gusto nito. Kumpleto na ang lahat ng kanilang prof, nakakapag-adjust na rin siya. May subject na Physical Education na hindi maiiwasan, sa gym iyon na puno lagi ng tao. Malaki ang gym ng school kaya naman marami din ang nagpapractice doon. Malaki nga talaga ang school, may soccerfield din, matataas na building na may mga elevator.

During lunch naman, sumasabay si Ali sa kanya, or siya ang sinasabay ni Ren, nakakaisang linggo na rin pala siya ng pasukan, napansin niya lamang ito ng dumating ang Sabado.

.........................

Kinakabahan si Yuan na bumaba sa kanyang big bike. May dala siyang malaki na teddy bear, hindi niya alam kung may pupuntahan ang pag-akyat nya ng ligaw pero di naman masamang subukan. Yes, manliligaw siya at uumpisahan niya sa tamang paraan dito mismo sa bahay nina Ran. Ang alam niya wala ang kambal nito sa umaga, nasa gym ito o basketball with friends. So 5 % ang chance na makikita niya ito. May dalawa itong kapatid pa na lalaki na hindi niya pa nakikilala sa personal, pero nag research na siya about those two, just in case. Ang daddy naman nito na kinatatakutan niya ay natyempuhan niya na umalis.

Napahinga siya doon.

Mabait ang mommy nito na alam niyang hindi siya itataboy. Well sana nga.

"Good morning po, ako po si Yuan Uytingco, nadyan po ba si Ran?" bati niya sa security guard na nagbukas sa kanya.  Seryoso itong tiniganan sya mula ulo hanggang paa.  Ngumiti siya para makagaanan niya ito ng loob, pero mukhang hindi effective dahil seryoso pa rin ang mukha ni kuyang guard.

"Anong kailangan nila?" itinaas niya ang kanyang dalang teddy bear.

"Manliligaw po ako."

"Boy, umuwi ka na sa inyo, nag-aaksaya ka lang ng oras, siguro fan ka ni Ms. Ran, hindi siya lalabas para makipagkita sayo kaya umuwi ka na." isasara n asana nito ang gate pero pinigil ni Yuan iyon.

"Please sandali lang po ako," pakiusap niya, naiirita na ito at handa siya muling itaboy ng may marinig silang boses sa likod nito.

Lumawak ang kanyang ngiti. Save by the bell!

"Hello po tita good morning, nandyan po ba si Ran?" kinapalan niya na ang kanyang mukha , humakbang na siya papasok kahit pinipigilan siya nito.

"Hi Yuan, " nakangiting bati nito,"oo kaya lang tulog pa siya eh, napagod sa isang linggo na pagpasok sa klase," hindi naman kasi sanay ang kanyang anak.

Alas 10 na sa relo ni Yuan, nakakapanghinayang dahil gusto pa naman niya ito makita kahit Sabado,pero wala siyang magagawa.

"Ganoon po ba, ibibigay ko po sana sa kanya ito," bigong sabi ni Yuan, hindi naman maiwasan ni Clem na maawa dito...naalala niya kasi ang batang Yuan na laging lumalapit  sa kanya noon kapag hindi pinpansin ng anak, naalala niya kung gaano ito ka cute, samantalang ngayon, kahit napakagwapo na, sa anak niya pa rin nahuhumaling, sana nga lang tapat talaga ang pag-ibig nito.

"Sige po, mauna na po ako," tatalikod na sana siya ng pigilan ni Clem.

"You might want to come in? Pagising na rin yun," malapad ang kanyang ngiti at hindi na nag-inarte pa.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon