TPS 41: can't sleep

43.4K 1.3K 87
                                    

#UNEDITED

#masakitpusokoatdisappointed:(



TPS 41:

Napangiti siya sa kanyang ginawa, gulat na gulat ito at hindi naka react agad, hindi man nito alam pero pinasaya siya nito at ang kanyang kapatid. Minsan lang siya makakita ng tao na kasundo ni Rojan, matapos kasi na magkasama ang dalawa sa pagbili, nagkakwentuhan na ang mga ito regarding animes.Very attentive si Rojan dito, siya naman ang kinakausap ni Hynes a kabilang banda, bumibili din pala ito ng mga products na ineendorse niya. Muling lumingon si Ran para makita ang kotse ni Yuan na palayo, napatigil lang siya ng marinig ang pagtikhim ng kanyang kakambal sa likod.

"Ano d'yan ka na lang? Wala ka ng balak pumasok?" nakataas ang kilay nito, hawak nito ang kanilang bunso na tulog na tulog pa rin. Nagkibit balikat lamang siya dito, sarap tuktukan ng pagiging masungit nito sa kanya. Tumalikod na ito para maunang maglakad habang karga ang kanilang bunso. Nakalimutan niya na wala nga pala ang parents nila ngayon kaya ito ang nagsisilbing padre de pamilya nila. Masyado kasi nitong dinidibdib ang role nito sa kanila.



Sinundan niya ito papunta sa kwarto ni Rojan, maingat nitong nilagaya ang kanilang kapatid, kinumutan din nito si Rojan. Kahit paborito itong asarin ni Rojan, hindi naman ito pumapatol sa kanilang bunso. Bukod sa sinasabi ng kanilang daddy na mahalin nila ang baby ng pamilya, nakikita rin ni Ren ang sarili niyang kakulitan dito.

"Mukhang napagod si kulit."

"You have no idea," bigla naman itong lumingon sa kanya, matalim ang pinupukol nitong tingin.

"Hindi ko naman kailangan ng sagot, halata rin na napagod ka, sa sobrang pagod mo nga, hindi mo nasagot ni isa sa mga text at tawag ko." Mahina pero sarkastiko nitong sagot, umirap ito sa kanya at lumampas, nauna na itong lumabas, naiwan siyang napanganga sa sinabi nito.

Guilty sya sa hindi pagsagot, pero bago yun alam naman nito na lalabas siya kasama si Yuan. She even told him that she brought Rojan with her. Alin ang hindi malinaw doon? Hindi naman niya kasi iyon sinagot dahil bakit nya pa uulitin ang bagay na naipaliwanag niya na.

She turned around and followed him. She saw him sulking in the living room. Palipat-lipat ng channel sa kanilang flatscreen.

"Hey." Tawag niya sa atensyon nito, pero mukhang wala itong balak na bumaling sa kanya. Kumilos siya at pinatay ang television, iritable itong bumaling sa kanya.

"Hey ka rin."

"Why are you acting like this? Hindi kita ma-gets!" minsan kasi mabait ito sa kanila, akala niya nga boto na ito kay Yuan, mukhang mali siya. Ren's approval will never be that easy. "If you're mad, wag mo akong idamay." Inis na rin na sabi niya dito. Mukha namang nagalit ito sa kanyang sinabi, pero hindi muna ito kumibo, pumikit pa ito at huminga ng malalim. Ramdam niya na may pinagdadaaanan ito, pero hindi naman ibig sabihin na hindi ito masaya ay idadamay na siya nito. That's unfair!

"The problem is, hindi ka sumagot, delikado, tapos kasama mo pa si Rojan. Are you even thinking?" bulyaw nito sa kanya.

"Sa tingin mo ipapahamak ko si Rojan? You're unbelievable!" sarap sapukin ng kanyang kakambal, isinama niya si Rojan dahil naaawa siyang maiwan ito mag-isa, sinama niya para mag enjoy din ito. Hindi niya batid kung ano nag tumatakbo sa isip ni Ren, paano nga naman din sasabihin ni Ren sa kakambal ang nalalaman niya mula noon? 

"Kung sana kasi hindi ka na lang pumasok sa university, ang kulit mo kasi, you better stay here, sana hindi ganito kakomplikado, sana hindi ganito katigas ang ulo mo." Muling sermon nito sa kanya.

The Princess's  Stalker (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon